Chapter 150: Last Phase
"Papatakasin kita! Ililigtas ko ang buhay mo ngayon. Pumunta ka sa cabin kung saan naroroon sina Myrna at 'yang si Yberr na kausap mo. Alamin mo kung ano pa ang kailangan nila kay Jonathan kung bakit hindi pa nila ito pinapatay ngayong may chance na. Siguraduhin mo lang na malalaman mo ang mga kasagutan dahil kung hindi ako mismo ang papatay sayo. Bata palang ako ay mamamatay tao na ako. Galit na galit din ako sa mga baklang katulad mo. Sisiguraduhin kong maghihirap ka hanggang sa huli mong hininga kapag wala kang nalaman! Naiintindihan mo!"
"O-opo!"
Habang patungo si Chichay sa cabin ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang eksenang 'yun. Pagod na pagod na siya sa paglalakad pababa. Marami na rin siyang sugat sa hita dahil sa talim ng mga halaman at damong kanyang nadaanan sa masukal na bahagi ng kagubatan patungo sa cabin. Hindi niya tinawagan si Yberr. Nais niya ring mapag-isa upang makapag-isip.
"Sana ay ikamatay ko na ang pagod na ito. Napatawad na ako ni Ber eh. Heto na naman ako at tatraydorin siya. Buong grupo pa nila na nais lang iligtas ang buong mundo ang ipagkakanuno ko. Bakit ba napakasaklap ng buhay ko? Bakit ba?" tumingala siya sa langit. "Nandyan pa rin naman po Kayo di ba? Kung mabuhay pa rin po ako at gawin itong pagtatraydor sa matalik kong kaibigan ay Kayo na po ang bahalang magpataw sa akin ng parusa. I'm really sorry po. Sorry kung naging walang kwenta ang buhay ko na ipinahiram Ninyo sa akin."
Nagpatuloy pa si Chichay sa paglalakad. Labis na ang pagod niya. Hindi rin kasi siya nakatulog kagabi dahil sa labis na trauma sa mga nasaksihan. Bibigay na ang kanyang katawan. "Kukuhanin Niyo na po ba ako? Sige lang po. Kahit hindi Niyo na po ako patuluyin dyan sa totoong langit. Basta ipakuha Niyo na po ako. Ayoko na pong makagawa na naman ng masama." Lumabo na ang kanyang mga mata. Mawawalan na siya ng malay. Gayunpaman ay may narinig siyang pamilyar na boses. May naaninag din siyang tao na papalapit sa kanya. Hanggang sa nagdilim na ang lahat.
Pagmulat ng mga mata ni Chichay ay hindi siya makapaniwalang si Yberr ang tatambad sa kanya. "B-ber? Ber ikaw nga ba 'yan? Nasa langit na ba ako?"
"Sa tingin mo talaga sa langit ka mapupunta sa dami ng kasalanan mo sa amin at sa pagkampi mo sa demonyong si Xavier noon no?" si Manolo ang nagbigay ng tugon na 'yun. Kilala siya nito. Ito ang kanyang karibal sa pagtingin ng kanyang best friend.
"Manolo..." pagsuway ni Yberr.
Doon niya napagtantong wala nga siya sa langit. Hindi pa siya patay. "P-paano ako napunta rito?"
"Dinala ka ng mga zombie. Buhat-buhat ka nila." Gayunpaman ay hindi pa rin nagpaawat si Manolo sa pagsagot ng pabalang sa kanya.
"Alam mo ikaw bakla ka, kung masaway mo ako sa pagsagot-sagot ng pabalang at sarcastic pero ikaw din naman eh. Nakita mo lang ang karibal mo sa jowa mo at nagkaganyan ka na. Threatened ka girl?" biro naman ni Ruby.
"Hindi sa ganon no. Marami lang talagang kasalanan sa amin 'yan at sa buong mundo na rin." Saka umiba ng tingin si Manolo.
"'Yung kasalanan sa inyo ay matagal na di ba? 'Yun ang narinig ko. Matagal na rin naman kayo ni Yberr. So hindi ko gets kung ano pa ang pinuputok ng butsi mo dyan. Tapos 'yung sa pagkampi naman niya kina Xavier dati, kung makapag-react ka ay akala mo ikaw ang representative ng mga tao sa buong mundo. Ang OA lang. Kaloka ka!"
"Marami siyang ginawang kasalanan noong nandoon pa siya sa Heaven's Palace! Muntik ng mapahamak si Yberr na best friend niya dahil sa kanya. Dahil 'yun sa hindi niya pag-move on na kami na. Siya ang bitter at hindi maka-move forward. Hindi ako."
"Manalo tama na." muling pagsuway ni Yberr. "You are being so immature sa inaasta mo ngayon. Pwede ba iwan niyo muna kami?"
"Oh lumabas na muna raw tayo." - Ruby.
"Aba oo lalabas tayo. Pero in the first place dapat ay hindi ka pumasok dito no! Infected ka ng Desire V-30 di ba?" - Manolo.
"Naka-PPE naman ako oh. Hindi na nga ako makahinga eh. Gusto ko lang namang makitsismis."
"Tsismosa! Dalian mo at mauna kang lumabas! Social distancing!"
Lumabas na muna ang dalawa sa loob ng silid. Dagling pumatak ang kanyang mga luha. Hindi siya makatingin ng diretso sa kaibigan. Nagpa-flashback ang lahat ng mga kasalanang nagawa niya rito.
"Bakit ka umiiyak Chi?" tanong nito.
"Totoo naman lahat ng sinabi ni Manolo eh, Ber. Dahil sa bitternes ko at sa kabaliwan ko ay kung anu-anong pagkakamali at kasalanan ang nagawa ko. Accessory ako sa pandemyang ito ng mga utak nito. Sobrang makasalanan ko na rin. Nahahanay na ako sa mga demonyong 'yun." Bulalas niya habang lumuluha. "Patawarin niyo ako. Patawarin mo ako Ber. Patawarin mo ako kung dahil sa akin ay muntik ka ng mapahamak at mamatay. Mahal kita. Mahal na mahal. Kabaliwan na dalhin sa kapahamakan ang taong iyong minamahal. Patawad Ber. Patawad."
Niyakap siya nito at labis niya iyong ikinabigla. Napayakap na rin siya rito kahit na nanghihina pa ang kanyang mga bisig.
"Pinapatawad na kita Chi. Alam kong ginawa mo lang ang mga nagawa mo dahil sa pagmamahal mo sa akin. Pero kahit na anong mangyari ay hindi 'non matutumbasan ang lahat ng mga pinagsamahan natin. Nasa gitna pa man din tayo ng pandemya. Hindi pa naman tapos ang laban eh. Tayo-tayong magkakaibigan lang ang magtutulungan. Wag mo nang intindihin si Manolo ah. Kakausapin ko siya. Sana ay maging okay na rin kayo. Inuulit ko pinapatawad na kita."
Mas lalo siyang napaiyak sa mga sinabi nito. All this time tila iyon lang naman talaga ang nais niyang marinig mula rito, na pinapatawad na siya nito. Doon din nabuo ang kanyang pasya na wag sundin si Joaquin sa utos nito. Kasama na niya si Yberr. Alam niyang hindi siya nito pababayaan kahit na may banta pa sa kanyang buhay. Hindi na niya muling sisirain ang tiwala nito at ang pagkakataong ibinigay nito sa kanya.
"Maraming salamat Ber! Maraming salamat!"
Ilang minuto rin silang magkayakap. Hanggang sa pumasok si Myrna na may dalang pagkain. "Nakita ka ni Yberr na nahimatay malapit dito sa cabin Chichay. Nanghihina ka. Kumain ka na muna oh. Si kuya Manolo ang nagluto nito. For sure na-trauma ka rin sa mga pangyayari doon sa Heaven's Palace. Nakita mo ang pagkamatay ni Xavier. Tapos ay nakita mo rin ang mga zombie ni Jonathan."
"Myrna, I'm really sorry ha." Tugon niya rito.
"Ano ka ba? Wala na 'yun. Lahat ng taong taos-pusong nagsisisi ay pinapatawad. Isa pa ay mabuti ka naman talagang tao. Na-in love nga lang kaya nagkandaloko-loko ang buhay." Biro nito. "Kainin mo na muna 'to. Kailangan mong magpalakas. Tapos ay matulog ka ulit. Hindi mo na kailangang sumama sa meeting namin para sa last phase ng mission."
"L-last phase?"
"Oo. Pag-uusapan na namin kung paano susugod sa Heaven's Palace para ibigay ang nararapat na parusa kay Jonathan. Pero bago 'yun kailangan muna naming malaman kung may kopya siya ng mga dokumento ni Xavier ng virus of immortality." Tugon nito.
"V-virus of immortality?"
"Oo. May isa pang lihim na virus si Xavier. Baka kapag napasakamay ni Jonathan 'yun ay gamtin niya 'yun para mabuhay siya ng walang hanggan. Baka hindi na matapos ang pamumuno niya. Magiging literal na buhay na pekeng Diyos siya forever."
![](https://img.wattpad.com/cover/276498223-288-k635001.jpg)
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Bilim KurguAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...