Chapter 101: Sunud-Sunod na Kamalasan

9 2 0
                                        

Chapter 101: Sunud-sunod na Kamalasan

Tanghaling tapat na. Mainit. Nakapapaso ang sikat ng araw. Nakapapaso rin ang pighating dulot ng pagkamatay ni Liza. Sila Myrna ang sumunod na nagpaalam dito. Naglagay sila ng bulaklak ng bougainvillea sa ibabaw ng puntod nito, na napitas sa kanilang bakuran. 

“Paalam Liza.” Saad niya. “Hindi masasayang ang pagkamatay mo. Patuloy kaming lalaban hanggang sa mawakasan ang pandemyang ito pati na rin ang mga tao na nagpapanggap na Diyos na nasa likod ng lahat ng ‘to. Tama si Caloy. Magkakasama na kayo ni Mong dyan sa langit. Sana’y maging mapayapa ka na dyan. Walang hanggang pasasalamat ang ibaon mo mula sa amin. Maraming salamat sa mga naging tulong mo at ng mga ka-village mo. Hindi naming masu-survive ang lahat ng pinagdaanan namin sa Wuhan kung wala ang naging tulong mo Liza. Kahit na bulag ka ay nakita mo ang ganda ng mundo dahil sa iyong puso na walang ibang ginawa kundi ang magmahal. Alam kong dyan sa langit ay ayos na ang iyong paningin. Sana’y samahan mo ang mga anghel upang kami’y bantayan at gabayan.”

Lalong naiyak si Caloy marahil sa narinig na mga sinabi niya para sa kanilang kaibigan. Lahat naman ng iyon ay totoo at galing sa kaibuturan ng kanyang puso. Bakit nga ba ang saklap ng buhay? Kung minsan ay hindi naipararating sa mga taong mahal natin at importante sa atin kung ano ang halaga nila sa ating mga buhay. Nasasabi lang kung kailan wala na sila. Kung kailan hindi na sila makakaganti pa ng mahigpit na yakap.

Kahit katirikan ng araw ay hindi umalis si Caloy sa pagtao sa puntod ni Liza. Inabutan na nga ito ng payong ni Ruby eh. Nakapagluto na rin sila ng pagkain upang kainin. Inabot na sila ng hapon. 

Kapansin-pansin ang hindi pagsama sa kanila ni Prances. Kumuha ito ng pagkain matapos nila makakaing lahat. Nais niya itong kausapin pero hinayaan muna niya itong mapag-isa. Baka magdulot ng trauma rito ang mga naganap kanina. Sinusundan niya lang ito ng tingin. Labis siyang nag-aalala sa babaeng pinakamamahal.

Pasado alas kwatro na ng hapon nang lapitan siya ni Ruby. 

“Myrna pwede ka bang makausap?” tanong nito. 

“Sige lang Ruby.” Tugon niya rito.

“Anong susunod nating plano? Alam kong mahal na mahal ni Caloy si Liza pero kailangan na nating kumilos. Bumalik na tayo ng Baguio Myrna. Iligtas natin ang kapatid ko.”

“Hindi ba’t desisyon ng kapatid mong sumama?’ ito naman ang tinanong niya.

“So anong ibig mong sabihin? Hindi natin ililigtas ang kapatid ko? Pababayaan nalang natin siya ganon ba? She just made that decision dahil nahihiya siya sa mga nagawa niya. That was just an impulsive decision. Hindi na niya iniisip ang mga ginagawa niya.” Naging emosyonal naman ito kaagad bilang reaksyon sa kanyang tanong.

“I’m so sorry Ruby. I’m so sorry kung na-misinterpret mo ang tanong ko. Ang ibig ko lang namang sabihin ay desisyon naman ng kapatid mong si Rona na sumama. Hindi siya sasaktan ni Ralph at ng Team Spider. Maaaring impulsive decision nga ‘yun pero hindi natin alam ang iniisip niya. Sayo na mismo nanggaling noon na matalino at magaling ang kapatid mo. Kailangan mong magtiwala sa kanya.” Tumingin siya kay Caloy. “Sa ngayon ay kailangan na muna nating suportahan si Caloy. Kahit kami ay nagluluksa sa pagkamatay ni Liza. Marami na rin ang pinagsamahan sa Wuhan palang. Tayo ang hindi dapat gumawa ng impulsive decision sa kabila ng mga nangyari sa atin. Hindi pwedeng basta-basta tayo gumawa ng plano at magdesisyon dahil kinuha ang kapatid natin o dahil galit tayo o dahil may namatay sa atin. Ako nga ay nag-aalala pa kay Prances eh. But I need to be composed. Sana ay naiintindihan mo ako Ruby.”

Huminga ito ng malalim. “Kung gayon ay ano na nga ba talaga ang plano natin?”

“Aalis na tayo rito sa La Union pero hindi na muna tayo aakyat ng Baguio. Hayaan na muna natin sila Xavier na mag-mass production ng vaccine upang mapadala ‘yun sa lalong madaling panahon sa mga taong infected sa buong mundo. Sa susunod nating hideout natin paplanuhin ang kasunod nating plano. For now ‘yun na muna habang mabigat pa ang loob ng lahat.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon