Chapter 12: Lockdown
"Nagkaroon ng lockdown?" Tanong ni Myrna kay Marilyn.
"Opo ma'am." Tugon nito.
Saka lumapit sa kanila si Prances dahil natatagalan silang magkwentuhan na dalawa sa gitna ng daan. "Naiinip na sina Red doon. Ano nang pinag- uusapan ninyo?" Tanong ni Prances.
"Halika rito Ces. Siya si Marilyn. Galing siya sa lab. Nakatira sila sa compound sa tabi ng laboratoryo. Ang asawa niya ay security guard sa mismong lab. Tumakas sila sa lugar matapos magkaroon ng lockdown. Tama ba Marilyn?"
Tumango ang kanilang kababayan.
"Nasaan na ang iyong asawa?" Tanong naman ni Prances.
..........
"What?" Reaksyon at tanong ni Marilyn sa asawang si Ishmal. "How can we go if there's a lockdown?"
"We need to at least hide and find a way to escape." Natatakot at pinagpapawisang saad ng lalaki.
"Hide? Escape? Why? What is it about the virus that you discovered? What it's name agaib? De- DeCOVID? What?"
"DesireV- 30."
"DesireV- 30?"
"Yes. It seems that they already have the virus and vaccine on their hands inside the lab. They're just transferring the virus to the people who joins the case study. They're infecting the people on purpose. They want to spread chaos." Pagbubulgar nito.
Laking gulat niya sa sinabing iyon ng asawa. "Mga putang inang 'yan. Si Lumen. Case study si Lumen. Anong ginagawa nila? Bakit? Why are they doing this?"
"The Australian laboratory together with the syndicate named Team Spider want to spread this new virus to control human trafficking, earn money from the vaccine, and become a super power not just in Australia, China but in the whole world." Nagpalakad- lakad ito. Tila takot na takot. "I heard and saw everything my darling. The virus is more dangerous than COVID- 19. It's more than a zombie virus."
"Z- zombie virus?" Natigalgal niyang tanong. Napahawak siya sa sandalan ng upuan habang nakatayo. "Zombie virus? Bakit more than a zombie virus?"
"It targets the brain and the part of it that gives the desires of human. It will then ignite the desires for thirty days once a person is infected. On the thirtieth day because of that strong desire, the person will die."
Napanganga at nanlaki nalang ang kanyang mga mata sa narinig. Parang sa pelikula lang ang mga ganoong klase ng virus. Higit pa nga sa mga zombie apocalypse eh dahil desire? Ang lawak ng desire at bawat tao ay magkakaiba ang desire. Bawat tao ay may ibang epekto sa kanila ang DesireV- 30.
"Let's just wait until the lockdown is lifted. What do you think?" Suggestion niya rito.
"NO!" Madiing tugon nito. "They wanted to infect the whole compound. When we're all infected the virus will spread to the whole Wuhan, then China, then Asia and the world. They will start the infection here especially for employees like me who knows that there is already a vaccine for the virus and how it works to the infected."
"Hindi sila mga tao. Mga demonyo sila. Paano nila nagagawa ang mga ganitong bagay para sa pera at kapangyarihan?" Pumatak na ang mga luha sa kanyang mga mata. Niyakap niya ang asawa. "Don't Ishmal, my darling. We will escape here. We will make a good plan to escape here."
Gayunpaman ay hindi pa rin sila kaagad nakaalis. Sobrang higpit ng lockdown. May mga militar na nakasuot ng PPE at armado ang matataas na kalibre ng baril. Inabot sila ng thirty days upang makabuo ng konkretong plano upang makatakas.
Sa araw ng kanilang pagtakas ay buong mag- anak nila ang nag- suot ng PPE. Imbes na pagkain ang kanilang baon sa kanilang mga bag ay alcohol ang kanilang dala.
Paglabas nila sa kanilang silid ay napansin nilang halos wala ng tao sa compound. Dalawa lang. Nakaalis at nakatakas na ang iba o di kaya naman ay infected na. Laking gulat nila nang nakabukas na nga ang main gate ng compound. May dalang baril si Ishmal. Piniringan naman nila ang mata ng anak na si Maliah habang karga niya ito. Ayaw nilang makita ng bata ang mga karumal- dumal na kaganapan sa labas. Nauna ang kanyang asawa habang patagong lumalabas.
"L- lumen?" Napansin niya ang kaibigan at kababayan. Napaluha siya saka umiwas ng tingin. Nakikipagtalik ito sa labas sa limang lalaki nang sabay- sabay. Kinakain din nito ang mga papel na pera. Iyon ang desires ni Lumen, pera at pakikipagtalik.
"Marilyn!!!" Nagsisigaw ito at saka tumakbo palapit sa kanila.
Walang anu- ano ay binaril ito ni Ishmal sa bunbunan. Lalo pa siyang napaluha.
"P- paalam Lumen. Salamat sa lahat." Naibulong niya.
"Mama ano po 'yun?" Tanong ni Maliah.
"Wag mong pansinin mo anak lahat ng maririnig mo ah. May mga kakaibang ingay lang sa paligid. Kumapit at yumakap ka lang sa mama huh?"
Dahil sa pagputok ng baril na iyon ay naagaw nila ang atensyon ng mga infected na lalaki. Gayundin ng iba pang security team ng laboratoryo.
"We need to hurry up!" Sigaw ni Ishmal.
Nakalabas na sila ng gate. Nagtago sila sa isang malaking basurahan sa labas. Nagtatakbo na papasok sa compound ang mga militar at iba pang security people ng lab.
Habang nakaupo ay humarap sa kanya ang asawa saka hinagkan sa pisngi ang kanilang anak. Madiin iyon habang lumuluha. Sunod naman ay siya ang hinalikan nito sa kanyang mga labi.
"I love you Marilyn, my darling. You are everything. My life has changed because of you. You give my life a different meaning. You and Maliah are my life. And I don't want to see the both of you die. It's okay that I'll lose my life knowing that you are both safe. I love you and Maliah so much."
"I love you too Ishmal." Tugon niya rito. "Hindi ko akalaing magmamahal pa ako matapos ang mga nangyari noong panahon ng COVID- 19. Namatay 'yung boyfriend ko noon. Sabi ko hindi na ako iibig muli sa iba. Pero dumating ka. From the very beginning you are very consistent. Until now. Pero sana wag mong sabihin ang mga bagay na 'yan. Magkakasama tayong aalis at makakaalis sa lugar na ito. Mamumuhay pa rin ng masaya ang ating pamilya."
"Listen to me Marilyn, my darling. We can't escape them like this. I need to go back there to divert their attention."
"No! No! No! You don't need to go back. We're already here outside. Tara na umalis na tayo." Anyaya niya rito. Hindi niya kinakaya ang nga sinabi nito.
"If I'll go back there, all their attention will be focused on me. You and Maliah will have enough time to escape. If we will all escape now we will all die including our daughter when they caught us. So please Marilyn, my darling. Run when you heard me scream." Saka nito muling hinagkan ang kanyang mga labi sa huling pagkakataon bago tumayo at nagtatakbo pabalik sa loob.
"I'm here!!!" Dinig niyang sigaw nito bago umalingawngaw ang maingay na mga putok ng baril.
Ayaw humakbang ng kanyang mga paa. Ngunit wala siyang nagawa kundi magtatakbo palayo.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...