Chapter 78: Ang Naganap
Nagbalik-tanaw si Myrna sa tunay na nangyari sa Wuhan. Bago at noong sumugod sila sa laboratoryo roon.
“Myrns…” mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Prances. Gabi na. Ilang oras nalang ay susugod na sila ng kanilang mga kasamahan papunta sa loob ng lab upang iligtas ang anak ni Martin at iba pang naroon. Kailangan din nilang makuha ang secret files ng Desire V-30 virus. “Alam kong nasabi ko na ito kanina pero… natatakot talaga ako. Kahit na ganoon si Jonats ay matalino pa rin ‘yun at nag-iisip. Kaya nga siya ang naging kanang kamay ni Xavier hindi ba? Paano kung handa sila pagpasok natin sa loob?”
Bumuntong-hininga siya. Hindi kaagad nakasagot. “Tatapatin na kita Ces. Suntok sa buwan nalang talaga ang lahat. Kailangan nating mag-doble at tripleng ingat. Sana ay maging matagumpay ang pagdaya ni Yberr sa CCTV. Sana ay tamang oras na ito at tulog si Jonathan at karamihan sa security. Sana ay madali nating makita ang files at ang kinalalagyan ng mga bihag lalo na ng anak ni Martin.”
Mas lalo pa nilang hinigpitan ang pagkakayakap sa isa’t-isa. Kumakapit nalang sila ngayon sa bawat isa. Kumakapit sa mga sana. Mga sanang sila’y makaligtas at gabayan ng tunay na Diyos na nasa langit upang sila’y magtagumpay.
“Hindi kayo makakaligtas sa inyong pagpasok sa loob.” Isang malaking boses ang kanilang narinig.
Dali-dali silang naghiwalay sa pagkakayapos. Isang malaking anino ang kanilang naaninagan mula sa kanilang likuran. Napalunok siya. Pamilyar ang malaking posturang iyon sa kanya lalo na kay Prances.
“C-cutie?” akmang sisigaw na siya upang makahingi ng tulong kina Martin ngunit kaagad itong nagsalita at pinigilan sila.
“Wag. Hindi ako narito upang gumawa ng gulo.” Naiintindihan pa rin nila ito dahil sa translator app.
“Myrns tara na. Papatayin niya tayo at siguradong dadalhin niya tayo kay Jonathan.” Anyaya ni Prances na nakakapit sa kanya braso.
Hindi niya maaninagang mabuti ang mukha ni Cutie. Ngunit kalmado ang boses nito. Hindi katulad noong huli silang magkita noong bihagin nito ang kanyang kasintahan. She wanted to listen to him. “Kausapin muna natin siya Ces.”
“Myrns?! Bakit natin kakausapin ‘yan?! Kaaway siya! Siya lang naman ang pinuno ng human trafficking team at security team ng mga mapagpanggap na Diyos!” syempre pa ay kinontra siya ni Prances.
“Hindi ako narito para saktan kayo. Narito ako para kumampi sa inyo.” – Cutie.
“ANO?!” sabay nilang reaksyon ni Prances.
“Hahaha! Komedyante siya Myrns.” Kunyari’y tumawa ang kasintahan. “Patibong ‘to Myrns. Papaikutin lang tayo ng demonyong ‘yan.”
“Hindi kayo magtatagumpay sa pagpasok niyo sa lab.” Diretsahang saad nito.
“See Myrns? Pinagbabantaan na niya tayo.” – Prances.
Baligtad sila ngayon ng babae. Mas pinapangunahan ng emosyon nito si Prances. Marahil dahil naging bihag ito ng lalaking nasa kanilang harapan noon. Siya ang mas kalmado ngayon at ayaw magpadalos-dalos. Iba ang dating sa kanya kung bakit naroon si Cutie.
“Hindi ko kayo pinagbabantaan. Sinasabi ko lang sa inyo ang totoo.”
“Myrs let’s go.”
Pinigil niya ito sa paghila sa kanya. “Wait lang Ces. I want to listen to Cutie.” Humarap siya rito saka hinawakan ang pisngi nito. “Hindi ba’t walang kasiguraduhan ang mga plano natin. Andami nating sana. Mga what ifs. Baka ito na ang sagot na hinihintay natin upang mas mabigyan ng liwanag ang plano natin. Bago ang mundo ay ikaw ang unang gusto kong protektahan Ces. Kung kailangan kong pakinggan si Cutie ngayon para maalagaan ka at masigurong safe ka after ng pagpasok natin ay gagawin ko. At kung lolokohin niya man tayo at sasaktan after niya tayong makausap ay hindi ko pa rin hahayaang may mangyaring masama sayo. Ihaharang ko ang katawan ko para lang mailigtas ka Ces. So please. Let’s listen to him.”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...