Chapter 46: Metal
Nag-chat si Myrna sa group nilang naroon sa misyon.
Sa tingin ko’y kilala ko na kung sino si Xavier. Mayroon ding metal na bomba sa katawan namin ni Prances. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating makapunta sa ospital. Kailangang matanggal ang metal na bomba at spy gadget na ito sa aming katawan.
“P-paano nangyari na may…” hindi niya pinatapos si Red.
Muli siyang nag-type at isinend sa kanilang group. Sa tingin ko pati kayo ni Caloy ay mayroong bomba at spy gadget sa katawan.
“Wag niyong sabihing… Techno Bio Lab…” hindi binuo ni Red ang sasabihin.
Tila nakuha na nito ang nais niyang iparating. Nasa loob ng Techno Bio Lab ang ulo ng Desire V-30. Kakuntsaba ang mga taga-Pacific Lab at Team Spider.
Isang lumang ospital na abandonado na ang tinigilan ng van. Dumiretso sila sa operating room. Kumpleto pa naman ang mga gamit pero walang doctor at mga nurse. Ilang sandali pa’y nakarinig sila ng ingay sa kabilang side ng ospital.
“Ako na ang titingin kung ano ‘yun.” Si Martin ang nag-volunteer. Hindi pa man ito nagtatagal sa labas ay muli na itong pumasok sa operating room. “May mga infected na doctor at nurse na tila hindi nakuha ang desires nila! Nagwawala sila at papunta rito! Magtago kayo!”
“Tara!” anyaya ni Red kay Martin.
Tinakpan ni Myrna ang tainga ni Maliah. Dinig naman nila ang sigaw ng mga infected pati na ang wasiwas ng espada at putok ng baril. Makalipas ang limang minuto ay nagbalik sa loob ng operating room sina Martin at Red. Puno na ng dugo ang damit ng mga ‘to.
“Pwedeng maligo na muna kayo?” pakiusap niya sa mga ‘to. “Sorry na baka mahawa kami sa particles ng dugon a nakadikit sa inyo. Lalo ka na Martin baka mahawa ka. Isa pa kakailangan ka namin dito.”
Naghanap ng available na CR kung saan pwedeng maligo ang dalawang lalaki. Pagbalik ay nakasulat na sa isang white board ang dapat gawin ni Martin.
Martin, ikaw ang mago-opera sa aming apat nila Prances, Caloy at Red. Huli si Red dahil infected na siya. Please see below instruction kung paano mag-opera.
Saksakan kami ng anethesia.
Hiwain ang gawing kanan ng tiyan.
Kuhanin ang metal sa gawing kanan ng large intestine. See below photo kung saang bahagi ang large intestine.
Tahiin ang sugat.
Lagyan ng benda.“Baliw ka na ba Myrna?! Hindi ako doctor! Eh kung magupit ko pa ‘yang large intestine ninyo! Okay nang maging tagapagtanggol ninyo lalo na ikaw pero ang maging doktor kwak kwak hindi ko kaya. Baka mapatay ko pa kayo!”
Kinuha niya ang whiteboard marker. Tutulungan naman kita. Kapag ako ang inooperahan mo ay tutulungan ka naman ni Prances. Hindi naman pwedeng si Maliah, Liza at Red ang gumawa nito. Ikaw lang ang may kakayahan Martin. Nagtitiwala kami sayo. Magtiwala ka lang din sa sarili mo. Iyon ang isinulat niya sa gilid ng whiteboard.
“Aaaaaah!” napakamot ito ng ulo. “Ano ba naman ‘yan?! Bakit ba kung anu-ano ang napapasok ko?! Sige na sige na basta tulungan niyo ako ah!” napapayag na rin niya ito. Wala naman talaga itong choice sa mga pangyayari.
“Salamat Martin.” Hindi na niya iyon sinulat pa. Wag kang mag-alala hindi mahirap na operasyon ito. Nasa gilid lang talaga ng aming large intestine ang bomba at spy gadget. Hindi ito critical part ng katawan.
“Sige na! Sige na! Kung hindi ka lang malakas sa akin ay hindi ko naman gagawin ‘to eh! Basta i-guide niyo ako!”
Si Myrna ang naunang sumalang. Kabado siya sa gagawin nila pero kailangang maging matagumpay ang operasyon nilang lahat. Kailangang mawala sa kanila ang bomba at spy gadget na nakapasok sa kanilang katawan. Hindi magiging malaya ang kanilang mga kilos at mga salita hangga’t nakakabit ‘yun. Nasa panganib din ang kanilang mga buhay hangga’t nasa sistema nila iyon. Baka kahit anumang oras na maisipan ng may control ng bomba ay pasabugin ang kanilang mga katawan at magkagula-gulanit nalang sila at hindi na matapos pa ang misyon.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...