Chapter 73: Chi at Ber
"Chi?"
Pagkakita palang ni Chichay kay Yberr ay bumalik lahat ng feelings niya para rito. Cecillion ang kanyang tunay na pangalan. Chichay ang palayaw at tawag sa kanya ng karamihan. Tanging si Yberr lang ang tumatawag sa kanya ng Chi. Nang marinig niya ang boses nito na tinuturan ang kanyang ngalan ay parang may kung anong nagpalambot na naman sa kanyang puso.
Naalala ni Chichay ang naganap isang linggo bago niya malamang nobyo na pala ni Yberr ang kapatid ni Myrna na si Manolo.
"Mahal kita Chi." Biglang saad ni Yberr habang kumakain sila sa isang fine dining resto. Dinner 'yun. Ang kanyang matalik na kaibigan mismo ang nag-aya. Libre rin nito. Celebration daw nila iyong magkaibigan para sa gumaganda nilang career bilang IT expert at celebrity stylist respectively. Sobrang saya ni Chichay para sa kanila. Lalo na para sa kaibigan at lalaking lihim na minamahal.
Alam niyang mahal siya nito bilang isang kaibigan. Ngunit kailanman ay hindi ito naging vocal tungkol doon. He just felt it because he was showing it. Ito na ba ang kanyang pinakahihintay? Na-fall na rin sa kanya si Yberr?
"M-mahal..."
Kokompirmahin palang sana niya ang sinabi nito ngunit sa tagal niyang napatulala upang i-process 'yun ay pinutol na siya nito.
"Kain na tayo Chi. Lumalamig na 'tong mga in-order ko para sa atin oh. Kumain ka na. Para sayo talaga ang lahat ng 'yan. Deserve mo 'yan dahil balita ko ay ikaw ang mag-style 'dun sa sikat na actress di ba? Kay Maine Bernardo?"
Napatango nalang siya. Sinimulan na niyang i-enjoy ang kanyang pagkain habang umaapaw ang kilig na kanyang nadarama.
Buong linggong inisip ni Chichay ang "I love you" na iyon ni Yberr para sa kanya. Naisip niyang siya na ang magtapat dito. Alam naman niyang closet gay si Yberr eh. Siya nga lang ang nakakaalam 'nun eh. Wala pa itong naging boyfriend ever. Parang wala rin sa bokabularyo nito ang mag-boyfriend. Oo nga't pusong mamon din ito katulad niya pero ang resistance nito sa boy to boy relationship ay mataas. O baka siya nalang talaga ang hinihintay nito.
Isang linggo niyang pinaghandaan ang sunod nilang pagkikita. Sinabihan niya ito kaagad na siya naman ang manlilibre at may importante rin siyang sasabihin dito. Pumayag naman ito. Tila excited pa nga ito na muli silang magkikita. Ramdam niya sa boses nito sa phone nang tawagan niya ito ang excitement. Kahit maliliit na gestures ni Yberr ay alam na ni Chichay ang ibig sabihin.
Upang paghandaan ang gabi ng kanyang pagtatapat sa matalik na kaibigan ay bumili siya ng favorite chocolate brand nito. Nagpa-customize pa siya ng cake. Um-order siya ng stuffed toy ng paborito nitong Pokemon character na si Charmander. Pati mamahaling necklace ay meron din siyang binili. Ang disenyo 'non ay computer keyboard na hindi basta-basta desenyo para sa isang pendant. Ang kanilang dinner ay sa isang fine dining resto rin ng isang five-star hotel. May pina-set up din siyang violin na maghaharana sa kanila. Parang marriage proposal lang talaga ang peg na magaganap sa gabing 'yun.
Mabilis na lumipas ang pitong araw. Pormadong-pormado si Chichay with his white fitted polo and pants. Lalaking discreet ang kanyang porma para hindi naman mailang si Yberr. Gwapo. Macho. Lalaki kasing manamit ang closet niyang kaibigan. Hindi mababakas ang pagiging bading nito. Matalino pa ito at mabuting tao kaya naman hulog-hulog na siya. Matagal na. Nakahanda na rin sa resto ng hotel ang lahat ng kanyang pinamili upang ibigay kay Yberr. Finally, from childhood friends to best of friends ngayon ay magtatapat na siya ng lihim na pagtingin sa kaibigan. Malaki ang posibilidad na magiging mag-boyfriend na sila.
Natanaw na niya si Yberr na papasok sa loob ng resto. May kasama ito. Isa ring gwapong lalaki. Magandang pumorma at maayos ang pangangatawan. Never niya pa itong nakita. Baka nakita lang ito ni Yberr sa hotel. Isang dating kakilala. Hindi na siya nag-isip ng kung anu-ano pa. Kailangan niyang mag-focus sa kanyang pagtatapat. But the weirdest part ay nang kasama pa rin nitong pumasok ang lalaki sa loob ng resto.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
