Chapter 13: Pagtakas

66 2 0
                                        

Chapter 13: Pagtakas

Habang pinapakinggan ni Myrna ang kwento ni Marilyn ay nadurog ang kanyang puso. Si Prances nga ay naiyak na at napayakap sa kanya. Gusto nilang yakapin din ang kanilang kabayan ngunit hindi nila magawa dahil baka infected na ito.

"Grabe naman ang pinagdaanan ninyong mag- ina. Bayani ang iyong asawa." Humahagulgol na saad ni Prances.

"Ano na?!" Sigaw ni Red sa kanila. "Matagal pa ba 'yan? Lumalalim na ang gabi oh."

"Sandali lang huh?" Paalam niya sa mga ito saka lumapit kina Red. "Matulog na kayo. Kami na ang bahala ni Prances na ihanda ang van para ma- isolate sila. Kailangan niyong magpahinga. Ikaw Caloy para may energy kayo sa pagda- drive bukas. Kayo naman Red dahil kayo ang pisikal na lakas namin sa misyon na ito. Kailangan niyong makaipon ng lakas."

"Siguraduhin mo lang 'yan ah. Matutulog na kami. Ipanalangin niyo nalang din na hindi tayo sigurin dito ng mga infected na nababaliw sa gabi. Tara na nga."

Tumango siya at saka binalikan sina Prances, Marilyn at anak nito.

"Aayusin lang namin ni Prances ang likod ng van." Pagkausap niya sa babae. "Doon ka namin ipupwesto sa likod huh? Maglalagay kami ng plastic na pagitan mula roon sa pwesto papunta sa amin. Kailangan naming masiguradong selyado talaga 'yun."

"Teka lang Myrns. Sure na ba tayong infected siya?" Tanong ni Prances. "Baka kasi hindi naman siya infected. Hindi na natin siya kailangang i- isolate."

Nakipagtitigan siya kay Marilyn. "Matanong nga kita. Sure ka bang infected ka?"

Hindi ito kaagad umimik. Tumango lang ito saka napaluha at muling nagkwento.

...........

"Mama si papa?" Tanong ni Maliah sa kanya habang nagtatatakbo siya palayo.

Wala pa ring tigil ang kanyang pagluha. Mas lalo pa siyang napahagulgol sa tanong na iyon ng kanyang anak. Masakit na nga ang kanyang mga paa at binti, labis pa ang sakit ng kanyang nadudurog na puso. Napapagod na siya ngunit hindi siya pwedeng tumigil. Hindi pwede dahil baka hindi pa sila nakakalayo. Baka maabutan sila ng mga armadong tauhan ng lab. Masasayang ang pagkamatay ng kanyang asawa. Hindi nalang para sa kanya eh mas higit para sa kanilang anak na musmos pa at marami pang naghihintay na magagandang bagay pagdating ng panahon.

"Mama pagod ka na po? Stop na muna tayo mama." Umiiyak na rin ito. Marahil dama ng bata ang sakit.

"Kaya ko pa anak. Kaya ko pa." Nakatugon din siya rito.

Napansin niyang mabilis ang mga sasakyan sa main highway. Kahit ang mga public transportation tulad ng mga bus at taxi at punuan na rin at hindi nagsasakay. Nagtago sila sa likod ng waiting shed. Doon siya huminga ng malalim at nagpahinga. Binawi niya kahit papano ang kanyang lakas. Uminom ng tubig at pinakain si Maliah ng baon nilang tinapay. Napakabigat ng kanyang bag. Maraming alcohol, face mask, at mga tinapay ang laman noon.

"Kailangan nating makaalis ng Wuhan anak. Marahil kaya nagkakagulo ang mga tao ay dahil lumabas na sa lab ang virus na iyon. Hindi tayo pwedeng huminto. Magpapalakas lang si mama huh? Kung kailangan kong maglakad ay gagawin ko."

"Paano na po si papa, mama? Nasaan na si papa?"

Iniwas niya ang tingin sa anak bago pumatak na naman ang luha sa kanyang mga mata. "Naiwan si papa mo eh Maliah. Kailangan niya pang magtrabaho eh. Tayo kailangan na nating umuwi ng Pilipinas."

"Iiwan natin si papa?"

"Oo anak. Iyon din naman ang gusto ng papa mo. Ginagawa niya 'to dahil mahal na mahal niya tayo. Mahal na mahal ka ng papa. Lagi mo 'yang tatandaan anak ah. Mahal ka ni papa." Hinawakan niya ang mga pisngi ng bata.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon