Chapter 116: Kabutihan sa Gitna ng Pandemya
"Sino siya Red?" Tanong ni Myrna bago balingan ng pansin ang matandang babae. "Lola ano pong ginagawa niyo rito?"
"Nakita ko siyang naglalakad dito sa gilid ng kalsada. Papunta raw siya ng Heaven's Palace." Si Red ang tumugon. Saka ito umakmang babarilin na gamit ang silencer ang gulong ng refrigerated truck na naglalaman ng vaccine.
"Tulungan niyo ako mga apo. Nakatira sa palasyong 'yan ang anak ko. Mataas ang posisyon niya. Kailangan ng kapitbahay namin ang bakuna. Bulag ang kapatid 'non. Walang mag-aalaga. Matanda na ako. Kahit anong habag ko sa kanila ay hindi ko na kayang akuin ang responsibilidad. Ika-tatlumpung araw na bukas. Takot na takot na sila dahil baka mamatay na ito at hindi na maalagaan ang kapatid na bulag." Kwento ng matanda.
Nagtagumpay naman si Red sa pagbaril sa isa sa likurang gulong dahilan upang huminto ang truck. Kagyat na lumabas mula roon ang ilang Team Spider. Mga lima iyon kung kanilang bibilangin.
"Ako na ang bahala sa mga tukmol na 'yan. Ako na rin ang kukuha ng bakuna. Dadamihan ko na."sambit ni Red saka ipinwesto ang hawak na baril.
"Wag Red!" Pagpigil ni Prances. "Wag kang kukuha ng maraming bakuna. Isa lang ang kuhanin mo."
"Ha?" Sabay na reaksyon ni Myrna at Red.
"Pero Ces kahit sana dalawa. Sayo at sa kapitbahay ni lola." Pagkumbinse niya rito.
"Magtiwala lang kayo. Magtiwala ka lang Myrns. Isa nalang ang kunin mo Red. Please. Wag mo na ring patayin ang driver ng truck. Kailangang mai-deliver ang mga bakuna." Pakiusap nito. Nauubusan na sila ng oras. Baka may dumaan ng bagong sasakyan at dumami pa ang Team Spider sa paligid. Hindi sila pwedeng mag-aksaya ng pagkakataon.
Dali-daling lumabas si Red mula sa mga halamang kanilang pinagtataguan. Dahan-dahan at palihim itong lumapit sa truck. Niyakap nito mula sa likod ang isa sa Team Spider.
"Sige kumilos kayo ng masama!" nag-Tagalog nalang ito marahil dahil sa kanilang translator app kahit na mukhang Western ang mga myembro ng Team Spider na naroon. "Papatayin ko 'tong kasamahan ninyo!"
"Hindi mo ba nakikita na apat pa kami! Kaya ka naming pagtulungan!" Tugon ng isa.
"Hindi niyo ako kilala. Kaya ko kayong pagsabay-sabayin. Kaya kung ako sa inyo ay buksan niyo nalang 'yang likod ng truck. Kukuha lang ako isang syringe at isang dose ng bakuna. Aalis na rin ako kaagad 'non at mabubuhay pa kayo."
"Hindi ka namin kilala! Wala kaming pakialam kung sino ka pa! Dito ka na mamamatay!"
Akmang babarilin siya ng mga 'to pero mas mabilis ang kanyang mga bala. Apat na putok mula sa kanyang silencer ay tumba agad ang mga 'to.
"Oh kita mo 'yun?" Tanong ni Red sa bihag niya. "Buksan mo 'yang pinto kung ayaw mong ikaw ang sunod na maging malamig na bangkay dyan sa daan."
"Sige! Sige! Bubuksan ko na!"
Binuksan na nga ng lalaki ang pinto ng truck. Doon na napaisip si Red kung ilan ang kukuning bakuna. Nais nitong mailigtas si Prances at ang kakilala ng matandang babae. Ngunit magtiwala lang daw kay Prances at ito na ang bahala. Baka napansin nitong may something sa matandang babae? Baka hindi iyon mapagkakatiwalaan? Pero paano napansin iyon ng babae? Kahit siyang lalaki at hindi basta-basta naaawa ay nahabag sa kalagayan ng matanda na nagtungo pa malapit sa kuta ng kaaway upang makita ang anak at upang ipanghingi ng bakuna ang kapitbahay na infected. Halatang-halata na sa puting buhok ng matanda, kulubot na mga balat at uugod-ugod na pagkilos na senior citizen na ito. Mukha rin namang hindi lang 'yun prosthetic. Kung anu-ano na ang punasok sa isipan ni Red.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
