Chapter 76: Virus of Immortality
Lumabas na ng lab si Carmela. Yes. She was homophobic. This was her real story not told by other characters or people. This was her truth. Mahal na mahal niya ang kanyang ina dahil binuhay siya nito sa kabila ng trauma nang ipagpalit ng ama sa ibang lalaki. Sila mismong mag-ina ang nakahuli sa kanyang ama habang nakikipagtalik sa akto sa kalaguyo nito. Napatay ng kanyang ina ang dalawa. Sa kanyang harapan. Hindi man niya aminin pati siya ay nagkaroon ng dobleng trauma sa mga nangyari. She saw her dad cheating on her mom to another man and she saw her killing them. Nagkalat ang dugo. May mga tumalsik pa sa kanyang mukha.
Nakulong ang kanyang ina. Kahit na nasa kulungan pa ito ay binuhay siya nito. May mga detention center pa noon sa Plipinas lalo na sa mga babae na pwede ang mga anak. Halos lumaki na rin siya sa kulungan. Doon nag-aral manahi at maghabi ng kung anu-ano ang kanyang ina para may maipangtustos sa kanya. Doon na rin siya simulang nag-aral. May mga teacher din kasi na nakakulong at boluntaryong nagtuturo sa loob. Tumagal din sila ng dalawang taon sa kulungan. Nakalaya ang kanyang ina dahil sa artikulo 247 ng Pilipinas sa revised penal code. Sinasaad ng batas na kapag nahuli mo ang iyong asawa at ang kabit nito sa akto ng pagtatalik at napatay mo sila ay wala kang sala. Natagalan ang pagbaba ng desisyon dahil lalaki raw ang kasama ng kanyang ama. Baka magkumpare lang na nalasing. Magkumpareng nakahubad at nagtatalik? Iba rin! She was very sarcastic about it kapag naaalala niya.
Nang makalabas sila ng kulungan ay patuloy sa pagkayod ang kanyang ina. Kung anu-anong trabaho ang pinasok nito. Nagtagumpay naman ito dahil napatapos siya ng kolehiyo. She was bullied dahil anak daw siya ng isang bakla at mamamatay tao. Hindi iyon naging hadlang kay Carmela. All she ever wanted was to give the best life to her dearest mother. To make her happy. Hindi naman siya nabigo dahil matapos niyang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Mass Communication ay umariba na ang kanyang karera. She became of the best Public Relation experts ng mga private and government institutions. Ang pinakamalaking bagay sa kanyang resume ay nang magtrabaho siya sa isang malaking TV station sa Pinas as PR Head. Hindi pa roon natapos nakapunta pa sila sa Australia at doon nanirahan para sa kanyang PR director stint Pacific Lab – Sydney. Sa laki ng kanyang kita ay napatayo niya ang dream house nilang mag-ina. Nabigay niya ang mga gustong pagkain, damit at iba pang luho nito. Nakapag-travel sila sa loob at labas ng bansa.
But time flew so fast at habang umaandar ang oras at panahon ay tumatanda hindi lamang ang edad ng isang tao kundi maging ang pangangatawan nito. Senior citizen na ngayon ang ina ni Carmela. Marami na rin itong iniindang sakit dulot ng katandaan. Marahil dahil masyado rin nitong inabuso ang pangangatawan. Pero bago pa ito dumating sa ganoong edad ay fear na niya na mawala ito sa kanya. Lahat naman yata ng anak na malapit sa kanilang ina ay iyon ang kinakatakutan eh. Lalo pa kung solong anak lamang.
Until one day narinig niya sa isang close door meeting sa Pacific Lab ang pitch ni Xavier sa isang virus na binabantayan ng kanilang laboratoryo. She got really curious.
“This virus is the future. It can extend the life of human beings specially the elderly and those with severe diseases. It can also lead to immortality of human. I’m still confirming it’s existence and possible configurations and mutations make it an active virus…”
Iyon ang eksakatong narinig niya. Hindi niya iyon kailanman malilimutan dahil napakahalaga noon sa kanya. Tila isa iyong malaking susi na nagbukas ng pinto upang matugunan ang dilemma niya tungkol sa nauupos na kandilang ina.
“Xavier.” Tinawag niya ito matapos ang meeting. Hindi Boss X ang tawag niya rito noon dahil magka-level lamang sila. “Gusto sana kitang makausap.”
“Ano ‘yun Carmela?” tanong nito.
“Tungkol ‘dun sa sinabi mong virus. I want to have that.” Diretsahang sinabi niya rito.
Ngumiti muna ito. “Wala pa Carmela. Wala pa. Someday. Someday.” Iyon ang ilang salitang naging tugon nito.
Few years later nang makita niya sa news na sinasabi na ni Xavier na siya ay isang buhay na DIyos at ang nasa likod ng Desire V-30 virus ay muli siyang nabuhayan ng loob. This time ay senior citizen na talaga ang kanyang ina at marami nang masakit sa katawan. Bilang PR expert ay dali-dali niya itong hinanap. Kinontak. Nag-volunteer upang maging PR head nito. Hindi naman siya nabigo. Nakapasok siya sa Heaven’s Palace. Nalaman din niya ang mga plano nito. Ang virus na kayang magpa-immortal sa isang tao nga ang end goal ni Xavier. Ngunit hindi iyon para sa lahat. Para sa kanila lang na matataas na bahagi ng kulto nito. Para habang buhay silang mabuhay. Para habang buhay na maghari sa mundo at sa pananakop dito. Well, on her case it was for her mother.
And now she knew the dirty little secret of Xavier and Jonathan. Ang kababuyang ginagawa ng mga ‘to. Bumalik lahat ng inis at galit niya sa mga lalaking nagtatalik. Kahit naghahalikan lang ang mga ‘to ay bumalik ang imahe ng kanyang ama at ng kalaguyo nito noong nakita niya noong bata pa siya. Yes, it happened when she was still a child but the image was so clear. Now she decided to leave the position in the Heaven’s Palace. Alam naman niya sa simula palang na huwad at Diyos-Diyosan lang si Xavier eh. Kung makakaimbento ang ibang mga bansa ng vaccine laban sa Desire V-30 virus mula sa secret files nito ay possible ring mabuo ang virus of immortality. Dapat lang na mapunta iyon sa kamay ng mga tamang tao. At wala siyang pakialam kung kanino mang kamay ‘yun. Ang mahalaga ay magkaroon siya ‘nun upang maibigay sa kanyang ina.
“Carmela!”
Napatigil siya sa paglakad nang tawagin siya ni Jonathan. Tila sinundan siya nito. Huminto siya. “Wag mo akong kausapin. Buo na ang desisyon ko. Wala akong metal sa katawan kaya hindi niyo ako makokontrol.”
“Sandali lang naman may nais lang akong sabihin sayo.” Dinig niya ang yabag ng pa anito na palapit sa kanya.
Humarap siya. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil may hawak itong malaking syringe. Isinaksak nito ang karayom sa kanyang leeg hanggang sa siya ay nawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...