Chapter 91: Agawin
Spell AWKWARD! Tapos tila may kwagong biglang humuni sa loob ng dining area ng hotel nang dumating si Ruby kasama si Ralph. Kung si Ruby, wala na silang problema ni Prances. Pero kay Ralph, hindi siya sigurado. Naka-move on naman na talaga siya mula sa lalaki eh. Sila na ni Myrna. Pero may mga pangyayari sa nakaraan na sadyang mahirap kalimutan. Mga bagay na hindi basta-basta masasabing 'okay na ako'. Bumalik sa ala-ala ni Prances ang araw na 'yun sa Techno Bio Lab nang mahuli niyang nagtatalik ang dalawa sa PWD CR ng laboratoryo.
"Myrns nakita mo ba si Ralph?" Tanong niya sa kaibigan. Nahilo na siya kakahanap dito sa loob ng lab ngunit hindi pa rin niya makita ang nobyo.
"Hindi eh Ces." Saka ito tumayo. "Bakit parang namumugto ang mga mata mo?" Napansin kaagad ng kanyang matalik na kaibigan na umiyak siya.
"Huh? Napuwing lang ako. Ano ka ba?" Pagmamaang-maangan niya.
"Seryoso Ces? Napuwing ka sa loob ng Techno? Halos isumpa na ng mga alikabok ang buong building natin dahil hindi sila makapasok eh tapos mapupuwing ka?" Tumayo ito. "Magtapat ka nga sa akin Prances Ilao. Nag-away na naman ba kayo 'nung Ralph na 'yun? Nambabae na naman ba ang bwisit mong boyfriend? Sabi ko naman kasi sayo eh. Hiwalayan mo na 'yan. Sobrang toxic na ng relationship niyo. Once a cheater, always a cheater. Wala ng pag-asa 'yan."
"Nasi-cr ako Myrns. Cr lang ako." Saka niya ito tinalikuran. Hindi niya kayang masampal ng katotohanan. Matagal na siyang pinapayuhan ng kaibigan na makipaghiwalay na rito. Ilang beses na kasi niya itong nahuhuling may ka-chat na ibang babae. Masyadong mahangin at ma-pride ang nobyo. Gayunpaman ay pinanghahawakan pa rin niya ang kanyang mga alaala rito. She invested a lot of feelings for him. Naibigay na rin niya ang pagkababae niya rito. Naipakilala na nila ang isa't-isa sa kanilang mga pamilya. Sadyang hindi lang nito mapigilan ang sarili na tumingin sa iba at maging mahangin at masyadong ma-pride.
Papasok na siya sa cr na pambabae nang makarinig siya ng kakaibang ingay sa cr na pang PWD sa dulo ng hall kung nasaan ang mga cr. Iyon ang pinakapribadong cr ng buong building dahil silang mga senior researchers at scientists lang ang nasa floor na 'yun. Hindi na 'yun dinadayo pa ng ibang mga nasa mas mababang floors. Pinakinggan niyang mabuti ang ingay. Tila kumakalabog ang takip ng inidoro. Mayroon ding mga impit na ungol na nagmumula sa loob.
Mabilis na kumabog ang dibdib ni Prances. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag makita ang kanyang kinatatakutan sa loob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Tila nakalimutang mag-lock ng mga tao sa loob. Napatakip siya ng bibig sa nakita. Iyon na nga ang kanyang kinatatakutan.
"R-ralph? R-ruby?" Nasambit niya ang pangalan ng mga tampalasan.
"Prances!" Biglang tumayo ang kanyang baboy na nobyo. Tayung-tayo pa rin ang pagkalalaki nito.
Si Ruby naman ay dali-daling nagbihis.
"Mga hayop kayo! Hayop ka Ralph! Hindi ka na talaga nagbago! At ikaw naman Ruby! Ahas ka! Ahas!" Pinagpapalo niya ang dalawa.
Walang imik si Ruby na lumabas ng PWD cr. Sinundan niya ito ng tingin. Sasabunutan niya pa sana ito ngunit pinigilan na siya ni Ralph. Pagkakita niya rin sa labas ay may nakikiusyosa ng kasamahan nila at mga utility staff.
"Prances let me explain." Saad ng kanyang nobyo saka sinara ng pinto ng cr.
"Ano pang ipapaliwanag mo? Hindi na 'to basta-basta may ka-chat ka lang Ralph! Nakikipag-sex ka na! Sa katrabaho pa talaga natin! Sa PWD cr pa talaga ng office natin! Ang bababoy niyo!"
"Edi kung naiiinggit ka pwede naman nating ituloy dito eh. Tigas na tigas pa ako Prances. Pwede mo ring ma-experience ang cr sex sa office." Nakakaloka ang sinabi nito pati na rin ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...