Chapter 60: Ulan

28 2 0
                                        

Chapter 60: Ulan

"Boss X palipad na po ang mga jet." Saad ni Jonathan kay Xavier nang tumawag ito matapos niya itong utusang isagawa ang kanilang Plan B. Ang kanilang plan A ay ang natural na pagpapakalat ng Desire V-30 virus. Sinimulan nila iyon sa lugar ng mga mabababang tauhan ng Wuhan lab ng Pacific lab. Sa tirahan ng mga trabahador nila. Alam nilang aalis ang karamihan at papalaganapin ng mga ito ang virus. Lalaganap sa Wuhan palabas sa iba pang syudad at probinsya ng China. Hanggang sa may mga lalabas ng bansa at unti-unting kakalat sa iba't-ibang mga bansa sa buong mundo.

Seventy percent of infection throughout the world ang target nila. Noong una ay mabilis iyon. Inabot ang forty percent. Gayunpaman ay bumagal ang infection rate nitong mga nakaraang araw dahil sa naging pahayag ng team nila Myrna at Prances sa WHO. Malamang dahil sa vlog ng mga 'to ay mas babagal pa ang infection rate. Doon na nga naisip ni Xavier na ipatupad na ang kanilang Plan B. Ang kanilang Plan B ay sapilitang pag-infect sa mga tao sa pamamagitan ng articifial rain na may moist at droplets ng Desire V-30 na nakasama sa tubig.

Gaano nga ba kabilis ang hawaan sa ganitong paraan? Mabilis. Napakabilis. Sixty to seventy percent. Kapag nabasa ang tao ng ulan mahahawa ito. Kapag nasinghot ng tao ang moisture ng ulan mahahawa ito. Pwede namang sumilong. Oo. Pwede namang mag-stay nalang muna sa loob. Oo. Hangga't hindi natutuyo ng araw ang tubig ng ulan na may dalang virus ay wag na munang lumabas. Oo. Pero hindi iyon ang target way of infection ni Xavier sa Plan B. Alam niyang maiisip 'yun ng mga tao. Ang kanyang target ay mahawa ang mga hayop at halaman sa labas. Tama. Ang mga hayop at halaman na hindi naman basta-basta makakapasok sa loob ng bahay. Hindi naman basta-basta makakapagtago. Ang mga ito ang expose sa labas.

Mabilis na mahahawa ang mga halaman na mababasa ng ulan na may virus. Lahat ng kagubatan at palayan sa buong mundo ay mamamatay. Instantly.

Ang mga wild animals naman ay mabilis ding mahahawa. Kabilang na ang mga domesticated animals at mga pets ng mga tao na mata-trap sa ulan. Magwawala ang mga 'to. Manggugulo sa mga tao. Mangangagat. Magdadala ng takot. Makakapanghawa.

Ang mga nakaligtas naman na hayop ay maaaring kainin pa rin ang mga namatay na halaman lalo na ang mga herbivores. That's another way of spreading the virus.

Sa mga tao naman ay darating ang panahon na magkakaroon ng limited stocks ng pagkain dahil maraming hayop ang infected na. Samantalang majority naman ng mga halaman ay patay na. Hindi sila mamamatay sa desires nila dulot ng virus pero sa desire nila para makakain dahil sa gutom. That will cause great hunger and commotion. Ang taong nagigipit ay sa patalim kakapit. Mapupuno ng mundo ng takot, pangamba at kasamaan.

"Hahaha! Magaling Jonathan! Magaling! Hahaha! Sandali lamang. You need to connect me to the internet. Hindi lamang sila Myrna ang may pa-livestream dapat ay tayo rin. Ihahayag ko na sa mundo ang plano natin para naman kahit papano ay makapagtago sila. Hahaha!"

Ganoon na nga ang nangyari. Ilang minuto matapos ang anunsyo ni Xavier ay nasa himpapawid na ng bawat bansa ang mga jet na may dala ng Desire V-30 virus. Saan nila nakuha ang mahigit dalawang-daang jet? Maraming bansa may human-trafficking kung saan pinapangunahan ng Team Spider. Nakuha nila ang pondo sa mga 'yun. Hindi basta-basta human trafficking dahil mayayamang tao ang involved. Sila ang nagbebenta ng mga alipin at sex slaves na mga babae at bata sa mga bilyonaryong negosyante at pulitiko sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Marami ang CEO, presidente, hari, celebrity o maging pinuno pa ng mga illegal na grupo. Ang iba sa mga jet ay donasyon ng mga 'to.

Kaagad na nagpalusob ng mga panlabang pang himpapawid ang mga bansa tulad ng Amerika, Russia, United Kingdom, Japan at iba pa. Nagtagumpay ang iba. Napasabog ang mga jet nila Xavier. Gayunpaman ay huli na ang lahat. Masyadomg concentrated ang liquid na naglalaman ng Desire V-30 virus. Sapat na upang humalo sa mga ulap at bumuo ng ulan.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon