Chapter 135: Sabong

10 1 0
                                        

Chapter 135: Sabong

“Joey?!” sigaw ni Rona pagkakita kay Joey na nakapailalim na kay Romina, na isa ng zombie. Pilit na lumalaban ang lalaki sa undead. Akmang kakainin ito ng babaeng zombie. Sisipsipin ang bawat dugong dumadaloy sa katawan nito. Uubusin ang lamang loob hanggang sa maging zombie na rin ito.

“Aaaaaah!” sigaw ng lalaki.

At one point ay nais niya na rin itong makagat at maging zombie. He placed her in a very critical situation. Sitwasyong nagbalik sa mga maling desisyon niya sa buhay. Dahil sa desisyong iyon ay heto ngayon si Romina. Nangangagat. Uhaw, hindi sa tubig kundi sa dugo. Patay na. Zombie na. Gayon pa man ay ayaw niyang madagdagan na naman ang mga maling desisyon niya sa buhay. Pinagkatiwalaan na niya si Joey. Hindi na pwedeng masira ang mga nakalatag na plano.

“Roooonaaaa! Ano pang hinihintay mo dyan?! ‘Yang kemikal! Iligtas mo ako! Kontrolin mo ‘tong zombie!” panaghoy ni Joey.

“Aaaah oo ayan na!” bigla siyang kumilos mula sa kanyang pagkakatindig. Binuksan niya ang botelya na naglalaman ng kemikal saka nagtatakbo palapit sa mga ‘to upang maayos ni Romina ang aromang nagmumula roon. Ilang segundo lang ang lumipas at naging matagumpay naman ang lahat. “Romina. Inuutusan kita. Umalis ka dyan. Bitawan at pakawalan mo si Joey.”

Tumayo ang zombie at parang tuod na nanatili sa pagkakatindig na parang walang nangyaring kaguluhan. Sumunod namang tumayo si Joey na humihingal pa. “Putang ina bakit ang tagal mo. Kukuha ka lang ng lintik na boteng ‘yan inabot ka pa ng ilang minuto. Muntik na akong mamatay doon ah.” Reklamo ng lalaki.

“Ginusto mo ‘to hindi ba? Ideya mo ‘tong pagsugod doon sa cabin hindi ba? Pwes panindigan mo ang mga consequences.” Inabot niya ang botelya. “Nage-evaporate ang liquid chemical sa loob ng boteng ‘yan. Sa oras na maubos yan ay hindi mo na makokontrol pa si Romina. Make sure na naroon na kayo sa cabin sa oras na mangyari ‘yun. At siguraduhin mo rin na kung anuman ang mga binabalak mo ay matagumpay mong magawa. Good luck.”

……….

Kinuha nga ni Joey ang botelya saka na umalis gamit ang kanyang tricycle. Nasa loob ng trike nakasakay si Romina. Nilagay niya sa ibabaw ng lalagyan ng barya sa loob ng side car ang botelya. Aware siya na marami ang mababawas doon dahil open-air ang tricycle. Baka nga maubos pa iyon bago sila makarating sa cabin. Pero hindi iyon dapat maubos dahil may duda siyang nasa chemical components ng kung anumang nasa botelyang ‘yun ang sagot upang tuluyang gumaling ang mga taong nagiging zombie. Kailangang mapag-aralan ang chemical na iyon.

Bago siya umalis ay tinawagan na muna niya si Joaquin. “Hello Joaquin, you did great earlier. That Jonathan is a freak and gullible. We can control him if ever. I’m moving to the next part of my mission. I’ll make the two groups fight each other and see which group is better. I’m about to go to the cabin and I brought a zombie with me.”

“Good job brother. Good job! Just be careful with that zombie and to all of them. We still need not to trust any of them until this mission become a success. By the way, how do you feel? Did you take your medication? It might cause you in great danger when your bipolar attacks.”

“Thanks Joaquin. Don’t worry about me. I took my medicine. I will not forget that in this situation. As you said, it’ll be dangerous if I forget that.”

Matapos ang kanilang usapan ay saka na niya pinaharurot ang tricycle. Tantsado ang bilis noon upang kahit papano’y mapigilan niya ang pagkawala ng maraming kemikal sa loob ng botelya. 

……….

Samantala sa kinaroroonan ni Joaquin…

Pumasok si Ralph sa loob ng isang bahay. Iyon marahil ang bahay ng babaeng may kakaibang variant ng Desire V-30 virus. Ang babaeng napatay nito matapos makipagtalik. Doon marahil nakatira ang tinutukoy nitong kapatid. Hindi kalayuan ang lugar sa pabulusok na bahagi ng Heaven’s Palace. 

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon