Chapter 156: Katapusan ng Pandemya

14 0 0
                                        

Chapter 156: Katapusan ng Pandemya

Dalawang huling bahagi para sa huling misyon ng pagtatapos ng pandemya at nga mga Diyos-Diyosan ang kailangan pang isagawa nila Myrna. 

Ang una sa dalawang misyon ay gamutin ang mga zombie at ibalik sila sa pagiging normal na mga tao. Sa loob ng dalawang araw na pinalipas nila ay inaral pa nilang mabuti ang dugo na galing sa Pamilya X o mga may variant X ng Desire V-30 virus. Pinag-aralan nila ang tamang dosage para sa isang zombie na infected ng infection. Noong gumaling kasi Romina ay isang buong malaking syringe ang naiturok ni Myrna. Baka pwedeng mas pakontiin ang dosage para mas magamit nila ang kakaunting supply na meron sila. Nagtagumpay naman sila sa ginawa nilang mag-aaral. One ML lang kasi ng vaccine na may dugo ng variant x at kasama na ang chemical composition mixture ay pwede nang makapagpablik sa dati mula sa pagiging zombie. They checked the blood of Ruby kung paano ang naging ratio ng anti-bodies sa katawan nito. Doon nila nakuha ang tama at sapat na dosage ng bakuna para sa zombie infection. Dahil doon ay nakalikha sila ng more than one hundred copies of vaccine for the zombie infection mula sa tatlong vial ng dugo na meron sila. 

Samantala, kasama rin sa inaral nila ay kung sinu-sino lang ba sa mga zombie ang pwedeng gamutin. Tama. May limitation ito kung tutuusin. Sa sitwasyon kasi ni Romina ay sa braso lang ito may kagat bago mahawa. Ang iba kasing mga naging zombie ay wala ng utak, wala ng lamang loob at wala ng iba pang bahagi ng katawan. Mayroon ding sobra-sobra na ang nawalang dugo. Ang mga ‘yun ay mahirap na o imposible ng maisalba pa. Hindi naman kasi mabubuo muli ng vaccine ng zombie infection ang mga natanggal na internal organs. Hindi rin ito makakapag-generate ng bagong amount ng dugo. Tanging ang mga organs lalo na ang utak at puso na nag-stop lang mag-function ang kanyang muling i-activate ng bakuna. 

Kaya naman kailangan nilang maihiwalay ang mga zombie na pwede pang magamot sa mga zombie na hindi na. Ang mga zombie na nakakulong sa laboratoryo ng Heaven’s Palace. Si Prances ang nagbantay sa control room. Baka kasi kapag binuksan nila ang pinto ng lab ay mag-circulate ang hangin palabas at mawala ang aroma ng kemikal na kayang kumontrol sa mga zombie. 

Sina Red at Julio naman ang sumama kay Myrna na pumasok sa lab. May dalang sandata ang mga ‘to kung sakaling may hindi magandang mangyari sa kanila sa loob. Siya naman ang kanyang dala ay ang mga bakuna para sa zombie infection at nagsuot din siya ng helmet na may camera. Bago niya isuot ‘yun sa kanyang ulo ay nag-initiate muna sila ng livestream sa tulong ni Yberr na nasa cabin. Kailangan nilang maipakita sa mundo na matatapos na talaga ang pandemyang ito. Ayaw nilang sarilinin ang mga detalye dahil baka meron na namang magtangkang mag-take over bilang bagong Diyos.

“Magandang gabi po sa inyong lahat.” panimula ni Myrna. May auto-translation na rin para sa lahat ng language sa buong mundo. “Ako po si Myrna. Kasama po ang aking buong team mula sa dating Techno Bio Lab. Isang team na naging magkakaibigan na. Ako nga po kasama ang aking kasintahan at partner researcher and scientist na si Prances na tinaguriang kalaban ng mga nakalipas na huwad na Diyos. Ang akala po nila ay patay na kami pero patuloy po kaming lumalabanan hanggang sa dumating ang sandaling ito. Dahil tulad po ninyo ay biktima rin kami ng mga kasamaan at karumal-dumal na epekto ng pandemya. May mga mahal sa buhay din po kaming nawala at na-infect at wala kaming nagawa sa mismong mga mata pa namin. At opo, huwad na Diyos sila. Paninindigan namin ‘yan. Nakita niyo naman po ang mga isiniwalat naming katotohanan tungkol sa pandemya dulot ng Desire V-30 virus. Nais lamang po nilang kontrolin ang buong mundo. Nais lang nilang maging makapangyarihan para sa pansarili nilang ego at hangarin. Nais lang nilang kumita ng pera. Nais lang nila tayong gamitin. Ngunit patay na po si Xavier. Ngayong gabi ay patay na rin po si Jonathan. Wag po kayong mag-alala. Wala po kaming balak na maging Diyos. Ang tanging hangarin lang po ng aming grupo ay maibalik sa dati ang mundo. Maitama ang mga pagkakamali na dulot ng kasamaan at kasakiman. Isasama po namin kayo sa huling bahagi ng aming misyon. Ipapakita po namin ang mga dapat niyo pang malaman at masaksihan. At pagkatapos ng lahat ng ito, sisiguraduhin po naming tapos na ang pademya. Tapos na ang Desire V-30 virus. Wala na ang mga zombie. Wala ng mga pekeng Diyos.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon