Chapter 158: Huling Kahibangan

19 0 0
                                    

Chapter 158: Huling Kahibangan

Hindi maaring magkamali si Myrna sa boses na kanyang narinig sa labas ng cabin. Parang panaginip na marinig iyon sa labas. Hindi pala panaginip. Isang bangungot. At syempre anong ginagawa sa bangungot? Pinipilit gumising para matapos.

Dali-dali nga siyang bumangon at nagtungo sa harap ng cabin. Nahuli na pala siya. Naroon na ang iba pa niyang mga kasama.

"Anong nangyayari?" Tanong niya sa mga 'to.

"M-myrns..." saka tumuro si Prances sa lupa.

Napatakip siya ng bibig sa nasaksihan. Si Xavier ay buhay pa. Pero napakaraming mali sa itsura nito. Gumagapang nalang ito na parang ahas. Ang haba rin nitong tingnan. Tila ba lasug-lasug na ang mga buto nito sa katawan. Nakalabas na rin ang utak nito dahil basag ang bungo nito. May butas pa ito sa tagiliran kung saan paunti-unting sumisirit ang dugo. Kaunti nalang dahil malamang ay halos maubos na 'yun.

"Ang plastic mo Myrna!" Sigaw nito sa kanya. Sa sitwasyon nito ay ito pa talaga ang may ganang sigawan siya. "May patakip-takip ka pa ng bibig dyan! If I know ay gusto mo naman ang nakikita mo ngayon eh!"

"Ay kung ako ang tatanungin Xavier, sobra akong natutuwa! Gustung-gusto ko ang looks mo. Hahaha! Ang cute! Parang ahas na pinaghahampas." Si Ruby ang tumugon. "Anong klaseng karma ang nangyari sayo? Karma na yan sa ginawa mong pagpatay sa lahat ng empleyado mo sa Techno Bio Lab. Hayop ka!"

"Ang daming taong namatay dahil sayo. Ang iba pa sa kanila ay mga mahal namin sa buhay." Dugtong naman ni Caloy.

"Kung 'yan ang karma mo ay buti nga sayo." Hindi na rin nakapagpigil si Red.

Lumapit na siya rito. Ngunit siniguro niyang may distansya pa rin upang hindi siya makanti nito. "Anong nangyari sayo Xavier? Patay ka na dapat hindi ba? Tumalon ka sa penthouse ng Heaven's Palace. Paano ka..." bigla siyang may naisip na dahilan kung bakit buhay pa ito. "Ang virus of immortality. Nagawa mo na ang virus of immortality."

"Oo putang ina mo!" Sigaw nito sa kanyang harapan. "Ginigigil mo ako Myrna eh! Pinag-away niyo lang kami ni Jonathan! Tapos ay pinatay niyo rin siya! Winasak niyo pa ang palasyo ko! Hayop kayo! Putang ina niyo!"

"Ibang klase ka talaga Xavier." Napailing siya. "Sa lahat ng nasa sitwasyon mo ay ikaw ang may ganang mang-away pa no? Imbes na magdasal ka sa totoong Diyos na nasa langit na sana ay bigyan ka pa ng himala. Sana ay mawalan ng bisa ang virus of immortality sa iyong katawan para mamatay ka nalang ng payapa. Hindi 'yung ganyan na buhay ka nga pero ang katawan mo naman ay sumusuko na. Hindi mo na magagamit pa."

"Pwe! Magdasal? Ako ang Diyos! So sa sarili ko rin ako magdadasal!" At talagang nabalot na nga ito ng kasamaan.

Lumapit na rin si Prances. "Ngayon ko lang sasabihin 'to Xavier pero hindi ka lang demonyo no? Tanga ka pa. Mas walang kwenta ka pa ngayon kay Jonathan. Siguro kung hindi mo sinarili ang tungkol sa virus of immortality at binahagi 'yan kay Jonathan, baka natsambahan niyang makabuo ng perfect formulation para gamitin 'yan. Baka hindi ganyan ang epekto niyan. Immortal ka nga pero inutil ka naman."

"Wag na wag niyo akong ikukumpara kay Jonathan! Siya lang ang walang kwenta! Siya lang!"

"Iwan ka na namin dito ha?" Saad ni Myrna. Wala na rin kasi talagang silbi na makipag-usap pa kay Xavier. Sa lagay nito ay pinarusahan na nga ito ng langit. Nag-effort pa man din silang hanapin ang dokumento ng virus of immortality. Ganito naman pala ang epekto sa mga tao. Kahit sino ay hindi na gugustuhing maging immortal. "Uulitin ko Xavier. Pwede ka pang humingi ng patawad sa Diyos na nasa langit. Baka sakaling kusa niyang kitilin ang buhay mo."

Papasok na sana silang lahat sa cabin nang biglang nagtatakbo si Red. "Aaaaaah! Bibigyan kita ng pabor! Papatayin na kita! Para tuluyan ka ng matapos!" Sigaw nito na may hawak na itak. At winasiwas nito ang itak hanggang sa putulin nito ang ulo ni Xavier. Humiwalay na nga 'yun sa katawan nito.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon