Chapter 95: Love Triangle
"B-buntis ka? Akala ko ba hindi ka fertile 'nung nag-sex tayo? Lagot ka sa ate mo. Hahaha!" Iyon ang narinig ni Ruby na sinabi ni Ralph sa kabilang linya.
"Ralph?" Biglang kumulo ang kanyang dugo. Hindi lang dahil tila ito pa ang nakabuntis sa kanyang kapatid pero dahil parang wala lang dito ang pagkabuntis sa kanyang kapatid. Parang rumagasa lang ang semilya nito sa pagkababae ni Rona tapos ay wala na itong sense of responsibility.
"Oh? Ruby? Ikaw pala 'yan! Hahaha! So alam mo na ang good news?" Tanong nito sa kabilang linya sa nakakalokong tono.
"Anong nakakatawa? Of all people ikaw pa ang nakabuntis sa kapatid ko? At malamang habang tayo pa 'yun? Akala ko pa naman traydor ka lang pero hindi ka na cheater. Akala ko all this time ay nagbago ka na sa pagiging babaero mo at ako na ang huli noong naging tayo habang kayo ni Prances. Tapos ganito pa ang gagawin mo sa akin? Ganito pa ang gagawin mo sa aming magkapatid? Sabay mo kaming tutuhugin at bubuntisin mo pa siya? Anong klase kang lalaki Ralph? Anong klase kang tao? I can't believe it! How come na minahal kita? How come na hindi ko agad nakita kung gaano ka kawalang kwentang tao?!"
"Andami mo namang sinabi Ruby. Sabi nga nila hindi ba, once a cheater, always a cheater. Pa...."
Hindi niya ito pinatapos. "At talagang proud ka pa ah?"
"Naman! Napaglaruan ko kayo ni Prances pareho. Sa katunayan niyan ay hindi lang 'yang kapatid mo ang nagalaw ng rumaragasang semilya ko. Marami! Hahaha! Habang tayo! Hahaha!"
Lalong kumulo ang kanyang dugo. Para siyang bulkan na sasabog. Nanginginig siya. Demonyo na ang kanyang kausap. Ito na ang pinakamagaling magpanggap na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya.
"Hayop ka Ralph." Nagtatagis ang kanyang bagang. "Hayuuup kaaaa!"
"Alam mo hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng butsi mo eh. Pananagutan ko naman 'yang kapatid mo eh. Mas fresh siya sayo. Mas masarap. Masikip pa. Ako nga ang nakakuha ng virginity niya eh. Walang-wala ka na Ruby. Nalaspag na kita eh. Kaya pananagutan ko siya. Pero sa isang kondisyon. Kailangan na siyang sumama sa akin dito sa Heaven's Palace. Siya ang magiging asawa ng kanang kamay ng buhay na Diyos! Hahaha! Ang saya di ba?"
"Salamat nalang Ralph. Pero hindi lalaki ang pamangkin ko sa piling mo. Hindi ka niya makikilala kahit na kailan. Never! Palalakihin namin siya ni Rona bilang isang mabuting tao. Kailangan siyang mailayo sayo para hindi siya mahawa ng kademonyohan mo!" Saka niya binaba ang phone ng kanyang kapatid. Hinagis niya 'yun sa kung saan.
Humarap siya kay Rona. "Wag na wag ka nang tatawag sa lalaking 'yun! Wag mo ring sasagutin ang tawag niya kung ayaw mong manggigil ako lalo sayo Rona!"
"A-ate sorry." Walang tigil ito sa pag-iyak. "Sorry po. Kung gusto niyo po ay ipapalaglag ko nalang ang bata."
Sinampal niya ito ng ubod ng lakas. "Ano Rona? Kasalanan after kasalanan lang talaga? Gusto mong maka-quota sa kasalanan? Una pinatulan mo ang ex-boyfriend ko habang kami pa. Kapatid kita eh! Iniputan niyo ako sa ulo. Paano mo nagawa sa akin 'yun ha? Sa lalaking 'yun pa talaga? Ano 'to ganti sa akin ng kapalaran dahil kabit lang din naman ako dati? Tapos ngayon papatayin mo 'yang bata sa sinapupunan mo? Aaaaah! Rona! Rona!"
Akmang sasampalin na naman niya ito nang dumating si Prances. "Tama na Ruby. Tama na. Pahupain niyo muna ang emosyon niyong magkapatid. Tinawag ako ni Myrna. Narinig ko ang lahat. Pwedeng iwan mo muna ang kapatid mo? Tingan mo siya oh. Iyak na siya ng iyak at kung anu-ano na rin ang naiisip niya. Tapos sumama ka na muna sa akin. Tayo na muna ang mag-usap."
Iniwan na muna nila ni Prances si Rona. Nagtungo sila sa isang bakanteng bangka na nakaparada sa dalampasigan. Walang tigil siya sa pag-iyak. Walang nagsasalita. Hinahayaan lang siya nito. Hindi pa rin naman siya handang mag-vent out. Sa mga sandaling 'yun ay sapat na sa kanya ang mailabas ang galit, inis at lungkot sa pamamagitan ng pagluha. Ilang minuto rin siyang nanaghoy. Naramdaman niya ang paghaplos ni Prances sa kanyang likuran. Hanggang sa niyakap na niya ito. Habang magkayakap ay saka siya nagpatuloy sa pagluha. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakakapit niya rito.

BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...