Chapter 42: Tigre
Puso ng puting tigre na pag-aari ng Prime Minister ng China. Utak ng unggoy na pagmamay-ari ng Presidente ng China. COVID-19 secret files na nakatago sa safe ng National Health Commission ng People’s Republic of China. Paulit-ulit na tinataga ni Martin sa kanyang isipan ang tatlong bagay na kailangan niyang makumpletong nakawin upang mapasakamay niya ang kabuuan ng dalawan daang milyong piso.
Tatlong buwan bago matapos ang limang buwang taning ni Martin kay Xavier. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Nagtungo siya sa bahay ng Punong Ministro ng Tsina. Balik Beijing siya sa Zhongnanhai, ang official residence ng ministro. Doon niya tatangkaing nakawin ang puso ng puting tigre.
"Fuck!" Napamura siya kaagad matapos makita ng personal ang bahay. Itsura iyong malaking templo. Hindi madaling pasukin dahil nagkalat ng militar sa paligid. "Sana magtagumpay ang plano ko. Shet! 'Tang naman 'to oh. Anong gagawin niya sa puso ng puting tigre para makabuo ng bagong pandemic? May virus ba ang puso ng tigre?"
Ang kakaiba pa sa Zhongnanhai ay pinagbabawal ang turista ang mga ordinaryong tao. Hindi katulad sa Palasyo ng Malacañang at sa iba pang tahanan ng ibang Prime Minister sa mundo. Tanging ang mga opisyal lang at mga taong imbitado ang pwedeng makapunta sa Zhongnanhai.
Kaya naman nagpanggap si Martin na ibang tao. Hindi isang opisyal ng gobyerno. Hindi isang militar. Hindi silang dayuhang bisita. Kundi ang tagapag-alaga ng puting tigre. Minatyagan niya ang tagapag-alaga nang ilang araw. Kinopya niya ang pananamit at kilos nito. May uniporme naman kasi ito. Lagi ring nakasuot ng facemask. Ang kapansin-pansin sa kilos at postura nito ay medyo ito kuba. Iyon ang talagang kinopya niya upang hindi makahalata ang mga bantay ng Zhongnanhai.
"Zǎoshang hǎo shēnfèn zhèng?" Saad ng unang security na nadaanan niya sa entrada ng Zhongnanhai. Ang ibig sabihin, good morning ID please.
Syempre nag-aral siya kahit papanong Chinese. At marunong na rin naman siya bago siya talaga lumpiad ng illegal pa-China. Part 'yun eh kapag mangingibang bansa. Wag umasa sa English lang.
Pinakita niya ang kanyang ID, ang ID ng tunay na tagapagbantay. Pinatulog niya kasi ito sa bahay nito. Inabangan niya rin kasi kung saan ito umuuwi.
Hindi naman siya nabigo. Nakapasok siya sa loob ng Zhongnanhai nang hindi nahahalata ng unang guardiya. Napabuntong-hininga siya nang makalayo.
Wala sa loob ng templo ang puting tigre. Nasa likod na bakuran ito. May malaking hawla ito roon. Ang sunod niyang problema ay kung paano mapapalis ang may limampung guardiya sa likod. Dumiretso muna siya sa fire alarm ng templo. Sa isa sa mga silid doon ay nagtapon siya ng lighter sa ibabaw ng ilang file ng mga papeles. Mabilis na kumalat ang apoy at saka niya pinatunog ang fire alarm. May mga CCTV sa paligid kaya nagtakip siya ng dalang tuwalya nakasabit sa likod na bulsa ng kanyang pantalon. Mabuti na lamang at hindi napansin ng unang guardiya ang tuwalya.
Alam niyang napaalis man niya ang mga guardiya sa likod ay hahanapin din siya kaagad dahil sa mga nakapaligid na surveilance camera. Kailangan na niyang magmadali sa pagkakataong iyon. Ngunit ang sunod niyang kailangang maiwasan ay ang mismong tigre. Lalapain siya nito.
"Hello White Tiger." Pagbati niya rito.
Umangil na ito kaagad nang makita palang siya. Alam ng hayop na hindi siya ang tagapagbantay nito.
"Friends tayo." Saka niya ito binaril ng pampatulog. Sunod niyang binuksan ang hawla. Nilabas niya ang baon niyang maliit na kutsilyo. Sasaksakin na sana niya ito nang mapatigil siya. "Sorry White Tiger ah. Hindi mo rin naman deserve na makulong dito para sa Prime Minister mong amo. Dapat nandun ka sa gubat at malaya. Pagkatapos ng gagawin ko ay makakalaya ka na."
Sa pagkakataong iyon ay walang pakundangan niyang sinaksak ang dibdib ng tigre. Sa kapal ng balat nito ay nahirapan pa siyang humiwa. Nang makabuo siya ng malaking butas at patuloy na ang pagdaloy ng sariwang dugo sa pagkakataong iyon ay dinukot na niya ang puso ng tigre. Nilagay niya iyon sa isang sealed na plastic saka lumabas ng hawla.
"Zhuā zhù tā!" Sigaw ng isa sa mga kawal. Ang ibig sabihin ay hulihin.
"Ayan na sila! Putang ina!" Dali-dalis siyang kumaripas ng takbo papunta sa kanyang inupahang taxi driver na binayaran niya lang naman ng one million pesos na katumbas sa pera ng China. Pinatanggal niya rin ang plate number nito upang hindi ito mahuli.
Malapit na siya sa taksi nang mabaril siya sa gawing tagiliran ng kanyang likod. "Aaaaah! Putang ina naman oh!"
Pagkasakay niya sa taxi ay dali-dali niyang inutusang magmadali ang driver. Dinala siya nito sa hotel na tinutuluyan ni Xavier sa Wuhan.
"Heto na ang puso mo. Aalis na ako dahil nabaril ako. Marami nang dugong nawala sa akin."
"Hahahaha! Magaling Martin! Napakagaling!" Tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan ang puso. Walang anu-ano'y binaril nito ang taxi driver na paalis na sana. May silencer kaya walang tunog na umalingawngaw. Nasa parking area din sila at walang tao. Halos nasa bundok na kasi ang hotel na iyon.
"Putang ina anong ginawa mo?!" Tanong niya rito.
"Ipapahamak ka lang niyan. Puno ng CCTV ang mga daan ng China. Ang Team Spider na ang lilinis sa katawan ng driver na 'yan pati na rin sa taxi. Magpagaling ka na."
"Putang ina!" Tinalikuran niya ito. Wala sa kanyang plano na may inosenteng tao na mamatay.
"Sandali lang pala." Pagpigil nito.
Humarap siya. "Ano na naman?"
"Gusto ko lang sabihin na napahanga mo talaga ako. Pero pagsubok mo lang ang puso ng tigre ng punong ministro. Ang kailangan ko talaga ay ang utak ng unggoy ng presidente at ang secret files tungkol sa COVID-19."
"Ano?! Buwis-buhay ako dun tapos sasabihin mo sa aking hindi mo naman kailangan ang pusong 'yan?!" Gigil na gigil siya rito.
"Hahaha! Sinubok ko lang ang iyong kakayahan. Ngayong nagawa mong nakawan ang pinakamataas na opisyal ng China ay mamaniin mo nalang ang Presidente at ang National Health Commission. Paalam Martin. Magpagaling kang mabuti para sa huling dalawang misyon mo. Good job." Nauna pa itong umalis sa kanya.
Nagtagis ang kanyang mga bagang. "May araw ka rin sa akin."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Bilim KurguAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...