Chapter 9: Pandemya
Huminto na muna sila sa isang lugar sa Wuhan kung saan walang tao sa paligid. Sa ibaba iyon ng isang tila forest in the city ng syudad. Tumatawag kasi si Boss X at humihina ang signal kaya humanap sila ng spot kung saan may maayos na signal.
"Hello po Boss X." Pagtugon ni Myrna sa kanilang head. Video call iyon kaya nakikita nila ito.
"Maraming salamat sa pinadala mong video Myrna. Dahil sa video na iyon ay naniwala na ang gobyerno natin pati na rin ang ibang mga bansa na malala ang virus na ito." Saad ni Boss X.
"Ano po? So hindi po sila naniwala sa mga unang datos at impormasyon ng mga naunang team sa amin dito na mga researchers?" Nagtatakang tanong niya.
Napayuko at napailing ang kanilang head. "Matapos magbigay ng impormasyon ng mga naunang team sa inyo dyan sa Wuhan galing sa iba pang mas malalaking research institutes sa ibang panig ng mundo ay hindi na muli sila nagparamdam."
"Ano pong ibig ninyong sabihin sa hindi na nagparamdam?" Tanong naman ni Prances.
"Nawalan na kami ng contact sa kanila. Marahil ay may ginawang masama sa kanila ang Team Spider o na- infect na rin sila ng virus."
Nagkatinginan nalang sila ng kaibigan.
"Tangna talaga ang mga spider na 'yan eh. Sarap tirisin." Komento ni Caloy na nakikinig sa usapan kasama si Red.
"Ang pagkawala ng komunikasyon at walang kumpirmasyon sa nangyayari dyan kaya't hindi kaagad nag- deklara ng border control ang Pilipinas at ang buong mundo. Salamat sa pinadala niyong video dahil opisyal nang nag- lockdown ang lahat ng mga bansa. Nagdeklara na rin ng global pandemic ang World Health Organization." Dugtong ni Boss X.
"Global pandemic? Bakit ho? Kumalat na ba ang virus na ito?" Muli niyang tanong. Kinakabahan siya sa magiging tugon nito.
"Matapos lumabas ang video ay umamin na ang pamahalaan ng China na hindi nila kaagad naagapan ang virus. Dahil isang buwan ang duration bago malaman na infected na ang isang tao ay nagwalang- bahala rin sila noon. Buong Wuhan na nga raw ang infected. Kahit sa mga katabing probinsya at lungsod ng Wuhan ay lumabas na rin ang virus. Kinumpirma rin nila na may mga nakalabas na rin ng China na infected. Nakapasok na ang mga ito sa iba't- ibang mga bansa. Kabilang na ang Pilipinas."
"Shet!" Napatakip nalang siya ng bibig.
"Oh my God!" Reaksyon naman ni Prances.
"Putang ina!" Sabay na nausal nila Caloy at Red.
"Habang pinag- aaralan natin ang kabuuan ng virus at nag- iimbestiga pa kayo riyan ay pansamantalang tatawaging Virus Z ng World Health Organization ang virus na ito." Dugtong na ni Boss X. "Kakaiba ang virus na ito. Napakaraming nangyayari. Iba- iba ang epekto sa bawat tao. Ngunit isa lang ang pinatutunguhan nilang lahat- kamatayan. Kumukuha na ang WHO ng sample sa mga taong infected upang aralin ang virus. Kailangan niyong ituloy ang inyong misyon na pumunta sa lab sa Wuhan. Baka naroon ang mabilis na sagot tungkol sa origin, composition, symptoms at cure sa virus na ito. Tila hindi ito aksidenteng virus lang tulad ng nangyari sa COVID- 19 noon. Pakana ito ng Spider Team."
Buntong- hininga ang nasagot nilang pare- pareho.
"Nakaantabay ang IT team natin kung kakailanganin ninyo ng tulong. Mag- ingat kayo. Maging mapagmasid. Sa inyo kami umaasa." Iyon ang mga huling habilin ni Boss X bago maputol ang video call nito.
"Itutuloy pa po ba natin ito?" Tanong ng natirang tauhan ni Red.
"Wag kang duwag. Lalaban tayo. Narinig mo naman ang sabi ni Boss X. Sa atin umaasa ang mundo. Hindi natin sila pwedeng biguin sa laban na ito." Si Red na rin ang tumugon sa kanyang tauhan.
"Pero si Boss X na rin ang nagsabi kailangan nating mag- ingat at maging mapagmasid. Hindi tayo didiretsong papasok sa lab kapag naroon na tayo sa lugar. Magmamasid na muna tayo. Saka tayo magpa- plano ng mga susunod nating hakbang." Dugtong ni Myrna. Tila sumang- ayon naman sa kanya si Red sa pagkakataong iyon dahil tumango ito habang nakatingin sa kanya.
"Tara na Caloy." Anyaya ni Prances.
"Dumaan muna po tayo sa gas station." Tugon nito.
Nang nasa gas station na sila ay hindi nila kinaya ang mga tagpo. Mayroong tauhan ang gas station na umiinom ng gasolina. Merong sinunog ang sarili. Meron ding kumakain ng gulong ng sasakyan. Hindi muna sila bumaba ng van. Pinagmasdan lang nila ang mga 'to. Napa- sign of the cross nalang silang magkaibigan saka naghawak ang kanilang mga kamay.
"Siguro naman agree na kayong patayin na natin sila. Infected na sila obviously. Sa ginagawa nilang 'yan ay mamamatay na rin sila. Padaliin na natin ang kanilang kamatayan." Saad ni Red.
"O- okay sige." Pagsang- ayon ni Myrna.
Napabitaw si Prances sa kanyang kamay. "P- pumayag ka?"
"Baka kapag lumabas tayo ng van tapos makuha natin ang atensyon nila ay sugurin nila tayo. Baka mahawa tayo kapag nadikit tayo sa kanila. Wala na sila sa tamang pag- iisip." She sighed. "Masakit man pero wala pa tayong cure sa ngayon. Hindi rin natin sila matutulungan. Sana lang ay hindi na masundan ang mga taong kailangang mamatay sa ating mga kamay. Sana ay nasa lab nga ang lahat ng sagot na kailangan natin."
"At wag kayong mag- alala kami ng bata ko ang tagapatay. Ang kamay lang namin ang madudumihin. Gagawin namin ito para maging matagumpay ang misyon na ito. And you also need to do your job once we're there at the lab." Saka bumaba si Red sa van at pinagbabaril ang mga taong infected sa gas station.
Bago kargahan ni Caloy ang van ay in- spray- an muna nito ang handle ng gasoline hose. Baka kasi may laway pa roon ang mga infected. Matapos magkarga ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay.
Inabot na sila ng gabi sa daan. Nang nasa madilim na highway sila ay biglang pumreno ng malakas si Caloy. Nakaidlip na sila pero sabay- sabay silang nagising.
"Caloy ano ba? Bakit ka huminto?" Iritableng tanong ni Red.
Pagtingin nila sa labas ng windshield ay may mag- ina sa labas. Tila hinarang nito ang van kaya napahinto si Caloy.
"Tulungan niyo po kami ng anak ko! Parang awa niyo na! Hindi po kami infected! Please help us! Help us please!" Saad ng ina.
"P- pinoy sila..." nauutal na nausal ni Prances.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...