Chapter 36: Pagpapasya
“Paano nila nalaman?” inulit ni Linda ang tanong ni Martin. Masinsinang nakinig si Myrna at tinatantsa ang magiging reaksyon ng dalawa. “Paano? Pinaimbestigahan lang naman nila tayo sa mga IT expert nila. Kinuha nila ang social media mo para alamin ang tungkol sa atin!”
“Bakit naman ganoon Myrna?” tanong sa kanya ng lalaki.
“Bakit hindi? Hindi namin kayo kilala. Ayaw niyong sabihin ang tungkol sa inyo. Ayaw ninyong sabihin kung anong pakay ninyo sa lab. Ano ba talagang tinatago ninyo? Sino ba talaga kayo?”
“Bakit mo pa tinatanong kung pinaimbestigan niyo na kami?”
“I want to know it from you. I’m giving you the benefit of the doubt.”
“Bakit pa?” pabalang na tanong ni Martin.
Hindi niya iyon nagustuhan. “You know what Martin, matapos mo akong ipagtanggol kahaon at alagaan kahit papano ay nagtiwala ako sayo. Nakuha mo rin kahit papano ang respeto ko dahil sa ginawa mo para kina Yang. Alam mo ba kung anong ginawa sa akin ng babaeng ‘yan kaya dumating ako sa puntong alamin kung sino kayo?”
“W-wag kang maniniwala sa kanya Martin!” bigla na namang pumagitna si Linda.
“Hindi Linda. Gusto kong marinig. Anong ginawa ni Linda sayo Myrna?”
“Dinala niya lang naman ako sa village kung saan siya nagtrabahong night club. Alam niyang may infected doon. Alam niyang pwede akong mamatay. Mabuti nalang at nakailigtas ako ni Red kung hindi ay patay na ako ngayon. Napiraso na ako ng babaeng infected doon sa village.” Pagtatapat niya.
“Ano?!” biglang sinakal ni Martin si Linda. “Dinala mo si Myrna kay Madame?! Alam mong mapanganib si Madame dahil hanggang ngayon ay hindi niya nakukuha ang desire niya! Bago palang ang virus noon kaya hindi natin siya nagawang patayin. Umalis tayo roon para hanapin ang mga taong makakapagdala sa atin sa laboratoryo! Tapos ito pa ang gagawin mo?! Bakit mo ‘yun ginawa huh?!”
Pilit na kumawala sa kamay ni Martin si Linda. Walang tigil ito sa pag-ubo at paghabol ng hininga. “Tarantado ka Martin! Mahal kita! Mahal na kita! Bakit hindi mo ba ako matutunang mahalin?!”
“Mas tarantado ka! Wag mong sabihing ginawa mo ‘yun dahil sa selos?!”
“Oo! Bakit?!”
Isang malutong na sampal na naman ang natanggap nito. Ngayon ay mula kay Martin naman. Napasubson na naman ito sa lupa. “Kaya ang saklap ng buhay mo kasi napakamakasarili mo!”
“Wow! Hiyang-hiya naman ako sayo Martin! Mukhang pera ka naman pero ano gumagapang ka pa rin sa lusak!”
Sasampalin na naman sana ng lalaki si Linda pero umawat na si Myrna. Hindi naman niya maatim na lalaki ang nananakit sa babae. Tama na ‘yung nasampal na nila ni Prances ang babae. “Martin tama na. Mali na ‘yan. Oo nga’t nagkamali sa akin si Linda dahil sa pagseselos niya pero hindi pa rin tama na saktan siya ng isang lalaki. Gagawin na namin ang gulong ng van. Magpahupa muna kayo ng mga emosyon ninyo. Kapag handa na kayong magsabi sa amin ng kwento ninyo ay naandito lang kami. That would be the last chance na ibibigay ko sa inyo. Kung hindi ay iiwan na namin kayo rito. Dito sa highway kung saan malapit ang village na pinanggalingan ninyo.”
Akmang tatalikod na siya nang higitin siya nito. “Ayos lang ba ang sugat mo? Bago na naman ‘yang bandage ah? Dahil ba ‘yan sa pagsugod sayo ni Madame?”
“Okay lang ako. Nagamot na ako ni Prances.”
Sina Caloy at Red ang nagkabit ng mga gulong. Habang nagkakabit ang dalawa ay nakapwesto sila ni Prances malapit kina Maliah at Liza. Sina Martin at Linda naman ay nag-uusap sa kabilang bahagi ng daan. Pinabasa na niya ang kabuuan ng lahat ng nalaman ni Yberr tungkol sa dalawang baguhan sa kanilang grupo.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...