Chapter 59: Dapat Totoo

13 1 0
                                    

Chapter 59: Dapat Totoo

Sa pagpapatuloy ng livestream sa Vlgadag vlog nila Myrna ay katotohanan lamang ang nangibabaw. Dapat totoo. Hindi sila nagkamali dahil sa unang hakbang palang nila pagkapasok sa village ay nasaksihan na nila ang epekto ng Desire V-30 virus. Nakuhanan din nila iyon live na live.

Ang mga damo ay itim na. ang mga halaman sa paligid ay nangingitim na rin. Ang mga puno ay hindi na bumubuga ng sariwang hangin. Bumabagsak na sa lupa ang itim na mga dahon sa mga ‘to. 

“As you can see everyone, all plants are dead. They are also infected by Desire V-30 virus. They turned black and dies after being infected by the virus.” Saad ni Myrna as background voice sa video.

Nagpatuloy sila sa paglalakad sa village. Malapit na sila sa unang bahay sa village nang salubungin sila ng mga hayop. Pets ang mga ‘to. Mga aso’t pusa. Namumula ang mga mata ng mga ‘to. 

“Guys I know they’re pets and so cute. But as you can see their eyes are so red. You can also hear weird growls from them. These cute pets are also infected. They will attack us any moment. They are not on their right might. The next thing that you’ll going to see will violate the rules against animal cruelty but we need to save ourselves.”

Saka nag-step forward sina Red at Martin.

“Mga ka-vlogadag! Kami na ang bahala ni Red Riding Hood dito! Sisiw lang ‘to.” At may lumitaw pa ngang mga sisiw at manok na tila infected rin matapos sabihin iyon ni Martin. “Pakshet mga ka-vlogadag! Pati sisiw infected nga!” sinimulan nitong ihanda ang espada. 

Ayaw sanang tingan ni Myrna ang mga sumunod na pangyayari pero wala siyang choice dahil ansa kanya ang camera para sa kanilang livestream. Kinalaban nila Red at Martin ang mga hayop. Napakabilis kumilos ng mga ‘to. Mabuti nalang makalipas ang ilang minute ay naubos na baril at espada ni Red at Martin ang mga hayop. 

“I’m sure a lot of you were saddened by what happened. I’m really sorry but we need to do that to save ourselves. Hopefully no more animals and pets will be infected. Protect your pets. Protect the animal kingdom. By the way, if you want to control animals that are infected you can play or generate a high frequency sound. As long as the sound is playing you can control the infected animals. I think we can find a cure for them through sound. ”

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa narating nila ang unang bahay. May isang Chinese na babae na lumabas.

“Tulong-tulong!” naiintindihan nila ito dahil suot pa rin naman nila ang isa nilang earbuds at naka-activate ang kanilang translator app. “Tulungan niyo ako! Ayoko pang mamatay! Ngayon ang thirtieth day of infection ko!”

Humakbang sila patalikod. “This woman said that it’s her thirtieth day of infection. I know that you already know this already. She will die because of her desire at this moment.” She paused saka niya muling binaling ang atensyon sa babae. “What’s your desire?” tanong niya rito.

“Ang desire ko ay ang pinagawa kong suso para sa aking asawa. Hahaha!” saka ito naghubad ng suot na damit. Walang anu-ano’y dinukot nito ang naglalakihang dibdib mula sa dibdib nito. Lumayo pa sila lalo dahil nagtatalsikan ang dugo mula sa dibdib nito. Wala rin itong tigil sa pagtawa habang pinaglalaruan ang mga hamak na dibdib. Napakaraming dugong lumalabas sa babae. Hanggang sa unti-unti itong namutla at nawalan ng buhay. 

Nanginginig na ang mga kamay ni Myrna sa unang infected na na-encounter palang nila. Hinawakan iyon ni Prances upang siya’y alalayan. “Kailangan nating tumuloy Myrns. Five hundred million na tao mula sa buong mundo ang sabay-sabay na nanunuod sa atin ngayon. Nabasa ko rin sa comment section na pinapalabas na rin tayo sa mga telebisyon ngayon kabilang sa Pilipinas. Kailangan nating magpatuloy.”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon