Chapter 92: Traydor
"Let's go Caloy!" Utos ni Myrna kay Caloy nang makasakay na sila ni Prances sa loob ng van. Normal na van lang ang lulan sila kumpara sa high-end na gamit nila sa Wuhan, China.
"Okay ma'am!" Saka sinimulang paandarin ni Caloy ang makina ng sasakyan. Kaagad din nitong tinapakan ang accelerator o gas upang humarurot sila. Tamang-tama dahil paparating na ang Team Spider sa pamumuno ni Baby Boy. Nasa ibabaw pa ng sasakyan ng mga 'to si Baby Boy na tila nagpapangaya. Kilala nila ang mga bagong at dating opisyal ni Xavier dahil na-inform na sila ni Yberr at Ruby.
"Ako na ang bahala sa gagong 'yan." Saad ni Red saka dumungaw sa bintana ng van. Kinasa nito ang hawak na baril. Tinakpan ni Prances ang mga mata ni Maliah. "Hoy! Gago ka!"
"Mas gago ka!" Sigaw naman ni Baby Boy sa kabilang sasakyan.
"Yuko!" Sigaw ni Myrna sa kanilang mga nasa loob ng sasakyan.
Saka nga nagpalitan ng bala ang dalawang mandirigma ng magkabilang grupo. Patuloy naman sa mabilis na pagpapatakbo si Caloy. Hindi naman natamaan si Red.
Walang tigil sa pag-iyak si Hope. Todo pagpapatahan naman si Rona.
"Dalian mo Caloy!" Saad ni Red. "Tinamaan ko si Baby Boy! Distracted na ang mga 'yun."
"S-saan po ba ang punta natin?" Tanong ni Caloy.
"La Union." Si Myrna ang tumugon. "Bumaba na muna tayo ng La Union. May bahay kami doon. Taga-roon ang nanay ko. Tumira kami roon noong mga bata palang kami. Hindi ko naman nabanggit sa application details ko noon sa Techno na probinsya ng nanay ko ang La Union. Sa tingin ko ay hindi tayo basta-basta mahahanap ni Xavier. Pero magpapalipas lang tayo roon ng ilang araw. Masyado nang lumalakas ang pwersa ni Xavier. Matutunton niya tayo kapag hindi tayo nagpalipat-lipat ng matataguan."
"Copy po ma'am Myrna." - Caloy.
Kinuha niya mula kay Rona ang sanggol. Siya na ang nagpatahan dito. Nagtagumpay naman siya. Kumalma ang bata sa kanyang piling. Nagkatinginan sila ni Prances.
"Heto na ba ang naghihintay na buhay sa ating mga anak Myrns?" Tanong nito sa kanya. "Hanggang kailan tayo magtatago?"
"Hindi habang buhay Ces. Lalaban tayo. Tatapusin natin ang kasamaang ito. Hindi lang para sa buong mundo lalo't higit sa ating mga anak. Sa mga batang ito."
"Kapatid ko po siya mga mama?" Biglang tanong ni Maliah.
Doon niya napagtantong hindi pa pala nila pormal na napapakilala si Maliah sa kapatid nitong si Hope. Masyado silang naging abala sa paglika ng bakuna nitong mga nakaraang araw.
"Oo Maliah. Siya si Hope ang iyong kapatid." Saad niya. Tila gumaan ang lahat sa loob ng van habang pababa sila ng Baguio.
"Yehey! May kapatid na po ako! Ang saya ko po mga mama!" Natuwa rin sila ni Prances sa naging reaksyon ng bata.
"Anak pakamamahalin mo ang iyong kapatid huh?" Sambit ni Prances. "Alagaan mo siya at protektahan. Kapag malaki na kayo ay wag mo siyang pababayaan."
"Opo naman mama. Magiging bayani rin po ako paglaki ko."
Lalong sumigla ang kanilang mga puso sa narinig na sinabi ng bata. "Naku ikaw talaga Maliah. Payakap nga! Group and family hug tayo ng mama Prances mo at ni Hope."
For a couple of minutes ay nalimutan nilang nasa gitna sila ng pandemya at magtatago na naman sila sa mga kaaway. Iba talaga ang pamilya. Nagpapagaan ng loob. Nagpapasigla sa mga pusong nalulumbay.
Nang makarating sila sa kanilang bahay sa La Union na malapit sa dalampasigan ay mas lalong nadama ni Myrna ang kahalagahan ng pamilya. Bigla siyang nanabik sa kanyang mga magulang at mga kapatid na lalaki. Hindi niya magawang makatawag sa mga 'to dahil baka ma-trace sila na buhay pa siya ni Xavier. Ang tanging nakakaalam lang na buhay pa siya ay ang pangalawang kuya niya na si Manolo, ang nobyo ni Yberr.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...