Chapter 86: Unahan

7 2 0
                                    

Chapter 86: Unahan

Tuluyang nakapasok si Yberr sa loob ng Heaven’s Palace. Personal siyang hinatid ni Chichay sa kanyang napakalaking silid. 

“Sobra naman yata sa laki ang kwarto ko Chi. Kahit sa bahay ay hindi ako komportable sa ganito kalaking kwarto eh.” Komento niya habang pinagmamasdan iyon. 

“Ano ka ba? Deserve mo ‘to Ber. Ikaw na ang head ng IT team ng Panginoong X. Lahat ng best things in life ay mamapapasayo na.” tugon naman nito.

“Naku nakakahiya naman. Ikaw lang sapat na.” binola niya pa ito. Nagpatuloy siya sap ag-ikot sa kanyang kwarto na may sariling banyo na may bath tub pa. May maliit na veranda rin iyon. Queen size bed ang kama. May office set up na table. At mayroon ding walk in closet na hindi niya alam kung ano ang kanyang ilalagay. Ngunit ang talagang umagaw ng kanyang atensyon ay ang CCTV sa loob ng kanyang silid. “Teka lang Chi. Bakit may CCTV? Seriously? Sa loob talaga ng kwarto?”

“I’m so sorry Ber pero part ‘yan ng safety measures dito sa loob ng Heaven’s Palace. Kung wala ka namang masamang gagawin ay ayos lang naman ‘yang CCTV camera na ‘yan eh.” Tugon nito.

“Nandoon na ako pero paano naman ang privacy ko? Paano nalang kung mag-sex tayo? Mapapanuod nilang lahat.”

“M-mag-sex?” natigalgal ito. 

Alam niya ang mga sikreto ni Chichay. Alam niyang teenager palang sila ay nakikipagtalik na ito sa kung sinu-sinong mga lalaki para mapunan ang makamundong mga hangarin nito. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya nahulog sa matalik na kaibigan. He’s a closet gay but he did not want to have a relationship just for Earthly pleasures. Though lagi niya itong pinapayuhan na magbago na dahil baka magsisi ito sa huli. Alam din ni Yberr na ito ang dahilan kung bakit sila nag-away noon ni Manolo. May nakakita rito. Na-trace niya rin as an IT expert and IP address ng nagpost ng mga litrato nila ng kanyang nobyo. Nalaman nga niyang si Chichay ang may gawa noon. Kaya naman matapos nilang magkasundo muli ng kasintahan ay iniwasan na muna niya ang kaibigan upang mapalipas ang naramdaman niyang inis dito dahil sa ginawa nito. Inakala niya rin na mare-realize nito ang mga nagawang pagkakamali. Gayunpaman ay mas lumala ito. Labis ang kanyang kalungkutan nang malamang head na ito ng isa sa mga team ng pekeng Diyos. 

Hindi na niya ito sinagot pa. “Pwede bang iwan mo na muna ako Chi? Mag-aayos lang ako ng gamit ko. Marami pa akong dapat na i-set up eh.”

“Sure. Gabi na rin naman eh. Good night Ber. I love you.” Nakangiting saad nito.

“L-love you.” Hindi niya mabuo ang salitang ‘yun.

Pagkaalis nito ay mas pinag-aralan pa niya ang kanyang kwarto. Naupo siya sa kama upang mapagmasdan iyon ng mabuti. Muli rin niyang pinuntahan ang cr, veranda at walk in closet. Walang CCTV sa loob ng cr at walk in closet. Sa veranda naman ay nagkalat din ang CCTV mula sa labas ng Heaven’s Palace. 

Matapos niyang mag-set up ng ilang desktop pc sa working table niya ay pinatay na niya ang ilaw upang hindi siya masyadong maaninag sa kuha ng camera. Tapos ay nagpunta siya sa walk in closet. Doon siya nag-set up ng secret laptop kung saan siya magre-report kina Myrna ng mga kaganapan sa palasyo. Tinawagan din niya ito.

“Nakapasok na ako sa palasyo nila ma’am Myrna.” Ma’am ang tawga niya rito dahil basically boss niya ito sa trabaho. “Nakapag-set up na rin ako ng hardwares at softwares ko. May mga CCTV sa loob. Mabuti nalang at nagawan ko ng paraan.”

“Mag-iingat ka dyan Yberr. Nandyan na rin sa loob si Ruby.” Saad nito sa kabilang linya. “Siya nga pala. Nag-aalala sayo si kuya Manolo. Tawagan mo siya huh?”

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon