Chapter 47: Ungol

126 1 0
                                        

Chapter 47: Ungol

Kahit masakit sa loob ni Myrna ay sinunod niya si Prances. Tama naman ito. Hindi pwedeng masayang ang effort nila na bumalik at dumaan sa ibang ruta upang hindi makita ng Team Spider. Nagtago na muna sila sa isang bakanteng lote na may mga bakanteng bahay. Sa likurang bahagi nag-park si Caloy. Ang mga lalaki ang nakaabang sa harap kung dumaan at nakaalis na ang Team Spider. 

Si Myrna ay napaupo nalang sa isang sulok. Lumapit sa kanya si Prances at naupo sa kanyang tabi habang naglalaro sina Liza at Maliah.

“Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil hindi natin mailigtas ang mga matatanda. Pagdating natin sa lab ay hindi lang sila ang makukuha natin. Maliligtas pa natin ang mundo laban kay Xavier at sa lahat ng kasabwatan niya. Wag kang panghinaan ng loob.”

She sighed. “Oo naman Ces. Hindi ka panghihinaan ng loob. Salamat at nandito ka.” Saka sila nagkatitigan. “I mean di ba as best friends sobrang laking tulong na nandito ka at partners tayo.”

Isang matamis na ngiti ang tugon nito. Parang nag-slomo ang lahat sa ngiti palang nito. Doon niya napagtantong kumekerengkeng pa rin talaga siya sa gitna ng pandemya. ‘Yung feelings niya na romantically para sa kanyang matalik na kaibigan ay naroon pa rin. Mukhang hindi iyon ganon kabilis na mawawala parang ang pandemyang ito lang. Baka nga mauna pang mawala ang Desire V-30 kesa sa feelings niya eh. Sana all.

“Let’s take this time din siguro para magpagaling sa mga sugat natin. May tama pa tayo ng baril tapos may hiwa pa sa tiyan. Mabuti nga’t may medicine supply tayo eh pero para na tayong si Cardio Dalisay ni Coco Martin noong late 2010’s eh. May tam ana pero sige pa rin sa life.”

Natawa siya. “Hahaha! Loka ka.” Naisip niya rin na sana pati ang pusong sugatan ay napapagaling.

Ilang sandali pa’y biglang tumunog ang kanyang phone. Tumawag si Yberr.

“Hello Yberr kumusta ka? May narinig akong malakas na pagsabog kahapon nang mag-usap tayo.”

“Nasa bahay na ako ma’am Myrna. Dito na po ako nagpapagaling. Sumabog nga po ang bomba kahapon. Maraming namatay.” Pagbubunyag nito.

“Diyos ko po. Sobrang sama na talaga ni Xavier.”

“Sobra ma’am. Dahil sa nangyari ay hindi ko na makukuha ang mga gamit ko sa office. Mabuti nalang po ay napasok ko pa rin ang internal systems ng Techno. Kaso lang sa tingin ko po ay alam na niyang nasa inyo ang katapatan ko kaya nagtatago na kami ng pamilya ko. Baka po ipahawa pa kami sa virus ni Boss X este ni Xavier.”

“Tama ‘yan Yberr magtago na muna kayo. Higit sa lahat ay magpagaling ka muna. Mag-iingat kayo huh? Salamat din sa Diyos dahil nakaligtas ka sa pagsabog.” Saka na nila binaba ang tawag.

“Salamat naman at ligtas si Yberr.” Bulalas ni Prances.

Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay tinawag na sila ng mga lalaki. Nakaalis na raw ang Team Spider mula sa home for the aged. Nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Muli silang napatigil dahil sa isang pediatric hospital naman kumukuha ng mga tao ang Team Spider. This time ay mga bata naman ang kinukuha. Nakatanaw na naman sila sa malayo.

“Hindi ko na ‘to kaya. Kailangan nating mailigtas ang mga bata.”

“Myrns…”

“Hindi natin sila kaya Myrna.” Saad ni Red. “Tingnan mo naman ang dala nilang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali sa bilang ko ay twenty plus ‘yan. For sure bawat van ay may mga bantay na Spider. Anong laban natin sa mga ‘yan? Baka madamay pa ang mga inosenteng matatanda at bata kapag sumugod tayo.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon