Chapter 123: Pagkakanuno
Hindi rin papayag si Sammy na manatili si Rona kasama sila sa Diplomat Hotel. Pagkahatid niya rito sa silid na tutuluyan nito ay gigil na gigil siya sa inis. Nagbalik lahat ng sama ng loob niya sa pinsan.
Maraming taon na rin ang nakalipas. Noong buhay palang ang magulang nila Rona at Ruby ay kasama siya sa nakakaranas ng ginhawa sa buhay. Wala na ang kanyang mga magulang at ang mga 'to nalang ang natitirang malapit niyang kaanak.
"Hindi po ako nagnakaw tita! Promise po! Hindi ako!" Pagde-deny niya sa ibinibintang ng kanyang tyahin sa kanya na nagwaldas daw siya ng pera mula sa bank account ng hotel.
"Pinagkatiwala ko sayo ang paghawak sa passbook ng hotel Sammy. Kasi ikaw nalang ang nag-iisang pamangkin ko. Si Ruby ay bumaba na ng Maynila upang mag-trabaho. Si Rona naman ay graduating na. Anong ginawa mo? Bakit mo sinira ang tiwala ko sayo? Tapos magde-deny ka pa ngayon. Ikaw lang naman ang gumawa ng huling transaction sa bangko eh. Para saan ang pera? Saan mo gagamitin ang five hundred thousand pesos na kinuha mo ha?"
"Tita sorry pero nagkaroon kasi ako ng utang. Naglaro ako ng minsan sa bagong bukas na casino. Papatayin nila ako tita kapag hindi ako nakabayad."
Napabuntong-hininga nalang ito. Sinalo nito ang noo sa labis na galit sa kanya. "Ente na. Akin na ang passbook. Siguro naman ay sapat na 'yung nakuha mong pera hindi ba?"
"Sorry tita. Sorry po." Umurong siya. "Limang milyon po ang kailangan kong bayaran eh."
"Ano?! Limang milyon?! So ang plano mong ipambayad ay ang pera namin dyan sa pera ng hotel? Nahihibang ka na ba Sammy? Gagawa-gawa ka ng kalokohan tapos kami ang papahirapan mo?! Ibigay mo na sa akin ang passbook Sammy. Ente na. Nagsabi na ako sa bangko na wag nang gagawa ng transaction kapag ikaw. Hindi ka na rin makakapag-withdraw pa. So please akin na 'yan. Bago pa kita isumbong sa asawa ko, sa tito mo. Alam mo kung gaano siya kagalit sa mga magnanakaw. Pati na rin sa mga sugarol. Mayor pa man din siya ng Baguio. At tahasan niyang pinipigilan ang pagpapatayo ng isa pang casino rito sa lungsod. Kahit ikaw na pamangkin ko ay hindi sasantuhin 'non. Kilala mo siya."
"Opo tita kaya sorry talaga." Nagtatakbo siya papunta sa parking hotel. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang susi ng kanyang kotse na bigay nito tapos ay pinaharurot niya 'yun.
Muntik na siyang mabangga sa papasok namang sasakyan ng kanyang tyuhin na mayor.
"Patay." Bulong niya saka siya napailing. Ito na mismo ang tumabi. Bumaba rin ito ng sasakyan. Doon siya kumuha ng tyempo upang muling paharurutin ang sasakyan. Nasa Marcos Highway na siya nang mapansin niyang hinahabol siya nito. "Tangna naman. Bakit hindi nalang nila ako pabayaan? Dapat hindi sila naglalalabas ngayon at lumalayo sa city hall. May banta sa buhay niya eh dahil pinipigilan niya ang pagpapatayo ng isa pang casino rito sa syudad."
Patuloy ito sa paghabol sa kanya. Hanggang sa napapreno nalang siya. Sunud-sunod kasi na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Saka isang malakas na pagsabog ang naganap. Paglingon niya sa kanyang likuran ay mag malaking usok na nagmumula sa bangin. Nahulog ang sasakyan ng mag-asawa. Nakita niya rin ang mga lalaking nakasuot ng shades na tumatawa. Binuksan niyang kaunti ang bintana ng sasakyan upang marinig niya ang sinasabi ng mga 'to.
"Mabuti't napadpad dito ang mga 'yan. Nasaktuhan natin si mayor. Ang tindi ng security niyan sa city hall ah. Matutuwa sa atin si boss dahil napatay na natin siya. Bonus dahil kasama pa ang asawa. Mapapatayo na rin sa wakas ang ikalawang casino rito sa Baguio. Hahaha!"
Muli niyang isinara ang bintana ng sasakyan. "K-kasalanan ko ang pagkamatay nila tita at tito?" Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Ilang segundo lang ang lumipas at dali-dali niya rin iyong pinunasan. "Wala akong kasalanan. Hindi naman ako ang bumaril sa sasakyan nila eh kaya nahulog sa bangin. Hindi ako. 'Yung mga kaaway nila ang pumatay sa kanila. Isa pa kung hindi nila ako hinabol edi sana hindi sila mapapahamak. Hinayaan nalang sana nila sa akin ang bwisit na passbook na 'to. For sure marami silang bank account. Sobrang yaman kaya nila. Kung nanatili nalang sila sa city proper edi sana hindi sila namataan ng mga 'yun. Buhay pa sana sila. Wala akong nakita. Wala ako rito nang mangyari ang insidente."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
