Chapter 49: Halaman

18 1 0
                                        

Chapter 49: Halaman

Dahil sa Desire V-30 virus at sa pandemyang dulot nito hindi lamang ang balanse sa pagitan ng mga tao at hayop ang apektado. Maging ang iba pang may buhay ay apektado na rin. Iyon ang nasaksihan nila Myrna sa umagang iyon. Ang mga damo sa labas ng van at sa kabukirang iyon ay nalanta lahat. Mula sa berde o luntiang tanawin ay naging itim ang mga ito. Walang buhay. 

“The fuck…” – Caloy.

“Putang ina magugunaw na yata ang mundo.” Saad naman ni Martin.

“Marahil dyan dumaan ang mga hayop kahapon. Natuluan ng fluids mula sa kanila ang mga halaman. Dahil dikit-dikit ang mga damo ay mabilis na kumalat ang virus sa kanila dahil upang mamatay sila.” Paliwanag ni Myrna sa mga ‘to. Sumikip ang dibdib niya sa nakitang gunita ng kanyang mga mata.

“Myrns…” napahawak sa kanyang baywang si Prances. “Look.” Itinuro nito ang kabundukang pinanggalingan ng iba pang mga hayop. 

“Putang ina.” Unang nag-react si Red na ikatlong araw ng infection. 

Napatakip nalang ng bibig si Myrna. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ang kabundukan ay parang isang malaking uling. Itim na ang mga dahon ng mga puno. Nabubulok na ang mga ito. Walang buhay. “Masisira ang buong kalikasan kapag nahawa ang mga hayop at halaman. Walang mapagkukunan ng pagkain. Mas lalong magugutom ang mga tao. Mas lalala rin ang climate change kapag kumalat ang ganitong scenario sa mas malaking bahagi ng mundo. I can’t even imagine. Napakaraming negatibong mangyayari kapag natuluy-tuloy ito.”

Biglang tumunog ang kanyang phone. Pagtingin niya’y tumatawag si Yberr. Kaagad niya iyong sinagot. “Hello Yberr. Tatawag palang sana ako sayo.”

“Ma’am Myrna may problema po tayo.” Bungad nito.

“Problema? Ano ‘yun?”

“Hindi ko po naipadala sa mga tv stations ang balita tungkol sa animal infection ng Desire V-30. May bagong official website at email ang Techno Bio Lab. Iyon ang kinukuhanan ng information ng media at gobyerno. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng bagong impormasyon ang Techno. Pinapalabas nilang okay lang ang lahat. Aabutin po ako ng ilang araw para makapasok at ma-hack ang bago nilang system.”

Kumunot ang kanyang noo at napabuntong-hininga siya sa narinig. “Hindi pwede ‘to. Pinagkakaitan talaga nila ang Pilipinas at ang mundo ng tamang impormasyon. Sigurado akong pakana ito ni Xavier. Marami ng dapat malaman ang mga tao Yberr.” Pinakita niya sa camera ang itim na kabundukan sa kanilang lugar.

“Teka ma’am ano ‘yan? Mga puno’t halaman ba ‘yan? Bakit kulay itim? Nasunog?”

“Infected din sila ng Desire V-30. We have no scientific basis yet but that’s the obvious. Dinaanan ang lugar na ito ng mga hayop na infected. Malamang ay nahawa rin ang mga halaman at mga puno. Kapag nahawa ang mas maraming mga hayop at halaman at mauubusan ng food supply ang mga tao. Masisira ang kalikasan. Napakaraming pwedeng mangyari Yberr. Kailangan mong muling mapasok ang system ng Techno.”

“Teka lang Myrns.” Pagpigil ni Prances. “Mukhang hindi na ang Techno ang dapat nating mapasok. They will only tell lies. Hangga’t hindi pa kumikilos si Xavier sa sunod niyang mga plano ay kailangang mapasok natin ang mas makapangyarihan sa kanya.”

“Mas makapangyarihan kay Xavier at sa Techno Bio Lab?”

“Ang World Health Organization.” – Prances.

Tumango siya. “Yberr narinig mo ‘yun. Alamin mo kung paano nakakakuha ang impormasyon ang WHO ngayon tungkol dito sa virus. Sa kanila natin ifi-feed ang lahat ng nalalaman natin tungkol sa Desire. Balikan mo agad kami sa lalong madaling panahon.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon