Chapter 107: Sagada
Hindi makapaniwala si Ruby sa mga narinig mula sa kapatid na si Rona. Sa kabila ng mga nangyari sa La Union. Sa kabila ng mga nalaman niya tungkol dito at kay Ralph pati na rin sa magiging anak ng mga ‘to. Sa muntik na nitong pagpapakamatay. Sa pag-uusap nila bilang magkapamilya at magkapatid. Akala niya ayos na ang lahat. Sa part niya kasi ay nalaman na niya ang kanyang mga pagkukulang bilang big sister nito. But it turned out na marami na pala siyang hindi alam sa sariling kapatid. Marami na siyang dapat i-catch up sa buhay nito. All this time ay kilala pala nito si Jonathan at nagtungo pala ito sa Heaven’s Palace para maghiganti laban kay Ralph. Gumagawa na ito ng mga sariling desisyon habang kausap ang isa sa kanilang mga kaaway.
Pinagmasdan niya ang kanyang kapatid habang nagtatago sila sa parking area. Tila ba hindi na niya ito kilala. Hindi na talaga siya updated sa buhay nito. Sa mga pangyayaring pinagdaanan nito. Sa iniisip nito. She felt stock doon sa mga panahong hindi sila mapaghiwalay. She was on those old memories. Sa career niya lang siya nakausad at sa kanyang mga pangarap. Ngunit pagdating sa kanilang relasyong magkapatid ay malayo na ang distansya nila. Kaya niya lang itong sermonan pero hindi naman niya ito magawang sisihin. Siya ang nang-iwan. Siya ang naging abala. Siya ang hindi nagawang mangumusta dahil busy siya. Busy sa techno Bio Lab noon. Busy sa huwad na pag-ibig ni Ralph sa kanya.
Matapos makapasok ang maraming myembro ng Team Spider sa loob ng palasyo ay saka sila pumuslit sa likod. Wala na ang L300 van na sinakyan nila kanina. Malamang ay umalis na nga sina Prances at Maliah. Kung nasa loob pa sina Myrna at Manolo ay walang nakakaalam. Gayundin kay Caloy. Kinuha ni Ruby ang kanyang phone upang mag-update sa kanilang group chat.
“Nakalabas na kami.” Saad niya habang nagta-type. “Nakuha na namin si Rona. Papunta na kami sa kinaroroonan ni Yberr. Please update us. Ingat kayo guys. See you all.”
Malapit na sila sa gate sa likod nang biglang may sumita sa kanila. “Hoy sino kayo?! Teka mga kaaway kayo ah!” isang sekyu ng palasyo.
Nakipagtutukan ng baril dito si Red. “Pre kung ayaw mong dumanaw ang dugo rito. More or less dugo mo. Hayaan mo nalang kaming umalis ng maayos at mapayapa. Walang masasaktan.”
“Sige po sir.” Tugon ng sekyu. Akmang aalis na ito nang biglang humarap muli at babarilin na sana si Red. “Kaso lang po baka malaman ng Panginoong X na pinatakas ko kayo eh. Mapaparusahan ako.”
Gayunpaman ay mas mabilis at mas eksperto si Red sa paghawak ng baril. Dalawang tama ang nagawa sa loob ng ilang segundo. Isa ay sa kamay ng sekyu dahilan upang mabitawan nito ang hawak na baril. Ang ikalawa ay sa hita nito upang hindi sila mahabol. “Aaaah!” sigaw ng lalaki dahil sa sakit.
Kahit na may nasaktan sa pangyayari ay napangiti si Ruby. Napapabilib na talaga siya ng lalaki. “Nice one Red.”
“Kulit kasi eh.” Simpleng tugon nito.
Pababa ang lakarin mula sa kinaroroonan ng palasyo patungo sa Session Road sa Baguio. Walang sasakyan dahil hating gabi na at mistulang ghost town ang syudad. Hindi sila nakakuha ng magagamit na sasakyan sa parking area dahil sa Team Spider. Mahirap makagawa ng tunog. Masyadong marami ang mga ‘to. Walang laban si Red kahit gaano pa ito kagaling. Hindi naman ito si Cardo na palabas noon sa telebisyon more than ten years ago. Opo, by 2030 ay wala naman ng ‘Ang Probinsyano’.
“Ate sumasakit ang tiyan ko.” Saad ni Rona.
Akay-akay na niya ito upang hindi ito dumausdos at mawalan ng balanse pababa. Buntis pa man din ito. “Gusto mo bang magpahinga na muna tayo?”
“Okay lang ba ate?”
“Oo naman.” Tumingin siya kay Red. “Pula pwede bang humanap ka ng spot kung saan pwede tayong magtago habang nagpapahinga si Rona?” pakiusap niya rito.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Sci-fiAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
