Chapter 133: Pagkagat

4 1 0
                                    

Chapter 133: Pagkagat

"A-anong gagawin mo sa zombie?" Nauutal na tanong ni Rona kay Joey.

Napangisi siya. Alam niyang nag-aalala pa rin ito sa ate nito. "Kailangan ko ang zombie para sa gagawing pagsugod. Isang zombie lang ay sapat na."

"Kahit lahat pa ng zombie na meron tayo ngayon dito sa Diplomat ay ipapadala ko sayo kung masisigurado mo lang sa akin na mapapatay mo sina Myrna at Prances." - Jonathan.

"Okay na po ang isa. Kung makakagat naman sila ng isang zombie na kasama ko ay magiging zombie na rin naman sila hindi ba? Isa pa, hindi basta-bastang zombie ang dadalhin ko. Dapat ay may kinalaman sa kanila. Para mas matindi ang sakit na maidudulot sa kanila habang inuubos sa kanila." Mas lalong lumawak ang pagngising nakapinta sa kanyang mga labi.

"S-sinong zombie ang gusto mong isama?" Patuloy ang pagkautal ng namumutlang si Rona.

"Wag mong sabihing si Rona?" Mabilis na tanong ni Jonathan. "Wag na wag mong kakantiin ang kaibigan ko! Kahit na kasama nila Myrna ang ate niya ay hindi pwedeng saktan at gawing zombie ang kaibigan ko!" Hindi niya alam kung sarkastikong saad lang ba 'yun ni Jonathan o nagpapahiwatig talaga itong si Rona nalang ang kanyang isama bilang zombie.

"Seriously Jonathan?" Iritableng reaksyon ng babae. "You sounded as if you insinuating that he can use me. Seryoso ba 'yan?" Nakahalata rin ang babae.

"Wag na kayong magtalo. Hindi si Rona ang tinutukoy ko. Mayroon pang isang tao rito sa Diplomat Hotel na may kasamahan doon sa cabin."

"Sino?!" Sabay na tanong ng dalawa.

"Baka gusto niyo na munang makausap ang pinuno namin sa loob? 'Yun ang unang pruweba ko hindi ba?"

Pinatuloy na nga siya ng mga 'to. Bago tuluyang makapasok ay hinigit siya ni Rona.

"Ipinagtanggol kita kay Jonathan sa kabila ng kung anu-anong pinagsasabi mo sa akin at pagbuo ng pagdududa sa akin. Bakit kailangan mo pang idamay sila ate roon sa cabin? Kung totoo ang mga sinasabi mong grupo sa loob ng Heaven's Palace na nais tumiwalag kay Xavier ay hindi mo na kailangan pang idamay sina ate Ruby at sina Myrna at Prances. You can actually prove that you're telling the truth."

"Bakit masyado kang defensive? Gets ko na nag-aalala ka sa ate mo dahil ate mo pa rin 'yun. Pero bakit parang pati kina Myrna ay nag-aalala ka?"

"It's none of your business. Bawiin mo ang sinabi mo kay Jonathan. Prove yourself sa ibang paraan or else tatawagan ko si ate Ruby at sasabihing may papunta sa kanila na may kasamang zombie."

"Wag kang mag-alala Rona. Kung spy ka lang nila Myrna rito kay Jonathan ay wala akong pakialam. Wag mong sirain ang mga plano ko. I'm telling you, kapag na-survive nila Myrna at ng ate mo ang plano ko ay para rin sa ikabubuti nila 'yun. Magtiwala ka lang. Wag mo nang tangkain na tumawag at sirain ang mga plano ko. Recorded ang lahat nang napag-usapan natin. Ibibigay ko ang recording kay Jonathan sa oras na magsumbong ka sa ate mo o gumawa ka ng hindi naaayon sa plano."

"How dare you?! Paano kita pagkakatiwalaan kung kahit ang pag-uusap natin ay ni-record mo?" Kulang nalang ay sampalin siya nito.

"Trust me Rona. Trust me. Ayoko lang masira ang mga plano ko. Kung magaling talaga ang grupo nila Myrna at Prances ay makakagawa sila ng paraan sa paglusob namin doon ng kasama kong zombie. Magtiwala ka nalang at wag mong sirain ang mga plano ko, kung ayaw mong masira ang mga plano mo."

"Ano pang ginagawa niyong dalawa dyan?" Bumalik si Jonathan upang sunduin sila.

"Ah kinokontak ko lang po si Sir Joaquin. Ang tunay na head ng Team Spider." Saka niya kunyaring hinawakan ang kanyang phone.

"Ang pinuno ng Team Spider? Ibig mong sabihin Team Spider ang titiwalag kay Xavier?"

"Ganoon na nga po. Malaki ang maitutulong ng Team Spider sa inyo. Kami na ang bahala sa lakas ninyo. Kapag kakampi niyo na kami ay mas mapapadali ang pagpapatalsik kay Xavier. Kung nais mo rin pong pumalit sa kanyang pamumuno sa buong ay pwedeng-pwede. Ang Team Spider ay parang militar na ng palasyo. You know you have the power kung nasa panig niyo kami."

"Hahaha! Magaling! Magaling! What's your name nga pala?" Tanong ni Jonathan.

"Ako po si Joey."

"Nice to meet you Joey! Nice to meet you. Let me talk to Joaquin na."

Tinawagan na nga niya ang kapatid. May script na sila sa magaganap na pag-uusap. "Hello Joaquin. Jonathan wants to talk to you." Saka niya inabot ang phone dito. Naka-loud speaker 'yun. "Hindi po siya nakakaintindi ng Tagalog. English po sana."

"Hello Joaquin. Are you the head of Team Spider?" Agad na paninigurado ni Jonathan sa kanyang kapatid.

"Yes. I am the real head of Team Spider's persona. Please believe to Joey. We will do everything to be on your side. Xavier and the other heads of Heaven's Palace are getting weaker. They just wanted power without any concrete plans. We cannot let that happen. Team Spider is living for money that's why we are the biggest human trafficking group in the world. I think you can help us on that part Jonathan. Let's control the world. You control the world and just give us a considerable amount of money."

"You know what I like you Joaquin! Hahaha! I like you! I will no trust you and your guy here. Hahaha!" Sa wakas ay nakuha rin nila ang tiwala nito. Mukhang pera at kapangyarihan lang din talaga ito. Konting bolahan pa at natapos na ang usapan ng dalawa.

"Kung nagtitiwala ka na sa kanila Jonathan ay okay na 'yun. Tama ba? Wag na nating pakialaman sila Myrna doon sa pinagtataguan nila. Kapag ikaw na ang pinuno doon sa palasyo saka nalang natin sila sugurin. Baka pumalpak pa itong si Joey. Mabawasan pa tayo ng tao mula sa Team Spider." At talagang inilaban pa rin ni Rona na wag nang ituloy ang kanyang pagsugod sa cabin.

"Hindi Rona. Tuloy ang pagsugod ni Joey. Nagtitiwala na ako sa kanila pero maganda ang plano niyang sumugod. Hayaan natin siyang mas patunayan ang kanyang sarili. Sino ba ang gusto mong zombie na isama ha Joey?"

"Si Romina po."

"Romina?" Tanong ni Rona. "Paano mo nakilala si Romina? Isa pa, hindi pa zombie si Romina."

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon