Chapter 37: Gulong

15 1 0
                                    

Chapter 37: Gulong

Isang masakit na U-turn ang naganap. May pag-asa pa rin naman hangga’t hindi sumasapit ang ika-dalawampu’t siyam na araw mula sa araw na iyon. Maaari pa ring mabuhay at mailigtas nila Myrna si Red. But that decision was an acceptance that when they took the long road, their friend had more possibility of dying than being saved. Ganoon naman talaga ang buhay walang kasiguraduhan at maraming sakripisyo sap ag-asang magkakaroon pa rin ng maganda kinabukasan.

Dahil malayo ang magiging byahe nila ay muli silang tumigil sa bahay nila Liza. Balak nilang kumain ng tanghalian doon. Nakakagutom ang lahat ng pinagdaanan nila sa araw palang na iyon. Nagluto ng mainit na sopas para sa kanilang lahat si Caloy. 

“Maraming salamat sa masarap na pagkain Caloy.” Words of gratitude ang lumabas sa bibig ni Myrna. “Parang gumaling ako kaagad sa sarap ng sopas mo. Halatang inspired ka. Hindi lang magaling na driver pati cook pa. For sure sweet lover din.” Biro niya rito.

“Gumaling nga ang sugat ko Myrns agad-agad. Hahaha!” pansamantala nilang kinalimutan ang problema. 

Hindi muna nila tinanong si Martin sa tunay na nangyari kay Linda at sa anak nito. Kahit nga ang nangyari nang kumuha ng gulong ang dalawang lalaki ay hindi pa rin nalalahad ng mga ‘to. Nagkasundo sila na mag-break muna sa stress ng mission na iyon for that particular lunch.

Lumabas muna si Myrna upang hatiran ng sopas si Red. Nagpresinta itong manatili sa labas bilang infected ang kaibigan at upang malaman kung may panganib na paparating.

“Mainit na sopas Red.” Saka siya umupo isang metro ang layo rito.

“Salamat Myrna.” Hindi ito nag-atubiling humigop ng sabaw. “Si Caloy ang nagluto?”

“Oo. Halatang in-love ang luto no? Haha!”

“Oo eh. Ganito rin ako kasarap magluto noong buhay pa ang asawa ko. Hindi ko ‘yun makakalimutan. Malinaw pa rin sa alaala ko kahit dekada na ang lumipas.”

‘I’m sorry talaga…”

Hindi siya nito pinatapos. “Tama na ang kaka-sorry Myrna. Naalala ko lang naman. Ganito naman talaga ako. Sa memories ko nalang nabubuhay ang mahal kong asawa.”

Dahil doon ay hindi na niya in-open up ang tungkol sa naging desisyon niya. “Kumusta pala ang epekto ng virus sayo?”

“Day two palang. Nang ma-infect lang ako saka ko naisip ang ilong ko. Ngayon ay wala namang kakaiba.”

“Tama nga ang sinabi ni Marilyn. Dadaan pa ang mga araw na sasaglit lang ang desire mo sa isipan mo pero makakapagpatuloy ka pa rin naman. Pumasok ka na kaya sa loob. Parang wala namang panganib dito sa village ni Liza. Patay na ang pamilya Sy at nagkakaisa naman ang mga tao rito.”

“Kulob sa loob. Mas maganda at mas safe sa inyo kapag naandito lang ako. Don’t worry I’m fine here.”

Ilang sandali pa’y dumating ang lalaking tila bagong pinuno ng village. Natatandaan niya ang mukha nito. “Magandang umaga. Bumalik kami dahil ibang daan na ang aming babagtasin. Kumakain lang kami.” Naka-always on mode na ang kanyang translator.

“Ako nga pala si Mong. Nakita ko ngang bumalik kayo. Narito nga pala ang social media details ko. Kapag kailangan niyo ng tulong ay tawagan niyo lang ako. Handang suportahan kayo ng buong village para sa inyong misyon.”

Kinuha niya ang kapirasong papel na inabot nito. “Maraming salamat Mong. Ako naman si Myrna at siya si Red. Nagagalak kami sa inyong suporta para sa aming misyon.”

Kaagad ding umalis si Wong at nagpaalam na sa kanila. Bago pumasok sa loob ay nag-report na muna siya kay Boss X. Sinabi niya na may duda siyang may mas malaking tao pa paliban sa Pacific Lab at Team Spider na nasa likod ng Desire V-30.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon