Chapter 17: Evil Child

39 1 0
                                    

Chapter 17: Evil Child

"Ruuuuuuun!" Inulit pa nang nakahandusay na babae ang pagsigaw.

"Sebastian! Please halika na!" Hinila na ni Myrna sa braso ang lalaki.

"Sebastian pinapaalis na tayo ng babae. Wala na ang bata sa tiyan niya. Puro na rito dugo oh. Nakalabas na rin ang sinapupunan ng bata." Dugtong naman ni Prances na nagmamasid sa paligid.

Bumukas ang pinto ng van. "Hindi na safe dyan! Putang ina mo Sebastian gumising ka sa katotohanan! Hindi 'yan ang asawa mo! Papatayin mo tayong lahat!" Sigaw ni Red.

"Iwan niyo na ako. Hindi siya infected nanganak lang siya kaya siya ganyan. Baka kinuha ng infected ang kanyang anak. Tutulungan ko lang siya." Humarap pa ang makulit na si Sebastian sa babae. "Right miss? Someone stole your child? What happened?"

"No one steel my child! I have an evil child! My child is a monster! Whatever it is! It is infected! Maybe I passed the infection in my child inside my womb. It ate my intestines and crawl out my system on its own like a monster! It's chasing a man a while ago! It might get back any moment from now! Ruuuuuuuuun!"

Napabitaw si Myrna kay Sebastian sa narinig. Nakakatakot ang pagbubunyah ng babae tungkol sa anak nito. Imbes na ang babae ang maging infected ay nalipat sa sanggol na nasa sinapupunan nito ang virus. Hindi lang basta infected ang bata. Wala pa itong isip at wala pa itong desire. Kaya naman naging itong halimaw. Baka para na itong tyanak.

"Babalik na kami Sebastian sa van. Narinig mo ang lahat hindi ba. Kusang lumabas sa katawan ng babae ang bata. Marahil ganoon ang epekto ng virus sa mga buntis. Nalilipat sa bata ang virus at nagiging halimaw bilang wala pa itong desires. Wala tayong sapat na lunas to prevent her bleeding. She will die any moment. Pero tayo may chance pa tayong makaligtas hangga't wala ang batang halimaw. Halika na."

"Baka naman 'yan ang desire niya. Kung anuman ang desire niya ay ayaw niya sa anak niya." Matigas pa rin ang ulo nito.

"Kung may ganyan na siyang desire ibig sabihin lang 'nun ay infected na rin siya talaga. Sebastian please tara na." Hindi pa rin sumuko si Myrna na kumbinsihin ang kasamahan.

"Myrns tara na. Tara na. May naririnig akong kakaibang tunog. Pakinggan mo." Hinila na siya ni Prances.

Pinakinggan na rin niya ang sinabi nitong kakaibang tunog. Mayroon ngang tila nakakapangilabot na hagikgik ng isang bata. Napalingon sila sa paligid. Parang may aninong nakamasid sa kanila. Ang matindi pa sa aninong iyon ay mabilis na kumikilos sa kanilang paligid.

"Ces tara na. Nandito na siya. Tumatakbo siya ng mabilis. Sebastian sumunod ka na sa amin. Nagsasabi ng totoo ang babae. I'm sure nararamdaman mo rin ang kumikilos sa ating paligid." Tuluyan na siyang hinila ni Prances pabalik sa van.

"Dalian niyo! Pabayaan niyo 'yang putang inang Sebastian na 'yan! Napakatigas ng ulo!" Sigaw ni Red.

"Hik hik hik!" Isang nakakapangilabot na tunog ang umalingawngaw sa paligid.

"Aaaaah! Sheeeeet! Tang na!" Sigaw ni Caloy. Paano'y naiilawan ng headlights ng sasakyan ang isang batang halimaw. Isang sanggol na napakapangit ng itsura. Kung sa Pinoy version ng mga kababalaghan ay isa itong tyanak. Ito ang dulot sa bata ng virus mula sa sinapupunan ng unang na-infect na ina.

"Go Myrns! Sumakay na tayo!" Dali-dali siyang pinasakay ni Prances. Kaagad namang isinara ni Red ang pinto ng van.

"Si Sebastian!" Sigaw niya.

"Putang ina! Pabayaan niyo siya! Feeling na naman niya ay ang mag-ina niya 'yan." Galit na saad ni Red.

..........

"S- siya ang anak mo?" Nauutal na saad ni Sebastian. Imbes na matakot sa batang halimaw na nasasaksihan ng kanyang mga mata ay patuloy pa rin ang pagkaramdam niya ng awa mag-ina. Naalala na naman niya ang kanyang mag-ina na hindi niya nailigtas noon. "I will not leave you here. I will save you. If not I will join you." Saad niya sa babae.

"Don't be a fool. Don't be a fool. Run! Run!" Umiiyak na ang babae. "That is not my child anymore. My child is an angel and wherever he is, he's an angel now. That is a monster! He chase a man and ate the man. That monster even ate my intestines. So run please run."

"Hik hik hik!" Biglang kumilos ng mabilis ang halimaw papunta sa direksyon ni Sebastian.

Siya sana ang dadambahin ng batang halimaw ngunit humarang ang babae dahilan upang ang sariling ina ng bata ang kainin ng halimaw. Kitang-kita niya kung paa maghiwa-hiwalay ang katawan ng babae dahil sa pagkain ng halimaw gamit ang matutulis na kuko at ngipin.

"H-halimaw. Halimaw ka nga. Aaaaaaah!" Binunot niya ang baril saka pinagbabaril ang batang halimaw. "Aaaaaaaaah!"

Umeepekto naman ang baril dito. Nagkandalasog-lasog ang katawan ng bata. Sa huling putok ng baril ay narinig niyang iyak ng isang bagomg silang na sanggol ang lumabas sa bibig nito. Tila nakalaya na ang sanggol sa kung anumang dulot ng virus dito.

Walang tigil sa pagluha si Sebastian. Umandar na ang van. Tumapat iyon sa kanya at bumukas ang pinto.

"Pasok na." Anyaya ni Red. "Ginawa mo na ang lahat Sebastian. Tulad noon ay ginawa mo rin ang lahat para mailigtad ang mag-ina mo. Hindi lang ang mag-inang 'yan ang maililigtas mo kundi ang buong mundo kapag nagtagumpay ang misyon natin laban sa virus na ito. Sakay na."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nagmatigas pa. Sumakay na muli siya ng van.

..........

Habang nasa byahe ay ini-report na ni Myrna kay Boss ang epekto ng virus sa buntis at sa dinadala nito upag malaman na ng mundo.

Matapos nilang mag-usap ay napatingin nalang siya kay Sebastian. Hindi lang ito basta-basta tauhan ni Red. May lalim din ito at pinaghuhugutan tulad ng bawat isa sa kanila sa loob ng van na iyon. Tulad ng bawat tao sa mundo na kailangang makaligtas sa Desire-V 30 virus.

Saka tumugtog ang Anak ni Freddi Aguilar sa radyo ng van na naka-konekta sa spotify ni Caloy.

No'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang 'yong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Ang nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag, walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
'Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Nang 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon