Chapter 31: Love Ride

64 1 0
                                        

Chapter 31: Love Drive

Labis na pagkainis ang naramdaman ni Myrna para kay Martin. Sinira nito ang magandang ugnayan na umuusbong para sa kanila ni Prances. Napakahangin ng lalaki. Oo nga’t nararamdaman niyang may good side ito pero nanaig pa rin ang hindi magandang tinapay sa lalaki. Sinira na nga sila ni Prances. Ninakawan pa siya ng halik. 

Pagkabalik nila sa van ay napuno ng awkward moments. Mabuti na lamang at napunta kay Maliah ang kanyang atensyon na nakapagitna sa kanila ni Prances. Natuon na ang pansin niya sa bata matapos niyang mag-report kay Boss X.

“Mama Myrna…” halos tumalon ang kanyang puso sa narinig. Doon niya napagtantong napakasarap palang tawaging ‘mama’. “May sugat ka po.  Okay ka lang po ba?”

“Oo naman Maliah okay lang ako. Malayo sa bituka ‘to.” Nakangiting tugon niya.

“Mama Prances…” mama na rin pala ang tawag nito kay Prances. “May sugat po si mama Myrna. Nakakaawa naman po siya. I-kiss niyo po kaya siya.”

Then it was another complete awkward moment. Tila literal na may kwago na humini. Nabalot ng katahimikan ang loob ng van habang nagpapatuloy sila sa paglalakbay. 

“Hahaha!” si Martin ang bumasag ng katahimikan. Tumawa ito ng ubod ng lakas. “Hahaha! Sorry! Sorry! Natawa lang ako. Pinigilan ko naman eh, hindi ko lang kinaya. Hahaha!”

“Tumahimik ka nan ga dyan.” Saka ito hinampas ni Linda.

Nanahimik naman si Martin kung halatang nagpipigil lang ito ng tawa. Nakita niyang bahagya pa ring gumagalaw ang mga balikat nito. Talagang dinadagdagan nito ang inis niya rito.

“Ano pong nakakatawa mama Myrna at mama Prances? Sabi po kasi ni mama noon kay daddy kapag daw po may sugat kailangang i-kiss para mawala ang sakit at tumigil sa pagdurugo. Kapag daw po kasi hindi nawala ang sakit ay may lalabas na tren sa sugat.”

“Tama naman ang mama Marilyn mo.” Si Prances ang tumugon sa bata. “Ikaw na ang mag-kiss sa sugat ng mama Myrna mo. Mas effective ang kiss mo.”

“Ah! Okay po mama Prances!” natuwa naman ang bata sa sinabing iyon ni Prances. Kaya naman pinupog siya ng halik ng bata.

“Haha! Naku wag mong diinan Maliah! Masakit!”

Inabot na sila ng gab isa daan kaya minabuti na muna nilang matulog at magpahinga sa isang abandonadong motel na nadaanan nila. Nag-check na muna si Martin kung safe ang lugar. Wala na raw tao kaya lahat sila ay bumaba na ng van. Si Red ang nag-stay sa unang kwarto. 

……….

Pagkababa namin sa motel ay magkahiwalay sana sini Caloy at Liza pero nagpasama itoa sa kanyang silid. Bago kasi ang lugar at hindi ito sanay, siguradong mahihirapan itong mag-adjust dahil bulag ito. Pumayag naman sina Myrna at Prances na isama niya si Liza basta siya ang magiging accountable dito. No comment naman si Red. Magmula nang ma-infect ito ay hindi na ito masyadong nagbibigay ng komento. Hindi na nga rin ito masyadong nagsasalita. Masaya naman siyang makasama si Liza lalo pa’t may katabi na siya sa harap ng van. Kapag napapagod na siya sa pagmamaneho ay sinisilayan niya lang ito at gumagaan na ang kanyang pakiramdam. Napapawi na ang kanyang pagod.

“C-caloy…” nauutal at mahinang nasambit ni Liza ang kanyang pangalan. Nasa itaas ito ng kama. Siya naman ay sa sahig naglatag ng banig. Respeto na rin sa babae. Hindi siya magte-take advantage sa sitwasyon. 

“B-bakit Liza?” tanong niya rito. Lagi na niyang suot ang kanyang earbuds at naka-activate ang translator app.

“Pwede mo ba akong samahang maligo sa banyo?” tanong nito.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon