Chapter 115: Muling Pagtangka
Sa pagsisimula ng bagong kabanata ng laban na ngayon ay tatlong grupo na ang magtutunggali ay may mga bagong mukha at tauhan ang pagala-gala sa Baguio City. Una na ang mga bagong myembro ng Team Spider na personal mismong nasaksihan nila Myrna habang nagtatago sila sa Session Road.
“Saan kaya nagtatago ang hayop na Jonathan na ‘yun?” tanong ni Myrna habang nakaupong nanlulumo.
“Masyado kayong napagod kagabi Myrns dahil sa pagpunta niyo sa Heaven’s Palace.” Saad ni Prances. “Wag mo na munang isipin ‘yan. You need to take a break para makabuo ng mas magandang plano.”
“Hindi nalang ang mundo ang nakataya ngayon sa misyon natin Ces. Pati ikaw. Ang pagkuha lang ng bakuna ang hindi nagtagumpay sa mga misyon kagabi. Paano kung magagawang iligtas ang mundo kung ikaw na umiikot ang mundo ko ay nasa panganib. Masyadong mabilis ang thirty days. Ayokong mawala ka sa buhay ko.”
Kitang-kita niya ang pamumula nito. Gayunpaman ay nabanaag niya rin ang lungkot sa mga mata nito. Lungkot na maaaring para sa kanya o para sa sarili nito. Muling nag-alab ang pagnanais niyang mayakap ang babaeng pinakamamahal. Ang hirap nang magkasama nga kayo pero hanggang tanawan lang ang kaya niyong gawin. Nag-uusap pero hindi mo magawang mahawakan. Ngayon ay alam na niya ang naramdaman ng maraming naapektuhan ng pandemyang ito. Ang makapiling ang mga mahal sa buhay ngunit tila napakalayo naman ng mga ‘to.
“Mamamatay na po si mama Prances?” biglang tanong na Maliah na nasa sala na rin pala. Umiiyak ito.
Dagli siyang tumayo upang patahanin ang bata. “Hindi mamamatay ang mama Prances mo huh Maliah? Hindi papayag ang mama Myrna mo. Nawala lang ang mga gamot na kinuha namin pero wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para makakuha ulit ng gamot. Okay? Tahan na anak. Tahan na.”
“Gusto ko na pong yakapin ang mama Prances.” Patuloy lang ito sa pagluha.
“Mayayakap mo rin siya. Pangako. Mayayakap mo rin siya.” Tugon niya rito.
Lumapit si Prances sa kanila na may isang metro pa ring distansya. Tuluyan na ring pumatak ang luha sa mga mata nito. “Sorry Maliah kung umiiwas ako sa iyo ha? Sa inyong lahat. Ayoko lang naman kayong mahawa eh. Pinapangako ko rin na gagawin ko ang lahat para makaligtas sa virus na ito sa tulong na rin ng mama Myrna mo at ng mga kaibigan namin. Tahan na anak. Kapag nakikita kitang umiiyak, nalulungkot at napapanghinaan ng loob ay nalulungkot din ako. Gusto ko ‘yung brave girl na si Maliah. Maging matapang ka para sa akin please anak. Maging matapang ka para sa mama Myrna mo.”
Nagpunas ito ng luha. Suminghot saka huminga ng malalim. “Magiging brave po ako mama Prances. Para maging brave na po kayo ni mama Myrna. Magpagaling na po kayo ah. Para mayakap na po namin kayo ulit.”
“Oo anak.” Sabay nilang tugon nito sa bata. Nagkatinginan pa sila.
Nang makabalik ang bata sa kwarto ay saka silang nag-usap-usap muli na matatanda.
“May dalawang paraan pa para magkaroon tayo ulit ng bakuna eh sa lalong madaling panahon.” Biglang saad ni Red habang nag-iisip sila.
“Ano ‘yun Red?” tanong niya rito.
“Siguradong ngayong araw ay ide-deliver na nila Xavier papuntang ibang mga bansa ang mga bakuna. Kahit marami pang kulang dahil sa nangyaring pagsugod ng mga zombie sa palasyo ay sure akong ipapa-deliver na niya ang mga ‘yun. Thirtieth day na bukas ng mga infected. Malayo ang ibang mga bansa. Iispin ‘nun na dapat makaabot ang shipping. Kahit pa sabihing 2030 na ngayon at sobrang bilis na ng shipping mula East patungong West ay ilang oras pa rin ang usapan. Pwede nating tambangan ang isang magde-deliver. Nagpaulan din sila rito sa Pilipinas di ba? ‘Yung ibababa para sa mga Pinoy ay pwede tayong kumuha ngkahit isang dosage na ituturok kay Prances.”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
