Chapter 63: Pagpasok

12 2 0
                                    

Chapter 63: Pagpasok

Nanatili ang kanilang mga labi sa labi ng isa’t-isa. Sa pagkakataong iyon ay mas mapusok na ang kanilang halik. It seems that they were savoring that moment. Masakit man isipin na may katapusan ang lahat ng ito pero nasa gitna ang lahat ng isang pandemya. May nakamamatay na virus na tila ba sa mga apocalyptic movies at zombie tv shows lang sa streaming sites nage-exist pero ngayon ay totoong nagaganap na sa mundo. Narating na ng mundo ang tila nalalapit na katapusan. Chaos was everywhere. Every life forms were experiencing sufferings and deaths. It was actually a point in human history na nagwawagi na ang kasamaan. The goodness in every person was being tested. Ang mahalikan ang iyong pinakamamahal ang pinakamagandang escape sa mga panahong iyon. 

“I love you Prances. I love you.” Saad ni Myrna nang saglit na suminghap ng hangin.

“I love you too Myrna.” Tugon nito saka muling nagsama ang kanilang mga labi. 

Matapos nilang maghalikan ay nagyakap sila ng ubod ng higpit. “Babantayan kita mamaya pagpasok natin sa lab. Please take care. Kahit na malaki ang posibilidad na mapahamak tayo ay gusto ko pa ring maging ligtas ka Ces. Please take care of yourself. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo.”

“Mag-iingat ka rin Myrns. Hindi ko rin naman kakayanin kapag may nangyaring masama sayo eh.” Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya. “Why don’t we make a deal?”

“Deal?”

“Oo. Let’s have a deal na kahit anumang mangyari sa isa’t-isa mamaya pagpasok natin sa lab kapag nakaligtas ang isa ay magpapatuloy pa ring mabuhay ang naiwan. Magpapatuloy upang tapusin ang misyon na ito. Tatapusin ang misyon na ito at muling mabubuhay sa isang bagong mundo na payapa na ulit. Hindi pwedeng matapos sa pagkawala ng isa sa atin ang buhay ng maiiwan at ng misyon na ito. Deal Myrns?”

“Ces bakit parang nagpapaalam ka na?” tanong niya rito.

“Ano ka ba Myrns? Nagpapakatotoo lang ako. Buhay natin ang nakataya sa misyon na ito. You might lose it at any point of this mission. So let’s have a deal na magpapatuloy tayo sa oras na may isang mawala sa atin.”

Hindi niya gustong marinig ang mga ganoong salita mula sa babaeng pinakamamahal. She was too hopeful for the reality that was coming their way. Kaya para matapos na ang usapan nila tungkol sa kamatayan at katapusan ay sumang-ayon nalang siya kay Prances. “Okay sige Ces. Deal.”

Muli silang nagyakap. Pagkatapos ay pinagsaluhan na naman nila ang isang halik na punung-puno ng pagmamahal.

…Sa isang banda ay nag-usap din sina Caloy at Liza. Nasa loob na ang dalawa ng van. Kasama nila si Maliah na tulog na. Nasa labas pa sina Myrna, Prances at Red. Kinuha na ni Caloy ang pagkakataon na iyon upang makausap ng sarilinan ang babaeng natitipuhan. Kaso lang ay hindi naman siya makapagsalita. Natotorpe siya. Bigla siyang nahiya nang maalala niya kung paano niya ito yakapin kanina nang sumugod ang buffalo sa side ng van kung saan nakaupo si Liza. 

“Caloy maraming salamat sa pagligtas at pag-comfort sa akin kanina ah.” Si Liza pa ang bumasag ng katahimikan. “Tulog ka na ba?”

“Huh? Gising pa ako Liza.” Bigla siyang nabuhayan. “W-walang anuman ‘yun. Lahat naman gagawin ko para sayo eh. Hindi kita pababayaan. Tandaan mo ‘yan. Ako ang magsisilbing mga mata mo sa dilim ng panahon. Ipagtatanggol kita. Kahit na hindi ako ang pinakamalakas sa mga lalaking kaibigan natin ay sisiguraduhin kong nakabantay ako sayo. Hindi kita pababayaan.”

“Maraming salamat Caloy. Sana ay hindi ako maging pabigat sayo. Sana ay makakita na rin ako upang masilayan na kita.” Saad ni Liza. 

Noon siya nakakuha ng lakas ng loob. It’s now or never. “May gusto sana akong sabihin sayo Liza eh.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon