Chapter 83: Best Actor

18 2 0
                                        

Chapter 83: Best Actor

Napalunok ng kanyang sariling laway si Caloy. “S-sige po punta na ako sa may eroplano.” Bigla siyang nagdalawang isip sa gagawin niya. Siya pa man din ang nag-suggest ng gagawin. Mukhang siya pa ang unang mapapasubo. Siya ang nakaharap sa mga kalaban. Siya ang frontliner at una ring mamamatay kapag nabuko sila. Gayunpaman ay ibibigay niya pa rin ang lahat upang maisakatuparan ang plano.

Kinapa ni Liza ang kanyang kamay. Paa ang nahawakan nito. “Caloy mag-iingat ka. Wag kang pahuhuli. Ipagdarasal kita.”

“Salamat Liza.” Pinagmasdan niya muna ang mukha nito.

“Mag-iingat ka Caloy.” – Myrna.

“Ingat huh Caloy?” – Prances.

“Ingat po kuya Caloy.” – Maliah.

“Salamat sa inyo.” Saka siya tumayo at lumabas ng silid. Suot pa rin naman niya ang uniporme ng mga tauhan ni Xavier. 

Nagtungo na si Caloy sa runway ng eroplano sa likod ng lab. Kabado siya. Mabuti na lamang at naka-facemask pa rin at hindi mahahalata ang facial expression niya. Hindi naman siya artista para umarte eh. Wala siyang alam sa pag-pull off ng isang dramatic performance. Kapag nga may skit o play noong nag-aaral pa siya ay lagi siyang naa-assign sa paggawa ng props. Kaya nga siya naging driver eh. No pretentions. Hawak lang ang manibela, kambyo at preno tapos ay makakalarga na. Akalain ba naman niyang kung kailan siya nagka-edad ay saka pa siya magiging actor.

“Hoy ikaw!” tawag sa kanya ng isa sa mga tauhang naka-uniporme rin.

Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi niya alam kung Tagalog ba talaga ang naging salita nito o naintindihan niya lang dahil sa translator app. 

“Pipi ka ba? Oh hindi ka Pinoy? Intsik ka ba? Green ‘yung collar ng uniform mo ah. So Pinoy ka! Pipi? Pipi?!”

Saka siya napatingin sa kanyang collar at sa collar ng lalaking tumawag sa kanya. Pinagmasdan niya rin ang iba pang mga tauhan. Mayroong dilaw at blue na collar. Iyon marahil ang pagkakakilanlan ng mga lahi na worker nila Xavier. Bago pa siya mahalata at makwestyon ay tumugon na siya sa lalaking tumawag sa kanya.

“Pasensya na. Kagagaling ko lang sa basement. May limang kahon pa ang naroon. May nakalimutan pa tayo.” At sinimulan na nga niya ang pag-arte at ang kanyang responsibilidad sa mga sandaling iyon. Hindi driver kundi artista. 

“Ano? May nakalimutan pa?” saka ito lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang berdeng kwelyo. Lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Kung anu-ano na ang pumasok sa kanyang isipan. Isang kabababayan pa yata ang magpapahamak sa kanya. Paano kung may inventory ang mga ‘to at alam ang bilang ng mga kahon na dadalhin at mga bagay na kukunin? Paano kung all set na pala ang lahat ng babalikan ng mga ‘to at kaduda-duda na talaga ang lima pang kahon na kanyang sinabi? Paano kung masyadong obvious ang kanyang acting? 

Hindi nakatugon si Caloy. Nanlaki ang kanyang mga mata.

“Oh bakit pinandilatan moa ko dyan? Pasaway ka naman kabayan eh. Imbes na hayahay na tayo sinabi mo pang may limang kahon na naiwan. ‘Yan tuloy babalik pa tayo. Kayo pala. Haha! Tatawag ako ng mga makakasama mo ah. Kunin niyo na ‘yung limang kahon na naiwan. Okay ba ‘yun?”

Nakahinga siya ng maluwag. Ibang klase ang pag-overthink niya. Mabuti nalang at kupal na Pinoy pala ang kanyang nasabihan. Well, thankful naman siya rito dahil tumawag talaga ito ng makakasama niyang magbuhat ng mga kahon. Next step na ng kanilang plano. Sana lang ay nakapasok na sa mga kahon sina Myrna.

…Speaking of Myrna. Pagkaalis ni Caloy ay mabilis silang pumuslit nila Prances, Liza, Maliah at bangkay ni Martin pababa ng basement. 

Siya na ang nagboluntaryong buhatin ang bangkay ni Martin. Si Prances naman ang gagabay kina Liza at Maliah.

“Sure ka bang kaya mo si Martin?” paninigirado ng kasintahan. 

“Oo naman Ces. Isang karangalan na buhatin ang bangkay ng isang bayaning kaibign.” Isang pilit na ngiti ang puminta sa kanyang mga labi. “Mag-focus ka lang kina Maliah at Liza.” 

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Alam kong labis kang nasasaktan ngayon Myrns. It was too painful. But I want you to know that I’m so proud of you. May mga nawala man sa atin. You still made the best decisions for this mission. I’m so sorry sa pagkamatay nila Martin at Mong. Gayundin kay Cutie na binigyan mo ng chance at pinagkatiwalaan mo rin. Napatunayang nagbago nga siya dahil pati buhay niya ay hinayaan niyang mawala just make our plan even more realistic.”

“Nagmamadali tayo Ces. Alam mo ba ang kahit papano’y magpapagaan ng loob ko ngayon?”

“Ano ‘yun? Tell me.”

“Isang mabilisang halik.” Saka niya binaba ang facemask niya.

“Aba seryoso nga siya. Sa lahat ng nagmamadali ay ikaw naman ang nagpapahalik pero sige na nga.” Ibinaba rin nito ang suot na facemask. Dali-daling nagdampi ang kanilang mga labi. That was a quick but passionate kiss. 

“Yiiiieeeh!” panunukso ni Maliah. “Sama po ako!”

Hinalikan nila sa pisngi ang bata saka sila nagpatuloy sa kanilang dapat gawin. 

Pumuslit sila papunta sa elevator pababa ng basement nang masiguardo nilang wala nang tao. Medyo nahirapan si Myrna sa pagbuhat sa bangkay ni Martin. Wala na itong mga lamang loob at dugo pero mabigat pa rin ito. Isa pa’y natatakot siyang ma-deform niya ito. Kung anu-ano ang kanyang naisip. 

Nagtagumpay naman silang makababa sa basement. Sakto rin at wala nang tao roon. Sa gitna ay may limang nakahilerang kahon. Iyon marahil ang inihandang kahon ni Caloy kung saan sila dapat pumasok. Una niyang pinasok sa unang kahon ang bangkay ni Martin. Maingat at maayos niya iyong sinalansan. Tinambunan niya iyon ng mga papel at styro.

Sumunod nilang ipinasok sa kahon si Maliah. “Anak may takot ka ba sa masisikip na lugar?” tanong niya rito.

“Wala naman po mama.” Tugon nito.

“Kapag nasa eroplano na tayo ay lalabas kami sa kahon ng mama Prances mo huh? Tapos ay pupuntahan ka namin at palalabasin na dyan. Sa ngayon Maliah anak kailangan mo lang magtiis huh? Wag kang gagawa ng ingay sa loob ng kahon. Naiintindihan mo ba ako?”

“Opo mama.”

Inalalayaan naman nil ani Prances si Liza sa pagpasok ng kahon. Tapos ay silang dalawa na ang pumasok sa huling dalawang kahon. Nagtinginan at tumango sila hudyat na handa na sila. 

Ilang minuto lang ang nakalipas nang makapasok sila ni Prances ay saka niya narinig ang boses ni Caloy.

“Ayan ‘yung mga kahon. Inayos ko na sila para hindi tayo mahirapan.” – boses ni Caloy.

“Sandali lang parang may gumalaw ‘dun sa isang kahon.” Saad ng isang lalaki.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon