Chapter 64: Hudas
“Jonathan…” sabay na nabanggit nila Myrna at Prances ang ngalan ng assistant ng demonyong huwad na Diyos. Si Hudas ng 2030. Si Jonathan Perilla.
“Hi Myrna! Did you miss me?” tanong nito.
“Asa. Ni katiting ay wala akong naramdamang pagka-miss sayo.” Mabilis niyang tugon dito.
“Grabe naman ang hugot mong ‘yan Myrns. Parang wala naman tayong pinagsamahan my dear ex fiancei. Tapos kanina ay narinig ko pang sinabi mong ang pinaka kinaiinisan mo ay ang mga manloloko. Hindi naman kita niloko eh. Nagpakatotoo lang ako. I chased my dreams and now I’m living my dreams. Kung bet mo pa rin naman ako ay hindi ko naman ipagkakait sayo ang posisyon bilang asawa ko. Sobrang makapangyarihan ko na ngayon Myrna. Halika na at sumama sa akin. Iwan mo na ‘yang best friend mo na kapalit-palit naman. Hindi ba’t pinagpalit din ‘yan ni Ralph kay Ruby? Yes, umabot sa Sydney ang balita. Hahaha! Hello nga pala Prances Ilao.”
“Hi Jonats. Grabe nakakasira ka pa rin ng araw este ng gabi.” Supladang tugon dito ni Prances.
“Let’s cut the chase here.” Saad ni Myrna. “Ito ba talaga ang vaccines?” tinuro niya ang hawak ni Mong.
“Yes ayan nga ang vaccines. Ilan lang ‘yan sa nabuo na namin. I’m sure marami pa kayong gustong malaman. Tama ba ako? Kaso lang hindi niyo mahanap ang secret files di ba? Don’t worry ikukwento ko sa inyo lahat.” Saka ito humarap sa pinto ng kwarto. “Cutie!”
Niluwa ng pinto si Cutie at hawak na si Martin. “Bitawan mo ako aso ka!”
“Ikukwento ko naman sa inyo lahat eh. As in lahat-lahat ng nalalaman ko. Kaso lang after kong magkwento ay matsutsugi na kayo. You know. Gigil niyo si Boss X eh ang ating Panginoon. Kailangan mamatay na kayo para wala nang hadlang sa aming mga plano.”
“Tigilan mo na ‘to Jonathan! Ginagamit ka lang ni Xavier!” pagpigil niya rito.
“Wala kang alam Myrna. Wala kanga lam. Malaki ang utang na loob kay kay Boss X. Wala kang karapatang sambitin ang first name niya. Hindi nalang natin siya boss ngayon. Diyos na rin natin siya. Our one true living God. Matuto kang gumalang.”
“Ano bang pinagsasasabi mo Jonats huh? Bakit ba masyado kang na-brainwash ng huwad na Diyos na ‘yun?” tanong niya rito.
“Noong nagtatrabaho pa siya sa DOH ay naging tauhan niya ako. I have a lot of ideas back then. Kaso lang ay binu-bully ako ng mga katrabaho namin. Sira ulo na raw ako. Baliw na raw ako. Hindi pa naman ako ambisyoso noon eh. Ang gusto ko lang ‘nun ay makatulong sa mundo. I want to make a mark on biological species. I want to create something that will make the lives of all the living organisms more meaningful. Kaso lang walang naniniwala sa akin. Lagi nilang pinagtatawanan ang mga ideya ko. Walang may gustong sumama sa akin. Walang gustong kumausap sa akin. Si Boss X lang ang tanging tao na naniwala at nagtiwala sa akin. Kaso lang ay nagkapamilya siya at kinailangan niyang magtrabaho sa Pacific Lab – Sydney. Buong stay ko sa DOH I was bullied. Pasuko na ako sa buhay ko pero biglang dumating ang COVID-19. Kahit na junior employee lang ako noon ay walang tigil ako sa pag-research kung paano matatapos ang pandemyang ‘yun. The problem was hindi na naman nila ako pinakinggan. Wala na naman silang pakialam sa akin. Hanggang sa kinontak ako ni Boss X matapos niyang maaksidente sa sinasakyan niyang eroplano pauwi ng Pilipinas galing China. Katatapos niya lang ding magluksa noon sa pagkamatay ng kanyang asawa’t anak dahil sa COVID-19. He created this plan to invade the world with a new virus. This is time ay kasama ako sa plano. Pinakinggan niya ang lahat ng advice ko. Sa kanya ko lang talaga naramdaman ang pakikinig na ‘yun. Ayoko nga sana eh kasi nga hindi pa naman ako ambisyoso during that time. Pero lahat ng sinabi niya kasi ay totoo. Kailangang marinig kami ng buong mundo upang magbago ang bulok na sistema na umiiral sa ating lahat. We need to start the change. The years in the making. Sinama niya akong makapasok sa Techno Bio Lab. Hinikayat niya akong mag-ayos na parang hindi weirdo. Nag-ayos ako ng pananamit. Nag-exercise ako. Inakit kita. Nahulog ka naman. Hanggang sa pinasok niya ako sa Pacific Lab – Sydney. Ikaw at ang Pacific Lab ay bahagi lahat ng plano namin Myrna. Kailangang mahawakan naming ang pinakamalalaking research and health laboratories sa buong mundo para masagawa namin ng maayos ang aming mga plano. Kinuha din niya ang Team Spider para matulungan kami sa mas malalaking procurement ng mga gagamitin namin tulad na lamang ng mga jets na pinadala sa lahat ng bansa sa buong mundo. Tapos nakilala niya si Linda at nakilala niya rin itong gagong si Martin para nakawin ang mahahalagang bagay sa aming layunin. It was a perfect plan right? Hahaha!”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...