Chapter 109: Unexpected
“Uulitin ko Myrna. Anak ko ang bata. Ayokong Hope ang ipangalan sa kanya. Magdalene ang ipapangalana ko sa kanya. Sounds heaven right?” Hindi siya makapaniwala sa kahibangang sinaad ito.
“Mula noong una tayong magkakilala sa Techno Bio Lab ay nakaupo ka na dyan sa wheelchair mo. Parang hindi na nga tumitigas ‘yang nakatago sa pantalon mo eh.”
“Haha! Huy! Lintik ka Myrna! Bunganga mo… Diyos-Diyosan pa rin ‘yan.” Napatigil siya sa komentong ‘yun ng kanyang kuya Manolo na hindi mapigilang matawa.
Nagpatuloy siya. “Wala ka nang kakayahang magkaanak. Gumising ka nga sa katotohanan. Lubus-lubusin mo na rin ang paggising at bumaba ka na sa ambisyon mo na isa kang Diyos. Walang nangyari sa inyo ni Linda noon. Kahit pa bayarang babae si Linda ay kahit kailan walang nangyari sa inyo. Kaya pwede ba?”
“Hindi ko naman sinabing semilya ko ang ginamit eh. Pero hindi rin naman egg cells ni Linda ang pinagmulan ng sanggol.” Pagtatapat nito.
“What the hell are you talking about?” tanong niya rito.
“Siguro naman ay familiar ka sa invitro fertilization. Mas advanced na version ang naganap kay Linda. Ipinunla sa kanya in advance ang egg cells ng namayapang asawa ko. Galing ‘yun sa egg cells bank kung saan niya iyon pinatabi. Naipasok ‘yun sa ovary ni Linda nang wala siyang kamalay-malay. Nawalan din ng kakayahan ang sarili niyang egg cells for fertilization and reproduction. We made sure na ang sa asawa ko lang ang makakabuo ng bata. Kaya ilang buwan na umabot pa ng taon ko inalagaan ang babaeng ‘yun dahil hindi basta-basta ang proseso. Of course hindi niya alam na ganoon talaga ang plano ko.” He stopped and sighed. “Nang maging ayos na ang placement ng egg cells sa kanyang reproductive system ay sperm cells ng sikat na artista sa China ang ipinunla sa kanya. Pinanakaw ko pa ‘yun kay Martin.”
Bigla siyang tumawa. Siya naman ang gumanti rito ng halakhak ng tagumpay. “Hahahaha! Kung gayon ay mas lalong dapat ko palang kunin si Hope! Not Magdalene. Akin lang ang anak ko.”
“Bingi lang Myrna? Bingi lang? Hindi mo narinig ang mga sinabi ko? Sa asawa ko anak ang bata. Sa amin!”
“Well Xavier. I don’t want to ruin everything pero si Martin ang ama ng bata. Hindi natuloy ang pagpunla ng sperm cell ‘nung artista kay Linda dahil may nangyari na sa kanila ni Martin. She tricked Martin when they had sex. Akala ni Martin ay napasok na sa babae ang sperm ‘nung Chinese pero hindi pa pala. Kasi ang gusto ni Linda ay si Martin ang maging ama ng bata. So anak ni Martin at ng asawa mo si Hope. Patay na sila pareho. Sa amin ibinilin ni Martin ang bata kaya naman babawiin ko na siya sayo. Wala ka namang ambag ‘dun eh. All evil plans lang ang meron ka. Okay fine ikaw ang nag-fund sa pagbubuntis ni Linda pero siya ang nagbuntis. Si Martin ang tunay na ama.”
Nagbago ang timpla ng mukha nito. Bigla itong natuliro sa kanyang ipinagtapat. “You’re lying. Sinasabi mo lang ‘yan para ibigay ko sayo ang bata.”
“Kung hindi totoo ang sinasabi ko at kung hindi si Martin ang ama ng bata ay hindi na ako pupunta rito para harapin ka. Hindi ako mag-aaksaya ng oras Xavier. I will not put my life in line for Hope. Pero dahil anak siya ng kaibigan ko ay gagawin ko ang lahat para malayo siya sayo. You can’t have her. Isa pa, alam mo rin na wala siyang sakit hindi ba? Pinalabas mo lang ‘yun kasi nga ang alam mo ay anak mo siya.”
“Waaaaah! Shut the hell up Myrna! Kahit kailan ay bwisit ka sa buhay ko at sa mga plano ko! Kayong lahat ng mga kasamahan mo! Pati na ang Martin na ‘yan! Mabuti nalang at patay na siya! Pero kahit na anong mangyari ay hindi ko ibibigay sayo si Magdalene. Hindi ko man siya anak ay anak pa rin siya ng asawa ko!” tuluyan na nga itong nag-transform sa isang demonyo. Nawalan na ang pagiging kalmado nito.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ciencia FicciónAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
