Chapter 34: Versus Round 1

47 1 0
                                        

Chapter 34: Versus Round 1

Napakunot ng noo si Myrna sa sinabi ni Linda. “Babaeng nakakalimutan ko?”

“Kanina habang nagbibigay ka ng assignments sa lahat ay hindi moa ko nabanggit.” Tugon nito.

“Pwede bang kayo na ni Caloy, Martin ang maghanap ng malapit na village dito? Kayo kasi ang perfectly fit sa ating lahat. May sugat kami ni Prances. Hindi naman pwede si Maliah. Infected si Red pero siya pa rin ang magpo-protekta sa amin dito.”

Iyon ang eksaktong mga katagang sinabi. Aminado siyang hind inga niya nabanggit si Linda ngunit wala siyang ganoong intension na makalimutan ito. Akmang hahawakan niya ito pero umiwas ito. “Sorry Linda kung iyon ang naisip mo. Hindi lang naman kita nabanggit kanina dahil may sugat kami ni Prances. Okay ka naman eh. Kaso lang mas fit ang mga lalaking kasama natin na sina Caloy at Martin. Sorry kung iba ang naging dating sayo.”

“Hindi na ‘yun ang mahalaga. Hindi ‘yun ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap.” Hindi maganda ang tono ng boses nito. 

“Bakit mo ako gustong makausap?” tanong niya rito.

Lumakad ito paikot sa kanya. Nakapamaywang pa ito. Napansin niyang tiningnan din siya nito mula ulo hanggang pa ana tila ba niyuyurakan ang kanyang pagkatao. Ibang-iba sa Linda na palaging inaawat si Martin kapag naghuhuramintado sa loob ng van. 

“Wag mong landiin si Martin.” Pabulong nitong sinabi sa tapat ng kanyang kanang tainga.

Nangilabot siya. “A-ako nilalandi si Martin? The hell no!”

Saka ito tumapat sa kanyang mukha. Ramdam niya ang hangin na nagmumula sa ilong nito. “You go to hell. Liar! May gusto sayo si Martin. Sinabi niya mismo ‘yun sa akin kagabi habang nagse-sex kami. Tapos kanina puro sayo ang atensyon niya. Ngayon sasabihin mo sa akin na ‘the hell no’. Wag ako. Hindi porket ikaw ang leader-leader-an ng misyon na ito ay hindi na kita kakalabanin. I’m watching you Myrna. Kapag hindi mo tinigilan si Martin ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Naiintindihan mo ba ako?”

“Pinagbabantaan mo ba ako?” tanong niya rito. Nangigigil na rin siya sa babae. Biglang nag-iba ang tingin niya rito. Nagpipigil lang siya dahil ayaw naman niyang makipag-away. 

“Oo. Pagbabanta ‘yun. Wag na wag kang gagawa ng maling hakbang dahil hindi mo ako kilala.” Tinalikuran na siya nito at bumalik malapit sa van. 

Hindi niya muna ito pinatulan kahit gigil na gigil na siya. Tamai to, hindi niya pa ito kilala. Wala silang alam sa mga bago nilang kasama. Si Martin nga ay kahapon lang niya nakasama ng lubos. Bahagya siyang nagtiwala rito ngunit hindi pa rin nito sinabi ang tunay na pakay sa laboratoryo. Tapos sinabi ng babaeng ‘yun na may gusto ito sa kanya. Agad-agad! Sinabi raw dito habang nagniniig sila. Ayon kay Martin ay wala silang relasyon ni Linda ngunit kung totoo ang sinabi ng babae ay nagtatalik sila kahit walang relasyon. FuBu o fuck buddy lang sila kung ganoon. May maitim na usok siyang nakikita sa pagkatao ng mga ‘to. May naisip siyang paraan upang mas makilala ang mga ‘to sa mas mabilis na paraan.

Kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan sa messenger app na kanyang gamit. “Yberr.”

“Ma’am Myrna! Goooood morning! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” saad ng kanilang IT expert sa kabilang linya.

“May ipapa-search akong mga tao sayo. Dapat kahapon pa kaso lang nawala sa isip ko.” Saka siya napapikit. “Shet! Hindi ko alam ang apelyido nila. Hindi ko rin alam ang social media accounts nila dahil hindi sila kasama sa gc namin.”

“Ayun lang ma’am Myrna. Pwede niyo muna po silang i-add sa gc ninyo tapos ay ibigay niyo sa akin ang account. Pwede na po akong makapag-simula roon. Kung hindi niyo naman po sila ma-add sa gc ay pwede niyo silang makuhanan ng pictures. Send niyo lang po sa akin at mahahanap ko na rin sila. Hacking 101 po ‘yan ng IT hehe! Mas sophisticated na ang mga software at social media ngayon pero wala pa ring tatalo sa hacking skills ko.” Pagmamalaki nito.

“I know right! Kaya nga ako ang nagpasok sayo sa Bio Techno Lab di ba? Kasi alam ko ang skills mo.” 

“At habang buhay ko po iyong ipagpapasalamat ma’am Myrna.” 

“Oh siya baka magka-iyakan pa tayo. Saka na natin balikan ang nakaraan kapag wala kaming nahanap na solusyon sa pandemyang ito at end of the world na talaga. I’ll update you on the two options na sinabi mo kung alin ang nagawa ko. Thank you so much Yberr.”

“Okay po ma’am. Ingat po kayo dyan nila ma’am Prances.”

Bumalik na siya malapit sa van kung nasaan ang kanyang mga kasama. Napansin niyang wala roon si Linda. “Nasan si Linda?”

“Naglalaro kami ni Maliah. Hindi ko napansin eh.” Tugon ni Prances.

“Iihi lang daw siya.” Saad ni Red. “Dyan sa way nila Caloy siya nagpuntang direksyon. Bakit?”

Napabuntong-hininga siya. “’Yung babaeng ‘yun talaga oh. Inuubos niya ang pasensya ko. Dito lang kayo ah. Susundan ko.”

“Baka kailangan mo ng tulong?” tanong ni Red. 

“Bantayan mo nalang sina Prances at Maliah dito Red.” Tugon niya.

“Kaya ko naman eh Myrns. Pareho lang tayong may sugat. Magpasama ka na kay Red.” Pagsaway ng kanyang kaibigan.

“Hindi lang naman para sayo ang desisyon kong ‘yun eh. Kasama mo si Maliah, ang anak natin. Kailangan din siyang protektahan. Mas mapoprotektahan siya kung narito si Red. Kahit infected si Red ay mapagkakatiwalaan pa rin natin siya sa safety natin. Hahabulin ko lang naman si Linda eh.”

“Baka ikaw naman ang may makasalubong na infected sa daan. Wala kang kasama may sugat ka pa.” ramdam niya pa rin talaga ang concern sa kanya nito kahit na nagkakatampuhan sila. 

“May ideya ako.” Tila may naisip na solusyon si Red. “Kumuha ka ng isang baril namin Myrna. Dalhin mo ‘yun. Itago mo nalang sa pants mo. Use it in case of emergency. Kapag narinig kong nagpaputok ka ay susunod din ako sayo kaagad. Okay na ba ‘yun para hindi niyo na pagtaluhan ‘yan?”

Tumango si Prances. “Mag-iingat ka Myrns.”

“Oo naman. Para sa inyo ni Maliah.” Nakangiti niyang tugon.

“Mag-iingat ka po mama Myrna.” Dagli siyang niyakap ng bata. “I love you po.”

“I love you too Maliah.”

Matapos noon ay kumuha na siya ng baril at saka sinundan si Linda.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon