Chapter 24: Gising

27 1 0
                                        

Chapter 24: Gising

"Ces kailangan ulit nating tumakbo. Hindi tayo pwedeng umalis dahil wala ang mga kasama natin. Isa pa wala sa ating marunong mag-drive!"

Bubuhatin pa sanang muli si Myrna si Prances ngunit nag-thumbs up ito. "Kaya ko na Myrns. Kailangan nating makatakbo ng mabilis."

"Okay! Takboooooo!"

Patuloy sa paghabol sa kanila si Nita habang tumatawa. Buhat pa rin ang vinyl record nito. Ganoon na ito kalakas talaga. Kayang tumakbo, magbuhat at tumawa nang sabay-sabay. Nakakapagod 'yun ah.

Gumawa ng group chat si Myrna nilang magkakasama. Doon siya mabilis na nag-type kung anong nangyayari sa kanila ng kaibigan.

May mga baliw na humahabol sa amin. Papatayin nila kami. Tulong! Kung nasaan man kayo ay mag-ingat din kayo ah.

Hindi na nila alam kung nasaang bahagi sila ng lugar. Kitang-kita niya ang pagdaloy ng sariwang dugo mula sa balikat ni Prances. Nabibinat ang sugat nito dahil sa ginagawa nilang pagtakbo. Labis siyang nag-alala para rito.

"Ces! Ang sugat mo!" Sigaw niya rito.

Nilingon lang nito saglit ang balikat saka nagpatuloy sa pagtakbo. "Ayos lang ako."

"Bumalik tayo sa bahay ni Julien. Kumuha tayo ng mga gamot. Magagamit natin ang mga 'yun."

Ganoon na nga ang kanilang ginawa. Kahit medyo naligaw pa ay nagbalik sila sa bahay ni Julien. Napatakip nalang sila ng bibig. Dali-daling yumakap sa kanya ang kaibigan habang lumuluha. Nakahandusay ang katawan ni Julien sa harap ng pinto. Naliligo sa sariling dugo.

Nang tumahan si Prances sa pagluha ay hinila ni Myrna ang katawan papasok sa loob. "Patawad kung hindi ka namin nailigtas. Pangako Julien, hindi masasayang ang iyong kabayanihan." Sabay silang nagdasal ni Prances upang ipangalangin ang kaluluwa ng doktora.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. Kumuha sila ng back pack at nilagay doon ang mga gamot, alcohol, bandage at iba pang pwedeng mapagkasyang medical supplies.

"Maupo ka muna Ces." Pinaupo niya ito saka niya inayos at hinigpitan ang bandage nito. "Alam mo ikaw sinasabi mo lang na okay ka pero tingnan mo nga ang dugo mo oh. Baka bigla ka nalang mahimatay."

"Okay lang talaga ako Myrns. Kasama kita eh. Sabay tayong lumalaban kaya naman nakakahugot ako ng lakas sayo. Partners right?" Then she gave her one pure and sincere smile. Tunay ngang sa isa't-isa nila nahuhugot ang lakas upang malampasan ang lahat ng ito. Sa ngiti palang kasi ni Prances ay solve na siya. Bigla siyang ginanahan. She wanted to punch and slap a face of a Satanist at the moment.

Ngunit siya yata ang masasapak dahil nakatutok na sa kanyang ulo ang baril ni lolo. Sa ulo naman ni Prances ang patalim. Paglingon nila ay naroon na ang pamilya ng mga baliw.

"Kung hindi niyo sana pinasok ang katawan ni doktora edi sana hindi kami maghihinalang nandito kayo sa loob. Ang bobo niyo naman! Hahaha!" 'Yun ang translated words na sinabi ni Nita. Nakakabwisit ang itsura nito. Noon nita lang napagmasdan. Mapayat ang pangangatawan nito. Mahaba ang mukha at malaki ang noo. Dry din ang buhok at mga labi. Bural ang mata tapos ay pinili pang maging baliw na Satanista. Bwisit na bwisit talaga sa loob-loob niya si Myrna.

"Kung anuman ang pina-plano niyo ay wag niyo nang ituloy pa." Palaban niyang sinabi lalo na sa mukha ni Nita. Pinanlakihan niya rin ito ng mga mata.

"Wala kayong laban sa amin. Hahaha! Maging masaya nalang kayo dahil kayo ay mga alay sa aming mahal na Satanas. Napaka-espesyal ninyo. Bihira lamang ang mga taong pinagpapalang maging handog kay Satanas! Kayo ang ipapadala namin sa kanya dahil pinagaling niya ako at pinalakas niya ang mga lolo at lola ko! Hahaha!" Gusto niyang sungalngalin ang lalamunan ni Nita.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon