Chapter 138: Hopeful Night

14 1 0
                                        

Chapter 138: Hopeful Night

“P-paano nga ba ako gumaling? Paanong mula sa pagiging isang zombie ay bumalik ako sa pagiging tao?” sunud-sunod na tuloy ang naging tanong ni Romina.

Kahit sina Ruby at iba pang mga kaibigan ay napatanong na rin.

“Oo nga Myrna. Hindi po pa pala nakukwento ang nangyari kanina.” Pag-sang-ayon ni Ruby. “Kitang-kita namin na halos sasakmalin ka na ni Romina. Kaya nga dinaplisan na siya ni Pula eh. Kaso lang makalimas ang ilang minuto ay bigla siyang nagsalita at naging tao. Bumalik siya sa pagiging tao mula sa pagiging zombie. Nagkaroon nga ba ng himala? Baka naman may kakaiba sayo Myrna? Baka ikaw na ang super hero na kailangan ng mundo. Sayo lang naman nakatingin si Romina kanina tapos ay naging tao na siya. May powers ka?”

“Baka pwede na nating pagkwentuhin ang kapatid ko hindi ba?” pagsabad ni Manolo kay Ruby. “Scientist at researcher ka pa man din kung ano ang pinagsasabi mo dyan.”

“Aba malay ko ba! Eh nakahiga lang sila dyan sa sahig kanina. May nakita ka bang ibang pangyayari? Sa panahon ngayon baka himala nalang talaga ang kailangan natin para masalba tayo sa pandemyang ‘to at sa mga taong nagpapanggap na Diyos.”

“Hindi. Hindi himala ang nangyari kanina.” Si Romina na mismo ang tumugon. “Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa dibdib ko.”

Napangiti si Myrna.

“Ay nag-emo ang ate mong ex-zombie.” Nakakatuwang reaksyon ni Ruby. “So love ang dahilan kung bakit ka naging tao ulit? Naalala mo ‘yung mga sakit at bigat sa dibdib mo kaya bumalik ka sa normal. Ganon ba ‘yun?”

“Hindi. Literal na sakit sa dibdib. Hindi heartache.” Tugon nito.

“Patapusin mo kaya sila. Hindi ‘yung puro ka comment dyan. Kung pinatapos mo sila baka nalaman na natin ang tunay na nangyari.” – Manolo.

“Natatandaan mo na pala ‘yun Romina…”

Gayunpaman bago pa niya masabi kay Red na barilin ito ay nanghina na ang kanyang mga kamay. Nabitawan niya ang cold container. Bumagsak iyon sa lupa. Bumukas ang takip at nalaglag ang dalawa sa mga syringe na naglalaman ng dugo ng pamilya nila Julio at Juliana. Hindi niya maaaring masayang. Hindi na niya pinansin pa si Romina. Kailangan niyang makuha ang mga dugo at muling maibalik sa container. Dali-dali niya iyong pinulot. Nakuha niya naman. Pero huli na rin ang lahat. Hawak na siya sa magkabilang balikat ni Romina. Nang kakagatin na siya nito sa kanyang leeg ay umalingawngaw ang putok ng baril. Gayunpaman ay naiturok niya rin sa dibdib nito ang isa sa mga karayom na may laman ng dugo na infected ng variant X ng Desire V-30 virus. Naitulak niya ‘yun kaya naman pumasok sa katawan nito ang lahat ng dugo na laman ng syringe. 

“Ateeeee!” muling sigaw ni Donita. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito nagpapigil pa. Niyakap na nito ang kapatid mula sa likod.

“Naiturok ko kay Romina ang isa sa mga syringe na may laman ng dugo ng pamilya nila Sir Julio at ma’am Juliana. Sobrang lakas niya kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Eh pinulot ko ‘yung mga karayom na nahulog. Sa labis kong pagkabigla para ipagtanggol ang sarili ko ay naisaksak ko sa kanya ang isa sa mga karayom na may laman ng dugo.”

“Kung gayon… ang dugo ng mga taong may variant x ng Desire V-30 virus ang gamot sa zombie infection?” pag-conclude ni Prances.

“Tumpak Ces.” Pagsang-ayon niya. “Nahanap na natin ang sagot laban sa zombie infection na nilikha ni Jonathan.” Bahagya siyang lumapit kay Romina. “Kaya wag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Kayo ng kapatid mo. Dahil sa mga nangyari ay isang innovation na naman ang naganap sa pandemyang ito. Maraming salamat sayo Romina. Maraming salamat sa pagiging mabuting ate kay Donita. Maraming salamat sa lahat ng naging tulong. Wag kayong mag-alala. Makakagawa ng paraan si Yberr tulad ng sinabi niya kanina. Makakahanap tayo ng perpektong tao na pwedeng pagkuhanan ng dugo para naman sa inyong mga na-infect ng Desire V-30 virus upang makabuo na bakuna para sa inyo.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon