Chapter 35: Sampal, Versus Part 2
Nagtatagis ang bagang ni Myrna habang mabilis na lumakad. Napakamapanganib sa Wuhan sa mga sandaling iyon bilang ito ang epicenter ng Desire V-30 pandemic. Tapos aalis ng walang paalam at coordination si Linda. Kung tutuusin ay pwede naman niya itong pabayaan nalang. Kaso lang kahit hindi pa nila kilala ang dalawa ay umaasa siya sa physical na lakas ni Martin upang maprotektahan sila. Compromised ang kalagayan ni Red at pwedeng makahawa kahit alam niyang capable pa rin naman ito. Isa pa, case study na nila ngayon ang kaibigan.
“Nasaan na kaya ang babaeng ‘yun?” napunta na siya sa isang village na ghost town na ang itsura. Walang mga tao sa paligid. Sira-sira ang mga gamit sa labas ng mga bahay. Kahit magtatanghaling tapat ay iba na ang kaluskos ng hangin sa paligid. Nakarinig din siya ng kaluskos ng paa. Napansin niyang may nakatago sa isang pader. Kitang-kita niya ang laylayan ng damit. Iyon ang suot na damit ni Linda. “Linda. Linda?”
Ayaw sumagot ng babae hanggang sa nawala na ang laylayan sa pader na pinagtataguan nito. Bago siya umalis sa kanyang kinatatayuan ay naisipan niyang i-chat si Caloy.
“Kumusta na kayo dyan ni Martin, Caloy? Pwede mo bang kunin ang social media niya saka i-add dito sa ating group chat? May sasabihin lang ako sa kanya. Salamat.” Iyon ang kanyang isinulat sa mobile keyboard habang sinasabi rin iyon. Luminga siya sa paligod pagkatapos. Lumakad na siyang muli upang maghanap.
Nakarating siya sa isang Yedian. Nightclub iyon sa China. Angels Yedian ang pangalan ng signage sa labas. Halos malalaglag na nga ang signage mula sa bungad ng gusali. Abandonado na rin ang lugar. May kakaiba siyang naramdaman. Nakakapangilabot. Parang may humihuni mula sa loob.
“Hmmm… bumalik na kaya ako sa loob? Nakakatakot naman dito.”
“Grrrrrr…..” may mahinang pag-ungol talagang nagmumula sa loob ng Yedian.
“Hindi ‘to maganda.” Nagtatakbo na siya palayo. “Linda!!! Kung nasaan ka man ay bumalik ka na sa van!” sinigaw niya muna ‘yon para marinig siya ng babae. Hindi pa man siya nakakalayo ay napatigil na siya. Napalunok siya sa tumambad sa kanya. Isang matabang babae na halatang infected ang nasa kanyang harapan. Napakaaming dugo ng suot nitong bestida. May pangkulot pa ito sa buhok. Nanlilisik ang mga mata nito.
“Bakit ganyan ang itsura niya? Ano kaya ang desire niya?” nanlaki ang mga mata ni Myrna sa sumunod na naisip. “P-paano kung hindi niya nakuha ang desire niya at ngayon ay nagwawala siya? Kaya maraming dugo? Oh my God…” humakbang siya patalikod. Kaso lang hindi niya alam kung saan papunta kapag nagtungo niya sa direksyon ng Yedian. Kailangang dumiretso siya pabalik sa van. Paano niya iyon gagawin kung nakaharang ang babaeng infected?
“Grrrrr…” biglang umungol ang babae. Ito nga ang narinig niya kanina sa may Yedian. Pareho ang ungol. Ungol na galit gayunpaman ay parang tumatawag ng bata, ng isang sanggol.
Dinukot niya ang baril na nakasuksok sa kanyang suot na pantalon. Itinaas niya ang kamay saka pinaputok ang gatilyo upang gumawa ng ingay. Iyon ang palatandaan upang puntahan siya ni Red. Binalik niya ang baril sa pagkakasuksok. Mali yata ang ginawa niyang pag-iingay. Mas lumakas ang ungol ng babae. Nagsisimula na rin itong humakbang palapit sa kanya. Wala na siyang choice. Sa direksyon na ng Yedian ang kailangan niyang takbuhin upang matakasan ito. Patalikod palang siya nang nasa harapan na niya kaagad ang babae. Napakabilis nitong kumilos kahit na mataba pa ito. Walang anu-ano’y hinapas siya nito. Napakalakas na hampas sa kanya pa man ding balikat na may sugat.
“Aaaaaah!” napasigaw siya sa labis na sakit. Humandusay din siya sa lupa. “Array! Aaaaah!”
Nakakatakot ang itsura ng babae. Para itong sinapian ng masamang espiritu. Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Myrna. Takot ang nangunguna sa mga ‘yon. Hindi na niya alam ang gagawin. Sa bilis at lakas ng babae ay wala na siyang ligtas pa. Sumabay pa ang labis na sakit na nagmula sa kanyang sugat. Kitang-kita niya ang muling pagdaloy ng sariwang dugo mula roon na kanina lang ay inayos ni Martin ang pagkakatali ng bandage.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
