Chapter 16: Buntis
Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Iyon ang twenty- sixth at twenty seventh day of infection ni Marilyn. Walang sawang inoobserbahan nila Myrna at Prances ang kababayan.
Sa ika- dalawampung anim na araw ay wala namang gaanong pinagbago. Ganoon pa rin si Marilyn. Kung kumilos at magsalita ito ay normal pa rin. Ayaw lang nitong malayo sa tabi nito ang bag na naglalaman ng mga alcohol.
Sa ika- dalawampung pitong araw ay mayroon nang kakaiba. Nakalabas na ang mga alcohol. Pinagmamasdan nito ang mga iyon. Inaamoy isa- isa. Paulit- ulit. Gayunpaman ay nakakausap pa rin nila ito nang maayos.
Sa unang linggo raw ng infection ayon dito ay parang wala lang. Lagi lang nitong naiisip ang alcohol pero nakakapagpatuloy pa rin ito sa normal functions sa buhay.
Sa ikalawang linggo ay ayaw na nitong malayo sa alcohol. Gayunpaman ay nakapagpatuloy pa rin sila sa paglalakad. Naalagaan pa rin ni Marilyn ang anak.
Sa ikatlong linggo naman ay may mga pagkakataong nakikipagtitigan lang ito sa bote ng alcohol. Mga saglit na sandali na inaamoy lang nito ang alcohol. Nasa matinong pag- iisip pa rin ito.
Maggagabi na naman. Huminto na muna sila sa isang gasoline station upang muling mag- full tank si Caloy. Kinuha na rin nila ang pagkakataong iyon upang mag- cr at kumuha ng pagkain sa convenience store ng istasyon. Sakto naman at marami pang laman ang store. Mauubos na kasi nila ang supply na meron sila na dala nila Red.
"Kung twenty seventh day na pag- aapoy at pagtingin lang ang kakaibang ginagawa ni Marilyn sa desire niya ibig sabihin hanggang twenty ninth day ay may pag- asa pang gumaling ang taong infected." Saad ni Prances habang naglalakad sila pabalik ng van. "Sa thirtieth day lang naman pala tuluyang nasisiraan ng ulo ang infected ng DesireV- 30 eh."
"Hindi pa tayo sure dyan Ces. Marami pang pwedeng mangyari sa last three days." Tugon ni Myrna. "Pero tama ka sa part na kahit infected na ang isang tao ay maaari pa siyang gumaling. Kung tumagal si Marilyn ng twenty seven days at maayos pa rin ang pag- iisip niya, kapag nagkaroon ng gamot at vaccine ay pwede pang masagip ang mga infected."
"Kailangan na talaga nating magmadali upang makarating tayo sa lab. We need the vaccine. We need the cure."
Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi niya alintana ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso. Wala na siyang pakialam ngayon doon. "Oo. Ililigtas natin ang ibang mga nangangailangan."
Bago sumakay sa van ay nag- report na muna siya kay Boss X sa mga naging hypothesis nila ni Prances sa stages ng taong infected.
Inabot na sila ng gabi sa daan. Laking gulat nila nang biglang nagpreno si Caloy. Pare- pareho silang nagising.
"Caloy ingat naman may bata oh!" Saad ni Prances.
"M- may babae sa daan." Nauutal na tugon ni Caloy.
"Babae na naman?!" Highblood kaagad si Red. "Paandarin mo na Caloy! Ano? Lahat nalang ng madadaanan natin ay hihintuan at pasasakayin? Hindi na pwede. Wala nang space para mag- isolate pa tayo ng infected na tao rito sa van."
"P- pero nakaharang po siya sa daan." Nauutal pa rin si Caloy. Tila kakaiba ang nakikita nito. "Buntis siya. Nakahambalang siya sa mismong gitna ng daan."
"B- buntis?" Tanong ni Myrna. Sabay-sabay silang napasilip sa windshield ng van.
"Parang manganganak na siya!" Saad naman ng tauhan ni Red. "Tulungan natin siya!"
"Tama ka na nga dyan Sebastian!" Sigaw ni Red na may kasama pang pagsakal sa kwelyo ng tauhan. Sa kauna- unahang pagkakataon ay narinig nilang binanggit nito ang pangalan ng tauhan. Nalaman din nila sa wakas. "Hindi 'yan ang namatay mong asawa at anak! Kailangan na nating umalis dahil siguradong infected 'yan! Mahina ang resistensya ng mga buntis kaya kontinf exposure lang nyan sa virus ay mahahawa na 'yan!"
Para silang nanunuod ng eksena sa pelikula. Bigla pang lumuha si Sebastian. "Iligtas natin siya sir. Ayokong matulad siya sa misis at sa anak ko na hindi ko man lang natulungan noon dahil nasa misyon natin tayo. Parang awa niyo na sir."
"Hindi! Hindi Sebastian! Wala na tayong paglalagyan dito sa van! Isa pa infected na 'yan! Naririnig mo ba ako? Wag matigad ang ulo mo!" Nakakabingi ang boses ni Red. Tinakpan nalang ni Myrna ang mga tainga ni Maliah.
"Iwan niyo nalang po ako rito. Ililigtas ko sila." Saka binuksan ni Sebastian ang pinto ng van at lumabas. Sa pagkakataong iyon ay mas narinig nila ang panaghoy ng babaeng manganganak na.
"Aaaaaaah! It hurts!" Nagsasalita ito ng English ngunit hindi ito Filipino o Asian. Mukhang Western ang lahi nito.
"Sasamahan ko si Sebastian sa baba." Saad ni Myrna. Napatingin sa kanya si Red.
"Ano na naman 'to?! Wag mong kunsintihin si Sebastian! Hindi pa man siya infected alam ko na ang desire niya. Namatayan siya ng asawa at anak noong pinapanganak ng asawa niya ang baby nila habang nasa misyon kami. That was eleven years ago noong panahon pa ng COVID- 19. Nawawala lang sa sarili niya si Sebastian. Isang taon din namin siyang pinasok sa rehab para umayos ang utak niya."
"Tama ka naman Red eh. Mabilis ma- infect ang mga buntis. Hindi ko susundan sa labas si Sebastian para kunsintihin. Hihikayatin ko siyang bumalik na rito sa loob. Okay ba?"
"Putang ina. Bilisan niyo." Napaupo nalang si Red.
"Wait sasama ko." Saad ni Prances. "Red pakibantayan si Maliah huh?"
"May choice pa ba ako? Dalian niyo!"
Isang metro nalang ang layo ni Sebastian sa babaeng nagle- labor na at ilang saglit nalang ay manganganak na. Basang- basa na ang ibabang bahagi nito. Tila pumutok na ang panubigan. Ang pinagtatakhan niya lang ay kung bakit may kasamang dugo. Maraming dugo ang lumalabas sa pwerta ng babae.
"S- sebastian... halika na. Bumalika na tayo sa loob ng van. Hindi maganda ang nararamdaman ko." Paghihikayat niya rito.
"Tulungan natin siya please. Duguan na siya oh." Ayaw pa rin ng lalaki.
"Sebastian, kami na ang nakikiusap sayo." Tinulungan na siya ni Prances na kumbinsihin ang lalaki. "Hindi mo mababawi ang buhay ng asawa't anak mo rito. Ipapahamak mo lang tayong lahat. Kailangan ka pa namin sa misyon na ito. Mas marami tayong maililigtas kapag nagpatuloy tayo sa paglalakbay papunta sa lab."
"Tulungan lang natin siyang mailabas ang bata." Ilang saglit pa'y inabot ng babae ang paa ni Sebastian dahilan upang mapaupo ito.
"Ruuuuuuuun!" Sigaw ng babae.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...