Chapter 152: Mga Imahen
Matagal ng alam ni Myrna na patay na si Carmela. Magmula noong hindi na ito ang nagpapakita bilang head ng PR tean ni Xavier ay malaki na ang kanilang duda. Isa pa ay napunta rin sina Ruby at Yberr sa Heaven’s Palace at kahit papano ay may alam sila sa mga nangyari. Lalo na si Ruby. Naroon siya noong unang nadiskubre ang zombie infection nang sinubukang likhain ni Jonathan ang vaccine para sa Desire V-30 virus ngunit patuloy itong nabigo. Hanggang sa aksidenteng ang zombie infection ang nabuo nito. Minabuti nilang ilihim nalang muna ang katotohanan kay lola. Matanda na rin naman ito. Masakit mang isipin, baka isang araw ay sundan na rin nito ang anak na si Carmela sa dako paroon. Nasa gitna pa sila ng pandemya at infected na rin ito. Hindi makakabuti rito ang pag-aalala at ang labis na kalungkutan.
“P-patay na si Carmela?” bigla nalang napaupo sa sahig si lola. Kagyat naman itong nilapitan at niyakap nila Romina at Donita. “Kaya pala hindi na siya nagparamdam sa akin. Dati-rati ay lagi siyang tumatawag. Dati-rati ay personal pa siyang nagpupunta rito para lang makasama ako. Para dalhan ako ng pagkain, gamot at ng lahat ng kailangan ko. Ang alam ko kahit na nagtatrabaho siya para sa pekeng Diyos na ‘yun ay maka-Diyos pa rin siya. Sa tuwing narito siya ay sabay pa rin kaming nagdarasal. Sabay naming hinihiling sa mahabaging Diyos na nasa langit na sana ay matapos na ang pandemyang ‘to. Pinilit ko siyang paalisin na roon pero wala akong nagawa. May kailangan pa raw siyang makuha kay Xavier kaya siya nananatili roon. Para sa akin din daw ‘yun. Tapos ngayon malalaman kong wala na siya! Ginawa pa nilang unang zombie! Binaboy niya ang anak kooooooo!”
“Tama na po lola. Tama na po.” Pagpapatahan dito ni Romina. Gagawin po ng buong team na ito upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Carmela. Hindi po iyon masasayang.”
“Maraming salamat apo. Maraming salamat. Matanda na ako. Hindi ko kayo kukunsintihin na maghiganti. Pero kung hustisya ang pag-uusapan ay susuportahan ko kayo. Basta Romina at Donita, mag-iingat kayo. Kayo na ang nagsilbing mga anak ko sa tuwing magkalayo kami ni Carmela. Sana ay magkasama na kami sa lalong madaling panahon.”
“Wag niyo pong sabihin ‘yan lola.” Sambit ni Donita. “Napakarami niyo na pong pinagdaanan. Napakarami niyo na pong nakita sa buhay ninyo. Deserve niyo pong makita na matapos ang pandemyang ito.”
Hindi pa man din kumakalma si lola at ang sitwasyon sa sala ng cabin ay isang hindi inaasahang bisita ang dumating. Si Joaquin…
“What are you doing here Joaquin?” tanong dito ni Myrna.
“It seems that you don’t want to see me here? After what we’ve done to irradicate Xavier.” Tugon nito na may halong pagdududa.
“I’m just surprised that you’re here. As you can see it’s a very emotional moment.”
“Okay fine. I know that you already talked to Joey regarding the last phase of the mission. Please be in a hurry. I don’t want my brother to be around that Jonathan for a long time. I have a bad feeling that he’ll do something terrible to my brother. Make sure that after two days, the plans will be executed properly and successfully.”
“That’s what we’re looking forward too. We want this to end.” Tugon niya.
Lumapit naman ito kay Chichay. “I’m so glad to see you here. I’ll be watching over you. Remember that.” Tila may binulong pa ito. Tapos ay umalis na rin ang pinuno ng Team Spider.
Matapos mapakalma nila Romina at Donita si lola ay kinausap naman nila Yberr at Manolo si Chichay.
“Sorry talaga kung hindi ako nakapagpigil kanina. Hindi ko naman alam eh.” Kaagad na humingi ng tawad si Chichay.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...