Chapter 148: Bagong Nakaupo sa Trono
“Ano na pong kasunod Panginoong J?” muling tanong ni Chichay kay Jonathan.
Hindi niya ito pinansin. Pinagmasdan niyang mabuti ang pagtitipon ng kanyang mga zombie. Kahit na mabaho at malansa ang amoy ng mga ‘to dahil sa dugo at lamang loob na nagkalat sa paligid at sa paghalo ng mga ‘yun sa tubig ay labis siyang nasiyahan sa kanyang nasaksihan. It was an army indeed. Army of the dead. Mga sundalo na tapat sa kanya at ipagtatanggol siya kahit na anong mangyari. Halos maluha na siya habang tinititigan ang mga ‘to. Nakatrabaho niya ang iba sa mga ‘yun noong kanang kamay pa siya ni Xavier. Kaso lang ay hindi na niya makilala ang mga ‘to. Halos pare-pareho na ang itsura ng mga ‘to. Ang papangit! Ang babaho! Masasabi nalang na scientist ang iba, sa ganiting team o sa ganyang team dahil sa suot na damit ng mga ito.
“Mga minamahal kong zombie!” sigaw niya. “Hinding-hindi ko kayo pababayaan! Pakamamahalin ko kayo! Hindi katulad ng mga tao ay tapat kayo! Ako lang ang inyong susundin! Mahal na mahal ko kayo aking mga zombie! I love you all!”
Lumakad siya patungo sa basement ng Heaven’s Palace. Naroon ang laboratoryo ng palasyo. Sinundan siya ni Chichay na takot na takot sa mga zombie niya. “Wag mo akong sundan Chichay.”
“A-ano po?” tanong nito.
“Bumalik ka sa second floor. Doon sa control room ng water supply. Tapos ay buksan mo ang sprinkler sa basement. After five minutes dapat ay nabuksan mo na ang sprinkler. Kusa akong bababa within five minutes. Kapag may nangyaring masama sa akin dahil sa kapalpakan mo ay sisiguraduhin kong mamamatay ka.” Tinitigan niya ito ng masama. “Ano pang hinihintay mo? Umakyat ka na?!”
Matagal ang limang minuto kapag may hinihintay. Pinalipas iyon ni Jonathan. Nang tingnan niya ang kanyang relo at lumipas na ang five minutes ay saka siya nagsimulang lumakad. Sinundan naman siya ng kanyang mga zombie. Pagdating sa basement ay napamura siya.
“Putang ina mo ka Chichay! Aaaaaaah! Putang ina moooooo!”
Tila nagsisimula ng magwala ang mga zombie sa gawing likuran. Iyong mga hindi inaabot ng amoy ng hawak niyang lalagyan ng kemikal. Dinig niya ang ungol nga mga ‘yun. Siya ang Diyos pero tila mapapadasal pa yata siya sa tagpong ito. Tila muling manganganib ang kanyang buhay.
“Tandaan mo ito Chichay! Hanggang sa kamatayan ay hindi kita titigilan! Papatayin kita! Aaaaah!” pagkasigaw niya ‘non dahil sa labis na galit sa bakla ay biglang umulan na ng tubig mula sa sprinkler sa basement. Nang makita ni Jonathan ang pagpatak ng tubig ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. “Putang inang ‘yan! Putang ina!”
Nang makahilera na ang mga zombie niya sa basement ay saka siya umalis at nagtungo na rin sa ikalawang palapag. Doon niya dinatnan si Joey at Joaquin.
“Joey!” dagli niya itong niyakap na para bang mag-jowa sila. “Akala ko ay iniwan mo na ako!”
“Patawad Jonathan. Patawarin mo ako. Nakatakas ang grupo nila Daniel at Takashi na kumampi sa pumanaw na si Xavier. Nagtago naman kami ni Joaquin kanina. Pero nandito lang din kami sa second floor. Sinindihan namin ang power supply noong patayin ito ng alagad ni Xavier. Syempre ayaw naman kitang mapahamak.” Labis na kilig ang nadama niya sa mga sinabi nito.
“Maraming salamat sa inyo Joey! Wag kang mag-alala. Hindi ako galit sa inyo. Lalo na sa iyo. Ikaw din talaga ang naisip kong nagbalik ng power supply kanina. Kung alam mo lang! Iniligtas mo ang buhay ko! Napakarami mo nang ginawa para sa akin Joey! Maraming salamat!” umalis siya sa pagkakayakap dito. “Dahil dyan ay ikaw ang gagawin kong kanang kamay. Ikaw na ang bagong kamay ng bagong buhay na Diyos.”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...