Chapter 113: Ulo ng Tatlong Persona
Kasama ang natitirang heads ng kanyang mga team na sina Joan at Chichay ng PR at Wardrobe teams at syempre pa ang kanyang kanang kamay na si Ralph na nagkalat pa ang dugo sa suot na lab gown ay sinalubong ni Xavier ang buong pwersa ng Team Spider na dumating sa Heaven’s Palace. Sa pangunguna naman iyon ng ulo ng tatlong persona na si Joaquin Calixto. Humigit-kumulang isang libo ang dumating. Parang may magaganap na revolution sa dami ng tao sa loob at labas ng palasyo. Ang mga sub-heads lang ang kasama ni Joaquin sa loob upang magbigay pugay sa kanya.
“Welcome to the Philippines Joaquin.” Pagbati niya rito.
Yumukod ito sa kanya. Sumunod naman ang mga sub-heads. “It’s nice to to see you again Lord X. It’s our pleasure to be here and help you.”
“Even though Taiwan is very near in the country, I’m sure you’re all very tired. I will not waste any of your precious time so you can take a rest. You and the rest of the sub-heads can stay here in Heaven’s Palace. We have plenty of rooms for all of you. With regards to the members of the team who’s outside the palace. They can barge into any houses and hotels that they like in the city of Baguio. This city is ours.”
“Thanks Lord X. We’ll go ahead now. Let’s meet again tomorrow.” Saka na nagtungo sa kanilang kwarto ang mga ‘to. Mayroon ding sub-heads na nagbigay ng kautusan na tumuloy sa kahit kaninong bahay o hotel na naisin nila sa syudad.
“Panginoong X.” yumuko si Joan saka bumulong sa kanyang leeg. “Hot ‘yung Joaquin ah. Ang cool sa kanya ng sunglasses kahit madaling araw na.”
“Pwede ba Joan. Wag kang ano dyan. Sa akin na ‘yun. Naunang magtagpo ang aming mga mata.” At talagang nakipaglaban si Chichay para kay Joaquin.
“Ewan ko sa inyo. Mas gwapo naman ako ‘dun no.” komento ni Ralph na halatang bitter.
“Pwede ba Ralph.” Sabay na reaksyon nila Chichay at Joan.
“Pwede ba tumahimik nga kayo!” sigaw niya sa mga ‘to. “Para kayong mga teenager na kumekerengkeng sa gwapo sa kanto o sa campus niyo. Hindi kayo matutulog ngayong gabi Chichay at Joan. Tutulong ang team ninyo sa paglilinis ng dugo at ng mga bangkay dito sa palasyo. Itapon niyo sa mga bangin dito sa Baguio ang mga bangkay. Disinfect the whole palace. Bukas paggising ko dapat malinis na ‘tong Heaven’s Palace. Napakasangsang ng amoy. Nakakadiri ang mga katawan lalo na ‘yung naging zombies. Tapos ay may gana pa kayong lumandi.”
“Sige po Panginoong X. Pupuntahan na po namin ang mga ka-team namin upang sabihan na tumulong sa paglilinis.” Saad ni Joan.
“Ikaw kasi eh. May pabulong-bulong ka pa. Tayo nalang sana ang nag-chikahan. Gaga ka.” Dinig niyang sambit ni Chichay nang palayo na ang mga ‘to.
“Ikaw naman Ralph.” Inikot niya ang wheelchair paharap dito. “Marami bang nasayang sa mga bakuna?” tanong niya rito.
“Opo Panginoong X.” yumuko ito. “Halos kalahati po ang nasira at nabasag.”
“Putang inang Jonathan ‘yan. Sinadya niya ang lahat ng ‘to.” Nanggigil siya nang maalala ang dating kanang kamay. “Kung ano lang ang meron bukas pagsikat ng araw ang ipadala ninyo sa mga bansa. Iayos mo pa rin ang pag-divide sa mga bansa ng bakuna. Kailangan na nating maipadala ang mga ‘yan. Thirtieth day na ng mga infected sa ulan sa makalawa. Kailangang umabot sa malalayong bansa ang pagbiyahe ng mga ‘yan bago maubos ang mga tao. Half of the population will die on the next day.” He sighed.
“After ko pong maayos ang pagpapadala ng mga bakuna bukas ay ibibigay niyo na po ba ang mga babae ko?”
Tinitigan niya ito ng masama. “Hindi ko kayo kinakaya. Kunyari sinuway mo kanina sina Chichay at Joan pero ikaw din puro kalibugan ang alam! Pero sige may babae ka pa rin after mong maayos ang pagpapadala ng mga bakuna. Isa nga lang muna. You need to start again in producing the vaccine. Stock naman natin ang mga ‘yun. Make millions of doses.”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...