Chapter 94: Best Friend
"P-panginoong X." Pinuntahan ni Chichay ang kanyang huwad na Diyos sa opisina nito. Lumuluha siya. Halos pagsakluban siya ng langit ng lupa. Nanghihina siya. Naguguluhan. Tila masisiraan na siya ng bait.
"Chichay? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit puno ka ng dugo sa katawan mo?" Puna nito habang nasa may mesa nito kausap si Ralph, ang bagong kanang kamay.
"Panginoong X. Napatay ko po si Yberr! Napatay ko ang best friend ko. Napatay ko ang lalaking pinakamamahal ko! Panginoong X! Buhayin niyo po si Ber! Buhayin niyo po siya." Then he broke down. Napaluhod nalang siya. Labis na nanghihina ang kanyang tuhod.
Lumapit ito sa kanya habang tulak ni Ralph ang wheelchair nito. "Tahan na Chichay. Tahan na. Wala kang ginawang masama. Iyon ang kalooban ng iyong buhay na Diyos. Iyon ang kalooban ko. Namatay si Yberr dahil traydor siya. Niloko niya tayo. Lalo't higit ay niloko ka niya. Pinaasa. Ginamit. Hindi ka niya minahal kailanman. Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang kalooban ng iyong buhay na Diyos. Magpahinga ka na muna. Ipahinga mo na muna ang iyong puso't isipan. Wag mo na itong masyadong isipin pa. Ginawa mo lamang ang tama."
Pinakalma siya nito. Para siya nitong hinipnotismo. Tumingin siya sa mga mata nito. Kaagad siyang sumang-ayon sa mga tinuran nito. "Tama ka po Panginoong X. 'Yun ang nararapat kay Ber. Niloko niya kayo. Niloko niya ako. Ginamit. Pinaasa. Dapat lang siyang mamatay. Dapat lang siyang maranasan ang ganoong klase ng kamatayan. Hindi ako dapat mabahala sa nagawa ko dahil ginawa ko po 'yun para sa inyo Panginoong X. Tinapos ko lang po ang buhay ng isang tao na tumataliwas sa inyong mga utos. Marami pong salamat sa magagandang salita Panginoong X." Yumukod siya rito.
"Walang anuman Chichay. Natutuwa akong naliwanagan na ang iyong isipan. Ngunit kailangan mo pa ring magpahinga. Kailangan mo munang ipahinga ang iyong puso't isipan." Huminto ito. "Teka nga pala. Nasaan na ang bangkay ni Yberr?"
"Inutusan ko po ang mga taga-Team Spider na itapon ang katawan niya. Sila na po ang naglinis ng maduming katawan at dugo ni Ber." Tugon niya rito.
"Magaling Chichay. Kung gayon ay maaari ka nang humayo."
"Salamat po muli Panginoong X." Tumalikod siya rito. Nang nasa labas na siya ay narinig niya pa ang usapan ng dalawa.
"Hahahaha!" Malakas na tumawa ang kanyang pekeng Panginoon. "Patay na si Yberr! Pinatay pa siya ng matalik niyang kaibigan! Hahaha! Nabawasan na naman tayo ng kaaway. Mabuti nalang at nakuha ko na ang kailangan ko sa kanya sa pag-program ng microchip. Hahaha!"
Nang lumalim na ang gabi ay palihim na tumakas si Chichay sa Heaven's Palace. Alam niya ang mga spot ng CCTV cameras na may blindspot o 'yung mga bahaging hindi nakukuhanan. Nagtungo siya sa Burnham Park. Sa lawa kasi ng dating tourist spot ang ginawang tapunan ng bangkay ng mga namamatay sa Desire V-30 virus. Doon niya rin pinatapon ang katawan ni Yberr. Ngunit mahigpit niyang habilin na wag itong ilagay sa mismong tubig ng lawa bagkus ay sa isang malaking pine tree. Kaibigan niya pa rin ito kaya ayaw niyang masama ito sa katawan ng mga namatay sa virus.
"Yberr! Yberr! Ber!" Pagtawag niya rito. Dahil ang totoo ay buhay pa si Yberr. Hindi naman niya ito pinatay. Hindi niya 'yun magagawa sa matalik na kaibigan at lalaking kanyang pinakamamahal. Oo nga't binaril niya ito sa tagiliran noong kaharap nila ang Panginoong X pero nagpaputok lamang siya nang nasa basement na sila upang palabasing patay napatay niya ito.
Naalala ni Chichay ang tunay na naganap sa basement.
".... pero wala akong planong lokohin ka Chi. I'm always waiting na magbabago ka. Mahal naman kasi talaga kita eh. Mahal kita bilang isang kaibigan. Sobra akong nasasaktan ngayon na nagkaganito ka. Nadudurog ang puso ko."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...