Chapter 102: Impulsive

7 2 0
                                    

Chapter 102: Impulsive

"K-kami ang desires mo?" Nauutal na pagkumpirma ni Myrna sa isiniwalat ni Prances sa pagiging infected nito sa Desire V-30 virus. 

"Oo Myrns." Hindi na maawat ang mga luha nito sa pagtulo. Halos hindi na nga rin ito makapagsalita. 

Nais niya itong yakapin. Isang yakap na sobrang higpit. Yakap upang kalmahin ito sa pinagdadaanan at upang maramdaman nitong kahit na hindi nila magawang maghawak ay hindi niya ito iiwan kailanman.

Nagpatuloy ito sa paglalahad. "After kong mabasa ‘nung tubig na may Desire V-30 virus ay nakita ko kaagad kayo nila Maliah at Hope. Isang buong pamilya. Masaya. Paulit-ulit ‘yun na tumakbo sa isipan ko sa loob ng ilang segundo. Ang saya sana ng desire ko hindi ba? Kayong pamilya ko. Kayong pinakamamahal ko. Ikaw Myrns at ang ating mga anak. Pero hindi ko lubos maisip na sa huling araw ng infection ko ay ‘yung masaya at buong pamilyang ‘yun ay papatayin ko at magiging dahilan din ng kamatayan ko. Ayoko na Myrns. Ayoko na.”

Tinipon niya ang kanyang lakas ng loob. Huminga siya ng malalim. “So ano Ces ganon ka nalang ba kabilis susuko? Ganoon nalang ba ‘yun? Napakaganda ng desire mo sa buhay Ces. One big happy family kasama kami ng mga anak natin. Mas lalong hindi ka dapat sumuko hindi ba? Mas lalong hindi ka dapat mapanghinaan ng loob. ‘Yang putang inang virus lang bang ‘yan ang pipigil sa desire mong ‘yun? Ngayon pa ba Ces? Ngayon pa bang nakaimbento na tayo ng bakuna? Oo nga’t wala tayong kumpletong resources and supplies ngayon para makagawa ng kahit isang dose man lang ng bakuna at least alam natin sa sarili natin na meron. May pag-asa pa. May pag-asa pa Ces. Tutuparin natin ang desire mong ‘yun na walang virus na involve.”

Mas lalo itong naiyak. “Maraming salamat Myrns. Maraming salamat sa pagpapaalala sa akin na pwede pang matuwid ang lahat ng ito at meron pang pag-asa. Sorry kung napanghinaan ako ng loob. Hindi ko lang matanggap na baka mapatay ko kayo sa last day of infection ko. Pero tama ka, may pag-asa pa. At ang pag-asang ‘yun ang gagamitin natin para matapos na ‘to. Ang desire ko na isa tayong buo at masayang pamilya ang future natin.”

“Yan ang gusto kong marinig sayo Ces.” Isang puro at busilak na ngiti ang puminta sa kanyang mga labi. “Hindi man kita mayakap at mahalikan ngayon. Tandaan mong nandito lang ako Ces. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan. Hindi ako susuko. Ako titigil hangga’t hindi ka gumagaling. Mahal na mahal n akita.”

“Mahal na mahal din kita Myrns. Mahal na mahal.”

Kinabukasan pagkagising ni Myrna ay hinawakan niya kaagad ang noo ni Maliah. Wala na itong lagnat. Tapos ay nagising na rin ito. 

“Good morning mama Myrna. Okay na po si mama Prances?” ang kanyang kasintahan ang agad nitong tinanong.

“Good morning Maliah. Kailangan pang magpagaling ng mama Prances mo, Maliah. Kailangan dumistansya muna siya sa atin para hindi tayo mahawa.” Paliwanag niya rito.

“Pero lagi mong tatandaan Maliah na mahal na mahal ko kayo. Hindi ko lang kayo mahahawakan ngayon. Mahal na mahal ko kayo.” Si Prances mismo ang nagdugtong ‘nun. Nakasilip na pala ito sa pinto.

“Mama Prances! Mahal na mahal din po kita!” masiglang tugon ng bata. 

Kumain sila ng almusal. Si Prances lang ang hindi nila kasabay. Kahit si Caloy kasi ay nakisalo sa hapag kahit na wala naman itong imik.

“Bakit hindi pa rin sumasabay si Prances sa atin?” tanong ni Ruby. “Kailangan na nating magsimulang magplano kung paano makakaakyat ng Baguio nang hindi nahuhuli nila Xavier. Kailangang mabawi natin ang kapatid ko.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon