Chapter 6: Hinuha

102 2 0
                                        

Chapter 6: Hinuha

Pagkapanood sa balita ay sumakay na kaagad sa ibang van sina Myrna at Prances. Si Caloy pa rin ang driver. Sa pagkakataong ito ay kasama na nila si Red at dalawa pa nitong mga tauhan. Papunta na sila ng Wuhan. Hindi na nila nakuha pa ang iba pa nilang mga gamit. Nagmamadali na sila.

Nasa dulong hanay sila ni Prances nakaupo. Hindi siya nito pinapansin. Malayo ang tanaw nito.

"Ces hindi mo na ako pinansin after nating panuorin ang news. Galit ka ba sa akin?" Napahalukipkip siya. "Niligtas na nga kita tapos ikaw pa ang galit dyan."

"Bakit naman ako magagalit eh niligtas mo nga ako hindi ba?" Saka ito bumuntong hininga. "Pero nagtatampo ako sayo Myrns."

"Huh? Bakit ka naman nagtatampo? May ginawa ba akong masama?" Labis siyang nagtaka sa pagtatampo nito.

"Researchers tayo at sobrang halaga ng misyon nating ito. Isang buwan bago tayo ipadala rito ni Boss X, nakalimutan mo na ba ang hinuha niya? Alam kong may duda ka na sa pwede nating datnan dito. Ganoon din naman si Boss X di ba?" Tugon nito.

..........

Isang buwan bago sila ipadala sa China.

"Bakit kaya tayo ipinatawag ni Boss X?" Tanong ni Myrna kay Prances. Nasa malaking laboratoryo sila ng Techno Bio Lab. "Kadalasan hinahayaan niya na tayo sa mga mission at expeditions natin di ba? Tingin mo may something dahil bagong dekada? Naniniwala pa rin kaya sila sa trend ng paglaganap ng mga virus sa mundo na nagaganap ang mga 'to sa pagsisimula o pagtatapos ng isang bagong dekada?"

"Alam mo Myrns hindi ko rin alam kung bakit tayo pinatawag eh. Ang alam ko lang ay mahalaga nga ito. This is a code red mission according to our rules nang pumasok tayo ng lab. Ang mga senior researchers kapag pinatawag ng lab head ay may importanteng misyon tungkol sa isang mahalagang virus sa usapin ng mundo." Tugon ni Prances saka in- scan ang ID sa pinto ng opisina ni Boss X.

Dahil first time nilang nakapasok sa opisina ng kanilang head ay manghang- mangha sila sa nakita. Puno iyon ng iba't- ibang uri ng halaman. May mga insekto ring nakalagay sa transparent containers.

"Plantito pala si Boss X." Natatawang komento ni Myrna.

"Tumahimik ka dyan baka marinig ka." Pagsaway sa kanya nito.

"My ladies. Tuloy kayo." Sa gitna kung saan punung- puno ng malalaking herbs ay lumabas si Boss X. Isa itong matandang lalaki. Puti na ang lahat ng buhok. May kalakihan ang tiyan nito at nakaupo sa isang hi- tech na wheelchair.

"Boss X?" Sabay nilang nausal. Dahan- dahan silang lumapit dito saka yumukod upang magbigay pugay. Kahit hindi nila nakikita ang kanilang pinuno ay mataas ang paggalang nila rito. Sa mga nilalabas lang nitong mga utos, papeles at misyon na natatanggap nila via email, message o tawag ay alam na nila magaling at matalino itong tao.

"Finally, nakilala ko na ng personal ang dalawa sa pinakamagaling na researchers ng Techno Bio Lab." Saad nito sa kanila. Husky ang boses nito.

"Masaya rin po kaming sa wakas ay makilala kayo. Isang pong karangalan na maipatawag ninyo Boss X." Sambit ni Prances habang patuloy na nakayuko.

Itinaas naman ni Myrna ang kanyang ulo. "Code red po ito dahil ipinatawag niyo kami. Ano pong nangyayari?" Walang pakundangan niyang tanong sa kanilang pinuno.

"Gusto ko ang pagiging straightforward mo Myrna." Pinihit nito ang wheelchair saka tumalikod sa kanila. "Sundan niyo ako."

Nagtungo sila sa mesa nito sa hindi kalayuan. May kinuha itong sobre sa cabinet ng mesa. Inabot nito iyon sa kanya.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon