Chaptet 75: Muling Pagkabuhay

9 2 0
                                    

Chapter 75: Muling Pagkabuhay

Hindi mapakali si Jonathan. Kahit na malamig naman sa loob ng lab ng Heaven’s Palace ay pinagpapawisan siya ng malapot at mainit. Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang tablet ni Carmela. Nag-scroll siya pababa. Hindi lamang sa news sites and tv channels ng Pilipinas iyon balita kundi maging sa ibang mga bansa. It was a headline all over the world. Pati sa social media ay usap-usapan na rin ang tungkol sa bakuna. 

“Just after two days after the war, your fake God just told you a lie. They don’t have a vaccine for humans. Your fake God can’t save you. They created this mess but because they’re idiot they cannot create a vaccine. Think again before you praise your fake God.” Pinanuod niya ang bagong video ng press release ng presidente ng Amerika. Agad-agad meron itong statement tungkol sa balita. “I have a suggestion. If you’re going to trust me and all the leaders in the world. We will take the vaccines in our hand. We just need to have the secret files of the Desire V-30 virus. I’m going to talk to all the United Nations member regarding this. We’ll make a move as fast as we can so that the fake God can’t do anything.”

Nahulog niya ang hawak na tablet mabuti na lamang at nasalo ‘yun ni Carmela. Napaupo nalang siya. “Hindi ako bobo! I’m not an idiot! Matatapos ko rin ang vaccine para sa mga tao! Wala siyang karapatang pagsabihan ako ng mga ganoong bagay! Hayop siya! Presidente lang siya! Kanang kamay ako ng Diyos!” then he started throwing tantrums. Para siyang batang nagrereklamo. Hindi niya namalayang pumapatak na rin pala ang luha sa kanyang mga mata. 

“Pwede ba Jonathan kumalma ka! You need to calm down!” naririnig niya ang babae ngunit ayaw niya itong pakinggan. 

Muli na naman niyang naramdaman ang pakiramdam na maliitin at hindi pakinggan. The fact that it was all over the news and in the internet. Gusto niyang magwala. Gusto niyang puntahan ang pangulo ng Amerika at saktan ito. Gusto niyang alamin kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng balita tungkol sa ikatlong bakuna. Kapag nalaman na niya kung sino ay siya mismo ang magbibigay ng Desire V-30 virus nito at sisiguraduhing mamatay ito pagkatapos. 

“Jonathan! Calm down! Ano bang problema mo?! Hindi pwedeng dito masira ang mga plano natin! Hindi pwedeng dito matapos ang lahat! Kailangan mong kumalma at mag-isip kung paano natin ito masosolusyonan!” 

Saka muling bumukas ang pinto ng lab. Dinig niya ang gulong ng wheelchair. Hindi siya maaaring magkamali ang Panginoong X ang pumasok. Ilang sandali pa’y bumaba ito sa wheelchair upang personal siyang pakalmahin.

“Tama na Jonathan. Tama na! Nandito na ako! Hindi ka bobo! May kwenta ka! Kumalma ka upang mapag-usapan natin ang naisip kong plano.” Humarap ito kay Carmela. “Kumuha ka ng tubig Carmela. Tapos kunin mo ang gamot niya sa panic attack niya nasa loob ng kanyang kwarto. Dali!”

“Masusunod Panginoong X!” 

Pagkalabas ng babae ay niyakap siya ng ubod ng higpit ng kanyang Panginoong X. Sa mainit nitong mga bisig ay unti-unti niyang naramdaman ang kaginhawaan. It was a safe haven for him. Kusang kumalma ang kanyang dibdib kahit wala pa ang kanyang gamot.

“Pssssh… Psssh… Ito na ang tandaan mo Jonathan. Kahit na anong mangyari ay patuloy akong maniniwala sa iyong kakayahan. Nagawa mo nga ang virus na ito hindi ba? Nagawa mo na rin ang unang dalawang bakuna. You are almost there on the third vaccine. Naniniwala akong matatapos mo ‘yun. Magagawa mo ang ikatlong bakuna. Magtiwala ka lang sa sarili mo.”

“Paano kung mabigo kita Panginoong X? Paano kung hindi ko magawa? Titiwalag silang lahat sa paniniwala nila sayo. Masisira ang lahat ng plano mo. Hindi tayo makakausad sa susunod na virus.” Umiiyak niyang pagkwestyon sa mga sinabi nito.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon