Chapter 98: Pagtugis
"As in si Prances na bestfriend mo? Kayo na?" Pagkukumpirma ng kuya Manolo ni Myrna sa kabilang linya.
"Oo kuya siya nga." Pagsang-ayon niya. Puminta pa ang ngiti sa kanyang mga labi na may kasamang kilig. Napansin niya na ganoon din si Prances. Sapat na ang kaunting ilaw sa labas upang mapansin niya 'yun..
"Nice! Congrats sa inyo! Love wins! Alam niyong magiging masaya ako para sa inyo at hindi ko huhusgahan ang relasyon ninyo. Anuman ang piliin niyong gawin sa pag-iibigan ninyo. Ipagsigawan niyo man 'yan sa mundo o ilihim tulad ng sa amin ni Yberr. Dapat ay maging handa kayo sa mga consequences. Ang mahalaga ay nagkakasundo kayo. Higit sa lahat ay mahal ninyo ang isa't-isa."
Ang sarap marinig ng ganoong mga salita at payo mula sa isang taong tunay na nagmamalasakit sa kanila. Kahit siya pa ang bunso sa pamilya ay todo rin ang kanyang advice noon sa kanyang kuya Manolo noong magtapat sila ni Yberr sa kanya. Hindi niya akalaing magsasabi rin siya rito ng relasyon sa kapwa kasarian.
"Maraming salamat sa iyong payo kuya Manolo." Siya naman ang nagulat dahil biglang sumagot si Prances sa kanyang kuya. Mas lalo tuloy siyang kinilig. Nagdugtong pa ito. "Wag po kayong mag-alala. Nagsimula kami ni Myrna bilang matalik na magkaibigan at partners in crime. Lahat ng bagay ay pinag-uusapan muna namin. May mga magkakaiba kami ng opinyon at saloobin sa mga bagay-bagay. May mga desisyon kaming hindi pinagkakasunduan. Pero bilang partners ay natutunan na naming magkita sa gitna."
Pinagmamasdan niya lang ito habang nagpapaliwanag sa kanyang kuya sa kabilang linya. She was amazed on how she speaks about them and their relationship. Tunay ngang malalim na ang kanilang relasyon. Relasyong isang tunay na pagkakaibigan ang naging pundasyon.
"Natutuwa akong malaman 'yan Prances. Sa totoo lang hindi ko akalaing magiging kayo at mas lalalim pa ang relasyon ninyo. Malalim na noon as best friends pero mas lumalim pa ngayon in a romantic way. Basta kung ikaw ang aayaw Prances okay lang. Hindi ako magagalit. Baka ma-realize mo bigla na sobrang kulit niyang kapatid ko eh. Mabait. Matalino 'yan pero sadyang matigas ang ulo. Hahaha!"
"Pwede ba kuya wag mo na akong siraan! Bumiyahe ka na. Go na! Malalim na ang gabi, Baguio pa man din ang aakyatin mo. Hinihintay ka na ni Yberr. Basta ikamusta mo kami sa kanya ha? At tumawag ka kapag magkasama na kayo."
"Okay sige. Bye na. Ingat kayo." Saka nito binaba ang tawag.
Nagtitigan silang dalawa. Titig na pinaghalong lagkit at pagsinta.
"Anong sinasabi mo Myrns na sinisiraan ka ng kuya mo? Totoo namang makulit at matigas ang ulo mo ah? Duuuh" panunukso nito.
"Ano kamo? Haha! Ako makulit at matigas ang ulo?"
"Oo pero tama rin ang kuya mo. Mabait ka, busilak ang iyong kalooban. Matalino ka pa, gamit mo ang talino mo para makatulong sa iyong kapwa. Higit sa lahat maganda ka. At lalong higit sa lahat ay mahal na mahal kita. Mahal kita Myrns."
Her heart skip a beat dahil sa mga sinabi nito. May kung anu-anong paru-paro rin ang lumipad sa kanyang tiyan. Dahil doon ay hindi na niya napigilan pang halikan ang kasintahan. Labis na mapusok ang halik na iyon. Gayunpaman ay punung-puno ng pagmamahal. Habang magkalapat ang kanilang mga labi ay naglakad sila mas malapit sa dalampasigan at mas malayo mula sa kanilang bahay upang walang makakita sa kanila kung sakaling may gising pa sa ganoong oras.
Pati ang kanilang mga kamay ay naging mapusok na. They started caressing each other's body. Mula sa leeg patungo sa dalawang malulusog nilang mga suso. From the softest to the roughest touch ang degree ng paglamas nila sa isa't-isa. Nakasuot pa sila ng damit noon. Hanggang sa hinubad na nila ang suot na damit. Hinagis ang mga 'yun sa buhanginan. Hindi nila alintana ang malamig na panahon. Tinulungan pa nilang hubarin ang bra ng isa't-isa. Nagmamadali ngunit puno pa rin ng ingat.
![](https://img.wattpad.com/cover/276498223-288-k635001.jpg)
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
FantascienzaAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...