Chapter 155: Panalangin

7 0 0
                                    

Chapter 155: Panalangin

“Tara sundan natin!” nagmamadaling anyaya ni Myrna sa kanyang mga kasama. Dali-dali silang nagpunta sa elevator. Kahit sa loob ay may social distancing. Malaki naman kasi ang elevator kaya mas espasyo para kay Prances upang makadistansya ito. Nakasuot din naman ito ng PPE. Mabuti nga’t nakilala pa ito ni Jonathan kanina. Pinindot niya ang eleventh floor. Doon huling huminto ang elevator. Malamang ay doon bumaba si Jonathan.

“Tingin niyo ba ay nagsasabi si Jonathan ng totoo na wala siyang alam sa documents tungkol sa virus of immortality?” tanong ni Prances.

“Nasobrahan yata ‘yung mga pinainom ni Joey eh. Parang pabaliw na talaga si Jonathan sa lagay niya. Hindi na reliable ang mga sinasabi niya. Kung wala tayong makukuhang matinong sagot sa kanya ay hahalughugin natin itong Heaven’s Palace bago natin gawin ang iba pa nating mga plano.” Tugon niya sa tanong nito.

Pagbukas ng pinto ng elevator sa ika-labing isang palapag ay halos mapaurong sila nang makita ang duguang bangkay ni Jonathan. Naliligo na ito sa sarili nitong dugo na nagmumula sa leeg nito. Para itong manok na ginilitan sa leeg upang katayin at lutuin kalaunan. Nakatayo naman sa harap ng bangkay si Joey na may hawak ng kutsilyo. Duguan ang kutsilyo. May mga dugo rin sa braso ang lalaki. 

“J-jonathan!” bulalas ni Rona.

“A-anong ginawa mo Joey?” tanong ni Myrna.

“Bakit parang gulat na gulat kayo? Hindi ba’t ang usapan naman talaga ay kami ni Joaquin ang papatay sa hayop na demonyong ‘to? Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Ayaw niyong madungisan ang mga kamay niyo di ba? Kasi kahit galit na galit kayo sa tarantadong ito ay hindi niyo pa rin kayang pumatay ng tao. Mga santo kayo eh di ba?” Tugon nito.

“Pero usapan din natin na sasabihan namin kayo kung nakuha na namin ang kailangan naming malaman sa kanya. Wala pa kaming nakukuhang matinong sagot mula sa kanya.” Saad niya.

“Ah ganon ba? Pasensya naman. Akala ko kasi ay okay na dahil pababa na siya eh. Nakatakas na siya sa inyo. Wala na kayong magagawa. Sa wakas ay napatay ko na ang demonyong ‘to! Wala na ang sumunod na buhay na Diyos na saksakan ng kasamaan at kapekean sa katawan.”

“Bakit parang iba rin ang galit mo kay Jonathan?” tanong ni Prances. “Parang may malalim kang pinanggagalingan?”

“Dahil sa tarantadong ito ay bumalik lahat ng trauma at galit sa puso ko! Nakapatay ako noon ng isang bakla dahil pinagsamantalahan ako noong bata pa ako! Dahil sa misyon nating ito at para maibalik sa kuya ko na si Joaquin ang lahat ng pamumuno sa Team Spider ay nagsakripisyo akong akitin at maging close sa tarantadong ‘to! Kaso lang…” dinuraan nito ang bangkay ni Jonathan. “Inabuso niya rin ako! Pinatulog niya pa ako para lang magamit ako! Gago siya!” saka pumatak ang luha sa mga mata ni Joey.

“Naiintindihan na kita Joey. Kaya mo rin ba sinobrahan ang gamot na pinainom sa kanya?” sunod niyang tanong dito.

“Oo!” tuluyan na itong humagulgol.

Nilapitan niya ito upang yakapin. “Tama na Joey. Tama na. I’m really sorry kung kailangan mo uling pagdaan ang mga pinagdaanan mo noon sa kamay naman ni Jonathan. Sorry kung naging instrumento ang misyon na ito para bumalik ang lahat ng sakit. Sana ay maging okay ka na mentally and emotionally. I’m really sorry.”

“I’ll be fine. Naipamukha ko na kay Jonathan bago ang kanyang huling hininga na wala siyang kwentang tao hanggang sa huli. Na kahit gaano kalaki ang epekto ng Desire V-30 virus at zombie infection sa buong mundo ay wala pa ring tutulad sa isang tao na may nag-aalala at nagmamahal kahit gaano man siya kabuti at kasama. Naranasan niyang lahat ng tao ay kaya siyang talikuran. Namatay siyang pinaglololoko siya dahil walang katulad ang kanyang kasamaan.” He sighed. “Ito lang ang ikalawang pagkakataon na nakapatay ako sa buong buhay ko. Kahit minsan sa Team Spider ay hindi ako kumitil ng buhay. Puro pag-spy lang at strategic moves ang ginagawa ko. Matapos nito ay kailangan ko na munang kalmahin ang sarili ko. Siguro ay aalis na muna ako. Kayo na ang bahala kay Joaquin. Ayoko nang manatili pa rito.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon