Chapter 131: The Family that Donates Together
Habang nagpapalipas ng oras sa araw na iyon. Tapos nang makinig ng radyo at ng programang #RelateMuch sina Myrna. Nagtungo sila ni Prances sa ilalim ng hilerang pine trees sa loob ng bakuran. Doon ay nasa silong sila ng lilim ng mga puno. Mainit ang araw pero malamig pa rin ang hangin. Hindi lang dahil nasa Baguio City sila pero dahil nasa mas mataas na bahagi rin sila ng syudad. Napansin ni Myrna ang paghalukipkip ni Prances. Tila niyayakap nito ang sarili. Nais niyang siya ang yumapos sa kasintahan. Kaso lang ay infected pa rin ito at mahigit isang metro ang pagitan nila sa isa't-isa.
"Mayayakap din kita soon Ces." Sambit niya habang nakatitig dito.
Mula sa kawalan ay itinuon nito ang paningin sa kanya. Ngumiti ito. "Sa tingin mo ba ay may mabubuo tayong vaccine mula sa dugo ng pamilya nila Myrns?"
Napaisip siya. "Hindi ko rin sigurado kung vaccine ang mabubuo natin mula sa dugo nila. Pero dahil kakaibang variant ang meron sila, ang variant X. Siguradong may mabubuo. Siguradong bagong innovation ito sa Desire V-30 virus." She paused. "Wag kang mag-alala Ces. Ano man ang makuha natin sa dugo nila ay hindi ako titigil para makagawa ng vaccine para sayo. May dugo na tayo ni Donita. Nadala na rin nila Caloy ang mga kailangan nating chemicals para makabuo ng vaccine. After kumuha ng dugo sa pamilya mamaya ay gagawin ko na agad ang vaccine para sayo. Gagaling ka na. Mayayakap na kitang muli. Mayayakap ka na namin ng mga anak natin."
Muli itong ngumiti. "Pagkatapos kong gumaling. Pagkatapos nating malaman ang kung anumang mayroon sa dugo ng pamilya. Sana ang sumunod nating matapos ay sina Xavier at Jonathan. Para matapos na ang panggagamit nila sa virus na ito upang maging makapangyarihan. Upang matapos na rin ang pandemyang ito."
"Iyon ang gagawin natin Ces. Matatapos ang pandemyang ito. Babalik na sa normal ang lahat. Malaya na tayong makakapamuhay muli sa isang mundong makatao at maka-Diyos. 'Yung totoong Diyos." Siya naman ang nagsukli ng ngiti rito.
"Tara?" Anyaya nito. "Puntahan na natin ang pamilya nila Julio at Juliana. Simulan na natin 'to, once and for all."
Ganoon na nga ang kanilang ginawa. Nagtungo sila sa likod ng cabin kung nasaan ang pamilya. Malamang ay nakapag-settle at nakakain na rin ang mga 'to. Naihanda na rin ang mga sarili, not just physically but also mentally and emotionally para sa gagawin ng mga itong pagbibigay ng dugo. Kung tutuusin ay isang malaking karayom lang naman ang ituturok sa bawat isa. Ngunit ang ilang ML ng dugong 'yun ay maaaring bumago sa kasalukuyang kalagayan ng mundo. Isang pag-asa ang maaring sumilip mula sa kawalan.
"Handa na po kayo?" Mahinahong tanong ni Myrna sa pamilya.
Tumingin sa kanya si Julio. Matipid na ngiti ang unang tugon ng padre de pamilia. "Handa na kami."
"Ilalabas na po namin ang mga syringe at iba pang gagamitin. Magiging mabilis lamang po ito." Siya na mismo ang pumasok upang kunin ang mga gamit. Sinalubong siya ni Ruby na tangan na ang isang tray na naglalaman ng apat na karayom, mga bulak at tape. "Maraming salamat Ruby."
"Naku go na 'yan. Noon pa man ay tiwala na ako sa inyo ni Prances. Siguradong may makukuha kayong importanteng bagay sa pamilyang 'to."
"Malakas din talaga ang kutob ko eh." She sighed. "Pero sa tingin ko ay gamot para rin sa katulad ng variant nila ang mabubuo namin. O iba pa. 'Yung sa unang variant kasi ng Desire V-30 na sobrang hirap aralin ng bakuna ay iyon na ang unang nabuo namin ni Prances noon."
Tinapik siya nito sa balikat. "Sana ay gumaling na rin si Prances."
Bigla siyang may naisip. Siya naman ang humawak sa magkabilang balikat nito. Mahigpit ang pagkakatangan niya rito. "May favor sana ako sayo Ruby."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
