Chapter 5: Habulan
Parang nasa fast and furious movie si Myrna habang nakasakay sa sports car. Swabe ang tunog habang humaharurot ang sasakyan. Hindi lang kasi iyon basta- basta sports car. Isa rin iyon sa pinakamabilis na sasakyan sa buong mundo.
Pagtingin niya sa screen ng kanyang phone ay ilang kilometro nalang ay maabutan na nila ang van kung saan lulan si Prances.
"That's the van! That's the van!" Saad niya sa driver.
"Inglesera ma'am?" Sarkastikong tugon ng driver. "Kanina ka pang English ng English dyan eh Pinoy naman ako."
Tinitigan niya ito. "Huh? Mukha kang may lahi?"
"Half Pinoy. Half German Sheperd ba ma'am? Hahaha! British po kasi ang tatay ko. Binuntis lang ang nanay ko na Pinay. Ako nga po pala si Caloy, ang inyong poging driver. At yourr service. Part po ako ng security team ng Techno Bio Lab sa international affiliates nito."
"Hi Caloy. I'm Myrna. Kagigil ka. Kanina pa ako left, right, lfet, right dito dahil akala ko English speaking ka. Pero infairness ah ibang klase na talaga ang Techno at ang Pilipinas. Para na tayong isang malaking mafia ng mga researchers. May security team pa sa iba't- ibang bahagi ng mundo." Komento niya rito.
"Alam kasi ng Techno at ng gobyerno ang panganib ng pagkakaroon ng research lab. Mas nakakatakot pa sa nuclear war ang viral warfare kapag nagkataon. Matapos mangyari ang pandemya ng COVID eleven years ago ay mas naging vigilant na ang mga bansa sa susunod na virus na lalaganap sa buong mundo. Naka- tie up ang Techno Bio Lab sa iba pang mga bansa tulad ng US, Great Britain at Vietnam kaya tama kayo all over the world tayo. Researchers at security team lagi tayong handa parang boy scout."
"Alam ko naman 'yan. Samantalang ang China, Australia at North Korea naman ang may tie up. Mailap din sila sa impormasyon na binibigay nila sa kanilang mga research kaya pinapunta kami rito ni Boss X upang alamin ang may something sa Wuhan. It's a new decade mahirap na." Si Boss X ang head ng Techno Bio Lab ng Pilipinas. "Nakakapagduda na tuloy lalo ngayon dahil sa nangyaring ito sa partner ko. Mukhang may nilulutong bagong pasabog ang team ni Jonathan. Mas malaki. Mas nakakatakot na virus ang suspetsa ko."
"Mukhang mapapalaban tayo ma'am. Kuha ka nalang po ng laruan mo sa likod." Saka ito ngumuso sa likurang bahagi ng sports car.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Iba't- ibang sandata ang naroon. Mula sa matataas na kalibre ng baril. Meron din mga espado at pana.
"Wow! Hindi ako marunong gumamit ng mga 'yan. Marunong akong mag- martial arts pero hindi pa ako nakahawak ng ganyan. Researcher pa rin ako at scientist. Hindi ako assassin." Nakangising tugon niya habang patuloy pa rin siya sa pagmasid sa mga sandata.
"Hindi ordinaryong mga sandata yan ma'am. Hi- tech ang mga 'yan. Kung ako po sa inyo kumuha na kayo. Mapapalaban tayo. Rock on!"
"Aaaaaaaaah!" Saka siya napaabot ng isa sa mga baril. Para lang iyong ordinaryong calibre 45 na baril. Napasigaw siya dahil may sumagi sa bahagi niya. Paglingon niya sa bintana ay iyon na ang van ng Team Spider. "Heto na sila."
"Nasa tulay tayo ma'am. Ang ilalim nito ay dagat. Balak nila tayong ihulog kaya binubunggo nila tayo." Kalmado at pa- cool na saad ni Caloy na para itong nasa action movie.
"ANO?!" siya naman ay hindi na magawang maging kalmado pa. Hindi eepekto sa kanya ang Jaclyn Jose acting sa mga sandaling iyon. "Anong dapat nating gawin?! Tell me!"
Ilang saglit na ay may bumabaril na sa kanyang side. "Aaaaaaaah!" Sigaw niya.
"Bullet proof po ito ma'am. Kailangan nating gumanti sa kanila. Barilin niyo rin po sila." Utos nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Fiksi IlmiahAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
